Chapter 52

72.8K 1.7K 146
                                    

Part ways

"This is your mom.."

Tinuro ni Tita Rose sa akin ang litrato ni mommy sa album na hawak-hawak niya.

Tita Rose is their other sibling. Apat pala silang magkakapatid. Babae silang lahat at pare-parehas na arts ang profession nila. Ikinwento nila kanina halos lahat ng kailangan kong malaman. They were really kind and very lively. Akala ko ay maiilang ako pero nagkamali ako.

Wala man lang akong naramdaman na pagkailang.

"She's beautiful.." rinig kong wika ni Simon sa tabi ko.

Napangiti ako at tumango.

"Just like you." He added.

Napangiwi ako at bahagyang tinignan siya.

"Bolero." Bulong ko.

"What? I'm not." Depensa niya.

His eyes glittered.

Ngayon, mas naiintindihan ko na. Why all these years, iba ang nakikita ko sa mata niya, sa mata nilang lahat. It seems like.. may mali. Sometimes I can't help but compare myself from them.

The courage, their will, confidence and the aura they emit..

I know I don't have those.

"Hindi pa daw na co-contact si Friz." Balita ni Tita Carmela kay Tita Rose.

Napayuko nalang ako at napatitig sa mukha ni mommy. Kamukhang kamukha ko nga talaga siya, from her eyes, hair and her body type. Parang ako lang talaga siya pero ang kaibahan lang namin ay ang bibig at hugis ng mukha.

I wonder if I got them from my dad..

"Nasaan na ba ang batang 'yon? Lagot talaga siya sa akin pag nalaman kong hindi siya sumabay kay Emy." Ani Tita Rose.

"Hayaan mo na, alam mo naman ang batang 'yon.. ngayon mo lang siya hinayaan lumabas kaya sinusulit." Depensa ni Tita Carmela.

Nawala ang atensyon ko sakanila nang mapansin ang isang family picture. Hindi ko maiwasan mapangiti nang mapagmasdan 'yon. Mukhang buo sila dito. Maybe it was taken from a reunion party.

"What are you thinking?" Tanong ni Simon sa akin.

His shoulder slightly brushed on mine. Nakiliti ang puso ko dahil doon pero may kaibihan na mula sa nararamdaman ko dati.

Ngayon, mas tanggap na ng puso ko ang nararamdaman ko para sakanya.. hindi tulad dati na puno ng ito ng takot at pangamba.

"Nothing.. it's just.. my heart is so mixed with different emotions. Malungkot dahil nalilito pa rin pero masaya dahil habang tinitignan ko sila.. when I get to look at their eyes.. parang magiging okay lang lahat." Mahina kong wika.

Nilingon ko siya at malungkot na tingin ang ginawad ko sakanya.

"Is it wrong to feel like this?" Tanong ko.

He slightly smiled and shook his head.

"Of course not.." he traced.

"Gusto mo na ba umuwi?" Hindi ko maiwasang itanong sakanya.

Ngayong tinitignan ko siya ng mabuti, hindi ko maiwasan ang maguilty dahil parang puyat na puyat siya. His eyes look so tired and I can't help but to feel guilty.

"No, I'm okay. I'll wait for you." Panigurado niya.

"Are you sure?"

He stopped for a second. Mataman niya akong tinignan at ngumisi ng bahagya. Lumapit siya sa akin ng konti at parang manliliit ako sa tingin niya.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon