Wakas

159K 3.1K 640
                                    

Mga tahimik na inspirado, thank you for reaching this chapter!

Minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang repleksyon ko sa salamin. Marahan akong ngumiti at bahagyang hinawi ang kinulot kong buhok. Bumaba ang aking kamay papunta sa leeg, papunta sa aking kwintas.

Hindi ko alam kung para saan ang kaba kong nararamdaman, marahil dahil alam kong baka makita ko siya ngayon. I wanted to invite them personally but I didn't have the time and the courage to do it. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako at parang hindi ko siya kayang makita. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko pero isa lang ang pinaka kinatakot ko doon.

Paano kung may mahal na siyang iba?

"Nasaan na si Kuya Reig?" Rinig kong tanong ni Emy.

"I don't know, baka kasama ni Kuya Nix.."

Narinig kong bumukas ang pintuan at kasabay non ang pag-lingon ko para tignan kung sino ang pumasok.

"There he is." ani Friz.

Sabay na pumasok si Kuya Nix at Kuya Reig. They were both in their violet suit that I guess were chosen by Friz.

"Kuya, hinahanap ka ni mama kanina pa." Tanong ni Emy.

Tumayo ako at lumapit sakanila. Pinatong ni Kuya Nix ang braso niya sa aking balikat na naging dahilan ng pag-ngiti ko. Sa mga dumaan na taon, hindi ako nahirapan mag adjust sakanila lalo na nung panahon na medyo ilap pa ako dahil hindi ko alam kung paano sila kakausapin. The first person who talked to me when we got there was Kuya Nix. 

Naaalala ko pa non, ang tawag niya sa akin ay Monique. Isang buwan yata namin pinagtalunan ang itatawag niya sa akin pero buo na ang desisyon ko, kahit na nung bumalik kami ng Pilipinas para lang ipapalit ang apilyido ko, Tulip was still my chosen name and then I decided to change my surname to Cruz. It wasn't easy actually, ilang buwan ko pinag-isipan 'yon pero at the end of the day.. it was the least that I can do for my biological family.

Ang bagay lang na pumipigil sa akin 'non ay ang katotohanan na bagong sugat nanaman 'to para kay mommy at daddy pero God has plans dahil nung nalaman nila ang plano ko.. they were really supportive. 

Mom cried but she never begged me and she didn't ask me to stop my decision. She was the one who made it easy for me. Halos gamitin niya ang kapangyarihan niya para sa loob ng isang araw lang ay matapos na.

"Maria Monique Cruz!" 

I snapped back.

Pinilig ko ang aking ulo at nakitang lahat sila ay nakatingin sa akin. Matamis akong ngumiti at yumakap kay Kuya Nix.

"You're spacing out." Tukso ni Kuya Reig.

"Hindi kaya.." bulong ko.

"Kahapon pa siya ganyan! Simula nung bumalik tayo." Ani Friz na may himig na pag-aakusa.

Sandali akong napapikit dahil sa sinabi ni Friz. Hindi ko ba alam, lutang ako simula kahapon.

"I think I know the reason." Ani Emy sabay upo sa sofa doon.

"Oh! The Montgomery guy?" Pagkumpirma ni Kuya Reig.

"Who?" Inosenteng tanong ni Friz.

Bahagyang linapit ni Kuya Nix ang mukha niya sa akin at tinapat ang bibig niya sa aking tenga.

"They're here. I saw them already, nasa labas sila ng building." 

Shit.

Napabitaw ako kay Kuya Nix at napaayos ng tayo. Bumagal ang pintig ng puso ko at naramdaman kong parang nabuhay ang dugo ko sa bawat parte ng katawan ko.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon