Chapter 19

72.4K 1.6K 290
                                    

Reig

"Really?" Hindi makapaniwala niyang wika.

Huminga ako ng malalim at tumango bilang tugon.

I may not have a stand on this but I don't want to see him in pain. If he, knowing that I won't hate him will make him feel better. I am more willing to give it to him.

"You're blushing.." he traced.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahalakhak siya. Can he really joke in a time like this? How can he smile and joke around while everything in this world seems not right.

Mali sa puntong tinitignan ko siya ngayon.

"Okay, I'm sorry if I made you uncomfortable." Aniya.

Tumango nalang ako at napaiwas ng tingin.

"Let me help you with this.."

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Napatingin ako doon at nahigit ko ang aking hininga nang makitang sinusuot niya sa akin ang seatbelt.

"Ako na.."

"Let me." Diin niya.

Inabot niya ang lock non at pinasok 'yon doon. He's too close that I can't help but lose my sanity. I can really smell him and it's making my world go grazy. I can see him so close, from his eyes to his proud nose and down to his gentle perfect lips.

Parang manunuyo ang aking lalamunan at labi sa paninitig ko sakanya.

Wala sa sariling binasa ko ang aking labi.

"Gusto ko mang tinititigan mo ako, wag muna ngayon. Nakakabading pero kinikilig ako."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Kita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi at namula na rin ang kanyang tenga.

"Simon, ano bang-"

I didn't finish what I was about to say, humarap siya sa akin at mas namilog ang aking mga mata kung may ibibilog pa ba 'to. He is really close, nasa isang closed space kami at ang kitid lang ng distansya namin. Talagang literal na tingin sa mata ang ginawa ko, hindi ko kayang tumingin sa ibang lugar.

Especially his lips..

I'll lose the guard I built for myself if I looked down to his sinful lips. Mas mabuti pang sarilihin 'to. Atleast no one will know about what I'm thinking right now.

God will know and I will tell God everyday that.. God, please forgive me.

"You're too close." I breathed.

"How I wish we can get closer." He breathed.

His eyes roamed down to my lips. Nanatili ito doon kaya halos hindi ako huminga para matigil ang pagwawala ng puso ko. Literal na nagwawala ito, parang nasa loob ko si Kingkong at siya mismo ang bumabayo sa dibdib ko.

Damn Tulip!

Huminahon ka please!

"Magkapatid tayo." Puno ng diin kong wika.

I said it with the most natural strong voice I can give but at the end, pinagsisihan ko 'yon dahil kahit mabilis ang emosyon na dumaan sa mga mata niya.. alam ko kung ano 'yon.

It was pain..

"Magkapatid?" Pag uulit niya.

"Simon.."

Kumunot ang noo ko dahil sa pag-ngisi niya. Nag angat siya ng tingin at pinagtuunan ng pansin ang aking mga mata. Mataman siyang tumitig sa akin, tipong nakalimutan ko na kung nasaan kami at ano ang dapat namin gawin. Mga mata nalang niya ang nakikita ko.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon