Chapter 17

78.2K 2K 464
                                    

Call

"Tigilan mo nga ako." Madiin kong wika.

Ngumisi ito kaya naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Tila parang naka-corner ako dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin at dahil na rin sa pinag-uusapan namin. Dapat ay madali lang sagutin ito pero bakit sobrang hirap sa akin?

Nabubuwang ka na ba, Simon? We're siblings! Anong selos ang pinagsasasabi mo? Naka drugs ka ba?

It should be like that, I should say that but here I am with a blank mind. I am completely lost and I don't know how to come back. I'm wandering in his eyes right now and I need to snap back.

My heart is in ruckus..

"Wrong answer." Nakangisi niya pa 'ring wika.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Inis kong sabi.

Pinagtiim ko ang aking mga labi at huminga ng malalim. Nakakapanghina ang kanyang mga titig kaya kailangan mag re-charge kada isang minutong lumilipas.

Mauubusan ako ng hininga sakanya at baka pati ang tamang pag-iisip ko ay mawala.

"Do you want me to be honest?" Seryoso niyang tanong.

I was shocked by his question. It was too serious that's why I can't push him ayaw. Malungkot ang kanyang mga titig sa akin at alam kong hinihintay niya ang aking sagot.

I remember Adrianna's reminder for us. We should stick to what's right and what's true.

"Honest.."

I took the risk.

Nakakatakot man marinig ang kanyang sasabihin ay sinubukan ko pa rin. Maybe I'm just paranoid. He is Simon Chase Montgomery and that's it. Kapatid ko siya, tapos ang usapan.

Dapat nga ay hindi ko iniisip 'to.

"I want to hear that you're-"

"What's happening in here? Tulip? Simon?"

Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong paglayo sakanya at ang paglingon kay Dos na nakatayo sa may hindi kalayuan. Nakakunot ang noo niya na tila nagtataka kung bakit nadatnan niya kami ni Simon na sobrang lapit sa isa't isa.

Napalunok ako at umayos ng tayo. Ngumiti ako ng matamis at mahigpit na hinawakan ang mga balak kong bilhin. Sobra sobra ang aking kaba pero ginawa ko ang lahat para hindi mahalata 'to.

"Well, I was picking some stuff but Simon provoked me, as usual." Pagdadahilan ko.

"Ts. Simon, stop messing with Tulip. Let's go, we need to go home. Nag handa ng lunch sina mommy." Aniya at nauna ng maglakad sa amin paalis.

Napabuga ako ng hangin nang makita ang papalayong bulto ni Dos. Para akong nabunutan ng tinik at doon palang ako nakahinga ng maluwag. Sandali akong mariing pumikit bago liningon si Simon.

Matalim ang mga tingin na iginawad ko sakanya. Nadatnan ko siyang matamang nakatingin sa akin habang prenteng nakapamulsa. Para siyang aso na naghihintay ng utos sa amo niya.

What the heck? Aso? Erase, erase that! Ang aso cute, siya pa-cute!

"Mauna na ako. Bahala ka diyan." Inis kong wika.

Inirapan ko siya at nauna ng maglakad paalis. Bahala siya doon, parang wala naman sakanya ang mga nangyayari. Halos hindi ako makahinga doon sa usapan namin ni Dos pero ayos na ayos lang ata sakanya.

Wala man lang bakas ng takot o kaba sakanya. He was actually slightly smiling na parang gustong gusto niya pa ang nangyayari. Siya ata ang kailangan kong ipa check-up sa doktor.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon