Chapter 12

77.6K 1.7K 113
                                    

Beautiful

"Hindi ko na kaya.." mahina niyang bulong.

Kumunot ang noo ko.

"Ano?" I breathed.

Naramdaman ko nalang na nahulog ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Mas bumigat siya at parang bumigay lahat ng bigat niya sa akin. Mabilis ko siyang sinapo at hinawakan sa braso niya.

"Simon?"

Tinapik-tapik ko siya at bahagya siyang gumalaw. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko at parang mababaliw ako dahil doon.

"Lasing ka ba?" Pag uulit ko sa tanong ko.

Tinanong ko siya kahit na alam kong hindi siya sasagot. I know he's sleeping already.

Linapit ko ang ilong ko sa leeg niya at bahagya siyang inamoy. Dahil sa taglay niyang bango ay hindi ko naamoy ang alak sakanya. Hindi ko ba naamoy o sadyang pre-occupied lang ako sa mga sinasabi niya para maamoy pa 'yon.

"You're drunk!" Inis kong wika.

Nakaramdam ako ng pananakit ng puso dahil doon. Ibig bang sabihin non ay lasing lang siya kaya niya nasabi ang mga 'yon. Sabagay.. I should be happy. Ibig sabihin ay makakalimutan niya ang lahat at magiging normal lahat.

Hindi ko man maintindihan lahat ng sinabi niya ay alam kong mahirap 'yon. Alam kong nakakasama. Alam kong makakasakit.

Dahil ngayon palang, nasasaktan na ako.

"I want to sleep.." mahina niyang bulong.

"Matulog ka! Bwisit!" Inis na inis kong wika.

"Don't get pissed, Juliet." Halos nanghihina niyang wika.

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may gumuhit sa puso ko. Matalim ito at sobrang lalim. Akala niya ba ako si Juliet? Ganon niya ba kamahal ang babaeng 'yon para kahit lasing siya ay naiisip niya pa rin 'to?

Pero bakit naman ako masasaktan?

Of course, I would be hurt! Ang sakit kaya na mapagkamalan bilang ibang tao.

Napalingon ako sa hagdan papunta sa fourth floor at parang manlulumo ako habang iniisip na kailangan ko siyang iakyat doon para marating ang kwarto niya.

Napabuntong hininga ako at napatingin naman sa kwarto ko. Inayos ko siya at linipat ang kamay niya papunta sa balikat ko. Tinulungan ko siyang makatayo ng maayos at pinasok sa kwarto ko.

"Bakit ka ba kasi uminom! Nag tooth-brush ka pa ata bago ako harapin. Tapos itatago mo pa, tutulugan mo din naman pala ako." Sermon ko sakanya habang hinihiga siya sa kama ko.

"Uno, went to my room. He brought some drinks." Bulong niya.

Inayos ko ang pagkakahiga niya atsaka siya kinumutan. Matalim ang tingin kong ibinigay sakanya. I never imagined that this will happen. Siya? Nasa kwarto ko? That is so close to a miracle before.

Pero ngayon, naniniwala na ata akong may himala.

"Uno? Akala ko hindi kayo okay?" Tanong ko.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Nakapikit pa siya at sobrang payapa ng mukha niya. His hair is in mess but it doesn't made him less handsome.

Madaya! Pag ako ata ang magulo ang buhok, mukha akong nakipag-gyera.

"He talked to me.." he traced.

Kumalabog ang puso ko dahil doon. Nag usap sila tungkol sa bagay na pinag aawayan nila kanina? I suddenly had the urge to know..

Bahagya niyang minulat ang mga mata niya. Hinanap nito ang mga mata ko at mataman akong tinignan. Mapungay ang kanyang mga mata, talagang inaantok na ata siya.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon