Chapter 4

102K 2K 72
                                    

No one

"Simon! Anong pinagsasabi mo diyan? Nababaliw ka na rin ba?" Inis na inis na wika ni Agatha.

Oo, baliw na ata siya.

Naputol ang tingin ko kay Simon nang tumayo na rin si Agatha at mabilis silang pumunta doon ni Adrianna. Somehow, napanatag ang puso ko dahil don. I'm sure, Agatha can stop them.

Mariin akong napapikit nang makitang nakatanggap ng malakas na suntok si Ivan mula kay Dos. Pati ang guard ay hindi makakalapit kahit gustuhin niya dahil walang makakapigil sa mga pinsan ko. Maybe they won't kill him but I'm sure he will never forget this day.

"Bitawan mo ako! Fuck!" Malutong na mura ni Kuya Adrian.

Mabilis akong tumayo pero this time, hindi na ako pinigilan ni Simon dahil tumayo na rin siya.

"Do you care for him?" Seryoso niyang tanong.

"What?"

Naiyukom ko ang mga palad ko dahil sa tanong niya. Importante pa ba 'yon? Dammit!

Pinigilan ko ang sarili ko na lumingon sa gawi niya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at siya ang dalhin ko sa ICU. Napakagat ako sa labi ko dahil sa nararamdaman kong medyo paninikip ng dibdib.

"I don't care about him." Malamig kong wika.

Lumunok ako. "Nag aalala ako para sa mga pinsan natin." Dagdag ko.

Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at mabilis na lumapit doon. Bahagya akong napapitlag nang masapak ni Agatha si Uno dahil hindi mapigil.

Kinwelyuhan ni Dos ang lalaking iyon. "Humanda ka.. better yet ihanda mo ang tyan mo. Ipapasok ko lahat diyan ang bola sa gym tutal diyan ka lang naman magaling." Saad ni Dos.

Hindi ko na hinayaan si Dos na suntukin si Ivan dahil ako mismo ang tumawid ng natitirang distansya namin at inangat ang kamay ko para masampal siya. I gave my whole strength for that.

Bahagyang namanhid ang kamay ko sa sakit pero wala akong pakielam. Makapal ang mukha ng isang 'to. Ako pa talaga? Ako pa ang naisip niyang paglaruan?

"Ang kapal ng mukha mo. Wala akong masabi sa kakapalan ng mukha mo. I won't say sorry for what my cousins did dahil kulang pa yan. Sana mabaog ka para hindi ka na kumati. Hindi ka marunong makuntento." Puno ng inis kong wika.

Humakbang ako patalikod pero hindi pa ako tuluyang umalis. Matalim na tingin ang pinapakita ng mga mata ko ngayon habang may isang luhang lumandas mula doon.

"One more thing, don't worry I don't hold grudge. When a Montgomery get hurts.. when I get hurt, kahit mamatay ka pa sa harap ko, dadaanan lang kita ng parang wala lang."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nanguna sa pag alis doon. Tuluyan ng nagsilabasan ang mga luha sa mata ko. Not like my cousins, iyakin ako at mababaw ang mga luha ko. Kahit ata ang pinaka maliit na bagay ay kaya kong iyakan.

Part siguro 'yon ng pagiging art lover ko. Passionate ako at sentimental.

"I'm proud of you" saad ni Kuya Carl at inakbayan ako.

Napangiwi ako at humilig sakanya. Tinapik tapik niya pa ang balikat ko para mapatahan ako. Pero hindi ata nakatulong 'yon dahil lalo lamang akong naiyak. Nahihiya ako sakanila sa hindi ko malamang dahilan.

"Kuya.." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

Hindi ako makapaniwala na mamangha kay Ivan dati dahil malakas ang loob niyang kausapin si Kuya Carl para magpaalam na manliligaw sa akin.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon