Chapter 45

66.6K 1.5K 97
                                    

Eyes

"Anak, gusto mo ba ng snacks? Ipaghahanda kita." Ani Mommy.

Marahan lang akong ngumiti at umiling. Tuluyan akong bumaba sa hagdan at dumiretso nalamang sa kusina. Agad ko namang narinig ang mga sumunod na yapak ni mommy.

Tinungo ko ang refrigerator at kumuha doon ng bottled water.

"Gusto mo bang lumabas? I'll come with you. Let's go shopping. Let's spend time with each other, bago kami umalis at pumunta sa Argao bukas." Alok niya.

Argao..

The place where I could not even take a one single step. They're all too afraid that Simon and I will see each other.

"No need mom. Just rest. Ngayon na lang po kayo nakapagpahinga, nakakahiya naman kung mapapagod pa po kayo dahil lang sa akin." Saad ko.

Kita ko ang bahagya niyang pagtigil dahil sa sinabi ko. Aaminin ko, parang bibiyakin ang puso ko nang makita ko ang malungkot niyang mga mata. Alam kong nasasaktan ko siya sa pakikitungo ko pero hindi ko siya kayang tignan sa mga mata.

Simula nung araw na 'yon..

I was aloof.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi ko na mababalik sa dati. May kulang at may butas na. May ibang hinahanap ang sarili ko at hindi ko 'yon maramdaman dito.

"Okay.. just tell me if you need something." Aniya.

Tumango ako at linagpasan na siya. Akmang a-akyat na ako sa hagdan nang marinig ang news sa t.v.

Markus Hyde De la Fuente was shot at his own company's event.

Markus? Agatha's mission?

Nawala doon ang atensyon ko nang maramdaman na nag va-vibrate ang cellphone ko. I immediately took it and saw Agatha's name.

Agad ko itong sinagot.

"Tulip?" Bungad niya.

I can hear her deep breath.

"Agatha? Are you okay? I saw the news.."

Napahikbi siya kaya natigilan ako. I suddenly remembered myself crying just like how she's crying right now.

"Hey! Where are you? Tell me, I'm gonna fetch you." Nag aalalang tanong ko.

"Yes please.. kunin mo ako dito. Nasa LH ako. Please Tul." Hikbi niya.

"Wait for me." Saad ko.

I ended the call.

Tumalikod ako at akmang lalakad patungo sa labasan ng bahay namin nang kusang tumigil ang mga binti ko. I felt a rush of tingling feeling inside me. Para akong mabilis na pinana, saktong sakto sa puso ko.

What is he doing here?

Wide eyed open, I looked at him.

"Simon.." I breathed.

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.

He smiled. Ngumiti siya sa akin at gusto kong maiyak dahil doon. Nasa may bukana siya ng aming pintuan at hindi ko alam kung maniniwala ba ako na totoo siya at hindi lang imahinasyon.

"How are you? I'm good. So good that I'm seeing you right now." He breathed.

Wala sa sariling malungkot akong napangiti. For the past years, tuwing may sinasadya siya sa bahay ay lagi kaming hindi nagkakakitaan pero ngayon... nasa harapan ko na siya.

I saw him again.

"Simon?"

Agad akong napaiwas ng tingin nang narinig ang boses ni mommy. Alam kong may kaba sa boses niya at alam ko rin kung bakit.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon