Chapter 37

63.8K 1.5K 118
                                    

Answer me

"Saan ka niyan?"

Napatingin ako sa orasan ko.

"Sa org office. Ngayon ko na makukuha yung first subject ko for my article." Sagot ko kay Simon.

"Hatid kita." Aniya sabay ngiti.

"Wag na, mag pa-practice pa kayo diba?" Tugon ko.

Umiling siya at bahagyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Naglalakad kami ngayon sa hallway at hindi ko nga alam kung bakit sa akin siya sumama.

Kakahiwalay lang namin sa mga pinsan namin dahil kumain kami kanina sa cafeteria, I heard may basketball practice sila for the competition that will take place on the last day of the foundation day.

"You're always preventing me from doing things for you.." he started.

"Nahihiya lang naman ako. You don't need to do things for me Simon." Maagap kong wika.

Kita ko ang paghinga niya ng malalim na para bang nagtitimpi. It's been a week since my birthday celebration and I know that I was kind of aloof..

Isang linggo ko na pinoproblema ang mga bagay na akala ko makakalimutan ko agad pero ito pa rin at nanatili sa akin. I can't forget them, it's haunting me everyday. Everytime I see mom, dad and the people around me, parang naiiyak ako at nasasaktan.

"But I want to. I want to do things for you. I want to make you feel how much I like you and how I want to do things for you." Puno ng pagtitimpi niyang wika.

For the past few days, alam kong napupuno na si Simon sa akin. He was patient, yes, but people have limits too. Ayoko siyang madamay sa mga bagay na gusto kong malinaw sa akin pero hindi ko maiwasan na wag siyang madamay lalo na at buong mundo ko ang problema ko.

"But why? Bakit ba kung umakto kayo parang problema niyo akong lahat? You think I'll be happy because of it? No! Naiinis ako Simon! I hate how you all take care of me like I'm too special. I hate how I feel like you all have secrets.. secrets that shouldn't know. Ayokong maging pabigat pero sa ginagawa niyo, 'yon ang pinaparamdam niyo sa akin!"

My heart is aching.

Nasasaktan ako pero walang emosyon na maipakita ang mga mata ko. Not like before that my eyes would get watery in an instant but right now it's different. Puno ng frustrations ang puso ko pero hindi ako naiiyak.

"It's because we love you. I love you!"

Something hit me.

Napailing ako. "I know that and alam mo din kung ano ang nararamdaman ko para sayo, but I know that there is something beyond it. Something that you're keeping from me. Aalamin ko 'yon Simon. Trust? I trust you but I don't trust myself. Natatakot akong masaktan dahil pati ang sarili ko ay hindi ko na pinagkakatiwalaan. I need to do this for myself." Saad ko.

I let out a breath.

"See you later."

Tumalikod ako.

"What's running in your head? Tell me.."

Umiling ako. Nanatili akong nakatalikod sakanya dahil hindi ko kakayanin na tignan siya sa mga mata. Sa buong linggo na pag iisip, napatunayan ko sa sarili ko na malalim na ang nararamdaman ko sakanya, tipong dumating sa punto na wala na akong pakielam sa iba.. sa mga sikreto na dapat ay inaalam ko.

"I can't. There are things that I need to keep so I could save myself. Nalulunod na ako, Simon. I'm too drown because of your love. Nagiging masaya na ako kahit hindi ko alam ang totoo at hindi tama 'yon." Puno ng pait kong wika.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon