Chapter 21

78.1K 1.7K 281
                                    

Kahit mali

"Let me-"

"Don't fucking touch her."

Napakagat ako sa aking labi nang marinig ang matigas at buong boses na 'yon. I can feel him behind me that's why I told my eyes to stop crying, if that is even possible.

Umayos ako ng tayo at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko. I saw how Reig stood proudly in front of us. He doesn't look intimidated at all, humakbang lamang sa patalikod dahil balak niya akong hawakan kanina.

"So protective, huh?"

Cockiness was evident on Reig's voice.

"Who are you?" Balik na tanong ni Simon.

"I don't think I need to answer that." Ani Reig.

I can sense anger from Simon.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko muli bago siya nilingon. Matalim ang mga tingin na ibinigay ko sakanya. He stopped staring at Reig, binaling niya ang tingin niya sa akin. From dark angry eyes, nanglambot agad ang mga tingin niya nang magtama ang mga mata namin.

"Babalik na ako, do whatever you have to do." I said with my most normal voice.

Mabilis ko siyang tinalikuran pero mabilis din niyang hinila ang kamay ko. My heartbeat stopped and I felt like the whole place stopped too. Ang kalabog ng puso ko dahil sa munting hawak niya ay nakakamatay.

Masarap pero bawal.

"Did you follow me? Bakit ka babalik kung lumabas ka para sa akin?" Dere-deretso niyang tanong.

"Because you don't need me anymore."

Hinablot ko ang kamay ko mula sakanya at nagmadaling pumasok muli ng cafeteria. I can see Agatha's getting excited from what she's telling my cousins. Ngumiti ako ng bahagya para kahit papaano ay wag silang mag-alala sa siguradong namumula kong mga mata.

"Yeah! I think Evander likes her!" Ani Alice habang humahagikgik.

"I bet a million!" Dagdag ni Alice.

Umupo ako sa tabi muli ni Uno. Hindi ko na siya nilingon dahil alam ko naman kung gaano ka tsismoso ang lalaking 'to. Pero kahit ganon, dama ko ang init ng titig niya sa akin.

"So cool diba?" Humahagikgik na saad ni Agatha.

Lahat kami ay napalingon sa palapit na Adrianna at Kuya Adrian. Mabilis na nakuha ang atensyon ko nang palapit na si Simon. He was intently looking at me that's why I tried looking at other things. Nagiwas ako ng tingin pero bahagya kong nakita ang pag upo niya sa harap ko.

"What happened?" Bulong ni Uno sa tabi ko.

"Wag tsismoso please." Inis kong wika.

"Oh! Away kayo? Damn, baka mapa-aga ang world war three. Hindi pa ako prepared, i-delay mo muna." Aniya.

Napabuga ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin. Natigilan ako dahil sa nakita kong seryosong mukha niya.

Is he serious about world war three?

"Shut it." Diin ko.

Ngumiwi siya at binalingan nalang si Adrianna.

"So Evander Caden Claveria is hitting on you?" Nakangising wika ni Uno.

He and Kuya Dos did a high-five na lalong kina-inis ni Adrianna.

Inabot ko ang iced-tea ko at uminom doon. Saglit ko ring nahuli ang paninitig sa akin ni Simon. I rolled my eyes at him.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon