Chapter 53

78.9K 1.7K 108
                                    

Don't count

"Maybe we should go party?" Rinig kong suhestyon ni Clyde.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng tinuring kong tahanan sa loob ng twenty-four years.

"Really, Clyde? Ngayon mo pa naisip 'yan?" Inis na wika ni Agatha.

"Well.. mali nanaman ako?" Inosenteng tanong ni Clyde.

Bahagya akong napangiti at hinayaan nalang silang mag diskusyon sa likod namin ni Simon. Nag-angat ako ng tingin para pasadahan ng tingin ang buong kabahayan. I can't help but to feel sad while my eyes wandered.

Hindi ko akalain na maiilang ako sa lugar na 'to.

"They're here." Bulong ni Gelo sa likod.

Lumipat ang tingin ko sa hagdan. Pababa doon sina Tito Teo kasama sina mommy at daddy.

"Tulip.."

Wala pa man ay nakita ko ng tumulo ang mga luha ni mommy. Agad nag-init ang mga mata ko at walang sabi-sabing nag situluan sila nang makitang halos takbuhin ni mommy ang distansya naming dalawa.

Nabitawan ko si Simon nang mabilis akong yakapin ni Mommy. Mahigpit ang kanyang yakap sa akin at humagulgol siya sa aking bisig.

"I'm so sorry.." bulong niya sa akin.

Mariin akong pumikit at yinakap siya pabalik.

"Babalik ka na ba?" May halong pagmamaka-awa ang kanyang boses.

"Mom.." panimula ko.

Nanikip ang aking dibdib sa bawat paghikbi niya. It hurts me to hear her sob like this but it won't help if I'll just forget everything. Kahit saan ko tignan ay may masasaktan at masasaktan pa din.

Kailangan kong mag desisyon kung saan ang hindi gaanong matagal ang sakit. Kailangan kong ayusin 'to kung saan ba talaga siya nagsimula.

I need to go back from the start.

"Mom.. I found them." I finally said.

Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang hawak sa akin. Bumigat ang loob ko at lumalim ang pag hinga ko.

Humiwalay siya sa akin at hinawakan niya ako sa aking mukha. Nagmulat ako ng mata at sinalubong 'yon ng kanyang mugtong mga mata. Patuloy lamang ang pag-agos ng kanyang mga luha at ganon din ako.

"Is that why you're here?" Pigil hikbi niyang tanong.

"Iiwan mo na ba kami?" Puno ng hinanakit niyang tanong.

Maagap akong umiling.

"Kahit kailan naman po, hindi ko kayo plinanong iwan o talikuran. Oo, umalis ako kasi kailangan kong hanapin ang sarili ko kahit sandali lang. The moment I found out about the truth makes me so weak and lost. Pakiramdam ko non.. pag hindi ako umalis, mawawala na ako ng tuluyan. Me, leaving for a while doesn't mean that I won't come back."

Unti-unting napaupo sa sahig si mommy. Mabilis ko siyang dinaluhan at hinayaang umiyak sa harapan ko. She cried her heart out and I did too. I never thought that I'll be one of the reasons to break my mom like this.

To break a Jade Montgomery.. is what scared me the most.

But here I am, being the reason.

"So you're gonna go? Sasama ka na sakanila? Paano kami, anak? Paano ako? Paano si mommy? Hindi mo na ba kami mahal? Anak.. kung ano man yung mga nagawa ko sa'yo, kung naramdaman mong kulang ang pagmamahal ko.. pasensya ka na. Aayusin ni mommy, promise. Just.. stay. Don't go. Wag mo akong iwan. Nag-mamakaawa ako sa'yo."

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon