Chapter 51

70.7K 1.9K 171
                                    

Monique

"Tulip? Ayos ka lang ba?"

Parang nabingi na ako sa mga sumunod na sinasabi ni Sister Martha. Wala na akong ibang naririnig kung hindi ang lakas ng pintig ng puso ko.

Nanghina ang aking mga tuhod kaya kusa akong napa-upo sa sahig. Hindi ko alam kung para saan ang bigat ng puso ko at ang pag hagulgol ko. Damang dama ko ang halo-halong emosyon.

"Tulip! Anong ginagawa mo?" Hysterical na saad ni Sister Martha.

Mabilis niya akong tinayo at hinawakan ng mahigpit sa kamay.

"Sister.." hikbi ko.

Hinanap ko ang kanyang mga mata. Tuloy-tuloy lamang sa pagluha ang aking mga mata at kita ko ang pag-aalala sakanya.

"We saw her and that very moment.. she smiled, alam namin non na masaya siya. Ang pamilyang kinabibilangan niya ay hindi matatawaran. Mahal na mahal siya ng pamilyang 'yon at kayang ibigay lahat sakanya. Kahit na gustong gusto namin siyang makasama, mas nangingibabaw pa rin ang takot namin na masaktan siya. Isa pa, alam kong darating din ang panahon na 'yon. Tadhana mismo ang magbabalik sakanya sa amin."

Carmela Cruz's voice echoed inside me. Bawat ngiti niya noong araw na 'yon ay bumalik sa akin. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sakanya. Kaya pala kung tignan niya ako ay parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

Even Reig's eyes flashed inside me, ngayon ko lang naintindihan. The feeling of looking at the mirror everytime I looked at his eyes is not coincidence.

It's because I can see my own eyes from him.

"Sister.. I found my family." Hikbi ko.

Namilog ang kanyang mga mata at sandaling natigilan.

"Sabi ko na nga ba, Diyos ang gagawa ng paraan para magtagpo ang mga landas niyo." Hindi makapaniwalang wika niya.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin at pinakatitigan ako sa mukha.

"Masaya ako para sa'yo. Isa sa mga pinagdadasal ko ang kasiyahan mo at kung mapapasaya ka ng totoo mong pamilya, wala na akong ibang hihilingin pa kung hindi sana makasama mo sila. Puntahan mo sila. Hanapin mo ang nawawala sa'yo."

Sandali akong mariing pumikit. Dinama ko ang paninikip ng aking dibdib at ang mainit na palad na bumabalot sa aking puso.

Tumango ako.

Nagmulat ako ng mata at ngumiti. Umagos muli ang luha sa aking mga mata at unti-unting binitawan ang kamay ni Sister Martha. Tumalikod ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan ni Simon sa contacts ko at pinundot ang call button sa tabi ng numero niya.

Mahigpit kong hinawakan ang singsing sa aking kamay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang wala man ilang segundo ay agad niyang sinagot ang tawag.

"Simon.. can you please go back here--"

"I'm on my way. Wait for me." Aniya at mabilis na pinatay ang tawag.

Nanglambot ang aking puso.

Mabilis akong lumabas at tinungo ang gate ng orphanage. Hinintay ko doon si Simon habang pinapakalma ang sarili. Hindi naman nagtagal ay nakita ko agad ang humaharurot na sasakyan niya. Mas lalo akong naging emosyonal dahil doon.

Hindi ko akailan na may makakatulong pa pala sa akin. I thought I was all alone but here he is, proving to me his promises years ago.

Promises that I thought will never be kept.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon