Chapter 32

60.9K 1.4K 195
                                    

Always

"Agatha! What are you doing here?" Inosenteng tanong ni Uno.

Ang mga mapanuring mata ni Agatha ay nanatiling nakatingin sa akin. It's full of emotion na parang malulunod ako sa lahat ng ibinibigay 'non. Unti-unti akong napahawak sa aking leeg at nag-iinit ang aking mga mata.

I know she knows..

Alam kong may alam siya pero ang sakit na ma-kompirmang alam na niya.

"What's happening?" Mahinang tanong ni Simon sa tabi ko pero umiling lamang ako.

"Agatha Joan." Matalim na tawag sakanya ni Uno nang hindi man lang sumagot si Agatha.

Abo't langit na ang kabang nararamdaman ko.

"Agatha Joan Mont-!"

"Shut the fuck up, Uno. Wala kang karapatan na banggitin man lang ang apilyido natin gayong alam mo ang ginagawa nila!" Puno ng galit na wika ni Agatha.

Napaawang ang aking labi at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Nanikip ang dibdib ko habang parang sinasaksak ito ng napakaraming punyal. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa dahil alam kong lahat ng sinasabi niya ay tama.

Tama dahil mali ako.

Mali ito.

"Ano?" Galit na balik ni Uno sakanya.

"Let's go.." bulong ni Simon at sinubukan akong muli na hilahin.

"No." Matigas kong pigil sakanya.

Nanatili akong nakatayo doon at pinanuod si Agatha na dahan-dahang lumapit sa amin. Haharapin ko 'to at hindi ito tatakasan. Wala akong karapatan na tumalikod lalo na at ako ang nagsimula nito.

I'll accept everything..

Si Agatha ito, pinsan ko siya at isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. I won't drag her into this.

"Agatha, baka nakakalimutan mong nakakatanda pa rin ako!" Uno roared.

Kinilabutan ako sa sigaw ni Uno. Laking pasasalamat ko na walang tao sa hallway ngayon dahil lahat ay nanunuod sa theater o kaya sa court. Hindi ko ata kakayanin na may makakita ng nangyayari sa akin.

Uno is so mad, Agatha is full of-- I can't read her.

"Nakakatanda? When was the last time you acted one? Alam kong childish ka pero fuck lang! Uno! I didn't know that you're too childish to accept this thing! Nagiisip ka ba?!"

Mariin kong pinikit ang mga mata ko sabay yukom sa mga palad ko nang may tumulo na rin na luha mula sa mata ni Agatha. She's too strong yet she's crying because of us..

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Simon sa aking mukha. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Inabot ko 'to at ako mismo ang nagtanggal nito sa aking mukha.

"You know.." bulong ni Uno.

"Oo. Alam ko. Hindi ako makapaniwalang alam mo rin, Uno." Matigas na wika ni Agatha.

"Paano mo nalaman na alam ko?" Uno asked.

Gusto kong mapa-facepalm sa tanong niya. Ito pa ba ang iisipin niya habang nasa sitwasyon kaming ganito?

"Hindi ako tanga, Uno. Masyado kayong halata. Hindi ko nga alam kung paanong hindi pa alam ng iba habang sobrang halata niyo naman. From the way Simon stares at her-- damn it. From the way she stares back.."

Minulat ko ang aking mga mata at agad na nagtama ang mga mata namin ni Agatha. Puno ng sakit ang mga mata niya at dama ko ang mga 'yon.

"From the way you look and protect at them, masyado kayong halata. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na alam ko kung ano ang nangyayari. I can't accept that I know this at parang mas gugustuhin ko nalang na hindi ko alam. Akala ko, sa palabas lang nangyayari ang mga 'to kaya hindi ko matanggap pero habang tumatagal.. nakikita kong totoo at mas nasasaktan ako. I hate everything.." she breathed.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon