Chapter 42

57.4K 1.4K 287
                                    

Started

Sa mga nagdaang taon, naitago namin ang nangyayari. Ang laking tulong ng pag-alis ni Dos para pumunta sa New York, hindi ko alam kung bakit hindi namin magawang sabihin sakanya pero isa lang ang alam ko, sa pagkaka kilala ko kay Dos ay siguradong hindi niya ito hahayaan lamang.

Hindi kami nahirapan magtago, lalo na at tinutulungan kami nila Uno. They were there for us. Sila ang naging pader namin sa lahat. Adrianna didn't had the chance to know, naging abala siya sa buhay pamilya nila ni Claveria.

Pero ngayon..

"Putang ina mo, Simon! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na galit na sigaw ni Dos.

Mabilis siyang lumapit at tinawid ang distansya sa pagitan nila ni Simon. Napatakip ako ng bibig nang makitang mabilis at malakas na dumapo ang kamao niya sa pisngi ni Simon.

"Simon!"

"Dos! Oh my gosh! Nahihibang ka na ba?! You're crazy!" Hysterical na saad ni Alice.

"Kayo ang nababaliw! Alam niyo ba 'to? Are you tolerating this?" Tiim bagang wika ni Dos.

Hinila niya patayo si Simon at binigyan ng malakas na suntok muli. Parang papatayin ang aking puso habang nakikita 'yon. Hindi man lang siya lumalaban kay Dos.

Mabigat ang aking naging paghinga at akmang dadaluhan ko siya nang may humawak sa braso ko.

"Tul.. no.. please.. hayaan na natin sila Kuya mag ayos niyan." Pagmamakaawa ni Alice sa akin.

"Alice ano ba?! Mapapatay niya si Simon. Kasalanan ko 'to. I should deal with his wrath." Mangiyak-ngiyak kong saad.

"Dos.. I'm so sorry for not telling you but I'm not sorry for loving her." Rinig kong saad ni Simon pero mabilis siyang sinuntok muli ni Dos.

"Fuck you! Naririnig mo ba ang sinasabi mo-"

"Dos! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Tigilan mo si Simon!"

Napalingon kami sa boses nanarinig. Matigas at puno ng galit ang boses na 'yon. Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makita si Uno na nakayukom na ang mga palad. Kuya Adrian, Kuya Carl and Gelo were behind him.

Napunta ang tingin sa amin ni Gelo. Mabilis siyang lumapit sa amin at yinakap kami ni Alice.

"Gelo.. Dos is crazy. He's so nakakatakot na." Impit na hikbi ang kumawala kay Alice.

Hinigit ko ang aking hininga at hinawakan sa suit si Gelo. Hinanap ko ang mga mata niya at kita ko ang pag-aalala doon. Nanubig ang mga mata ko at hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko ay nagsitakasan na ang mga luha sa mga mata ko.

"Angelo, stop him. Please.. I will deal with this, promise. Just stop him from hurting Simon."

Basag na boses ang lumabas mula sa akin. My voice is shaking and my heart is in pain.

"Alam niyong lahat 'to?!"

Hindi nagpatalo si Dos sa lakas ng boses ni Uno. Mas lalo akong nasasaktan na makita silang mag-away. They are brothers.. sibling yet they're fighting because of the problem I made.

Hindi ko mapigilan na tignan si Simon at nakita kong mahigpit siyang hinawakan ni Dos.

"Stop looking." Bawal ni Gelo.

"Gelo.."

"Hindi nila pababayaan si Sy." Ani Gelo.

"Bibitawan mo si Simon o ako ang susuntok sa'yo?!"

I can't help but shiver from Uno's angry voice. Madalas ay nagbibiro siya pero alam ng lahat kung paano siya magalit. He won't let anything stop him pag siya na ang napuno. Kahit anong paliwanag ay hindi siya makikinig.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon