Chapter 13

74.5K 1.8K 223
                                    

Doomed

"Kuya, nalasing siya kagabi. It's Uno's fault. It's just, I can't carry him to his room because he's too heavy." Pagdadahilan ko.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. This is killing me! Kuya Carl's eyes were looking at me intently. Pakiramdam ko tuloy, he didn't buy my excuse.

But I can't think of any excuse, that's the most logical one.

"Bakit hindi mo kami tinawag?" Masinsinan niyang tanong.

I need to answer faster, dammit!

"Well, tingin mo ba kuya maiisip ko 'yon? Syempre ang nasa isip ko nalang, makapag-pahinga si Simon atsaka makapag-pahinga na din ako. Isa pa, alam mo naman na ayaw kong nakaka gulo ng ibang tao. I don't want to make this huge gayong pwede naman siyang matulog sa kwarto ko." Depensa ko.

I badly wanted to touch my neck! I'm so tensed! Feeling ko, mali lahat ng sinasabi ko! Parang ang concern ko naman kay Simon. Pero, kapatid ko siya.. pwede naman 'yon.

Napalunok ako at hindi umurong sa titigan namin ni Kuya. Pag umiwas ako, ibig sabihin guilty ako. Wala naman akong ginawang masama, this is all just because I am concern for my brother.

Really, Tulip?

"Okay.." he traced.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko at tinaas niya ang isa niyang kilay.

"Para sakanya ba 'yan?" He asked the obvious.

Tumango ako.

Binigyan niya ako ng isang ngisi. Lumapit siya sa akin kaya mas lalong nag umapaw ang kaba sa puso ko. Tumigil siya sa harap ko at tinapik ang ulo ko.

"I never thought that I would see the two of you this close. This is such a surprise. Anyway, pagkatapos mong ayusin si Simon, bumaba ka na." Aniya.

Tango nalang ang naging sagot ko. Hinintay ko siyang makalabas ng kwarto ko atsaka mabilis na lumapit kay Simon. Binaba ko ang pinggan sa bedside table at napahawak sa leeg ko. Huminga ako ng malalim para kumalma.

My heart is pounding so fast. I need to calm down..

Nilingon ko si Simon at napabuntong hininga ako. Bwisit ang lakaking 'to! Nahirap-hirapan na ako kay Kuya Carl tapos siya masarap pa rin ang tulog?

Kakaiba!

"Simon.."

Tinusok tusok ko siya para magising siya. Kailangan na niyang gumising para makainom ng kape. Paglumamig 'to, wala ng saysay.

"Simon Chase, wake up." Pag uulit ko.

Bahagya ko pa siyang ginalaw para mas magising ko siya. Sobrang payapa ng mukha niya, parang ngayon lang siya nakatulog ng maayos. Gustong manikip ng puso ko habang tinititigan ko siya.

Bumaba ang hawak ko sa dibdib ko at wala sa sariling napakagat ng labi. My heart was beating slowly. Parang sumasayaw ito dahil kahit mabagal 'to, sobrang lakas naman nito. Masuyo ang pag pintig ng puso ko. Napakasarap..

"Simon kailangan- What the heck!"

Napatili ako dahil sa ginawa niyang pag higit sa kamay ko at mabilis na hinila ako pahiga. Half of my body is lying on the bed, dapat ay mahirapan ako pero sa ginawang pag-sapo sa akin ni Simon ay hindi ko naramdaman ang pagkahirap ng sitwasyon ko.

He made it comfortable for me.

"I'm dreaming.." bulong niya.

Kumunot ang noo ko at bahagyang gumawa ng distansya sa pagitan namin. Itinulak ko ng konti ang dibdib niya para makakuha ng suporta. Electric volts crawled in me. Dahil ba sa static electricity?

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon