Chapter 28

64.6K 1.5K 133
                                    

Hole

"Simon.. actually.. I.. I feel like-"

"Uuwi na ba kayo?"

Natigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong boses at hindi ako pwedeng magkamali na si Gelo 'yon.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil hindi ko nasabi ang bagay na 'yon. Nanginginig ang mga dugo ko sa kagustuhan na sabihin ang bagay na 'yon pero namamayani pa rin takot sa akin.

"Oo.." sagot ko sabay lingon sakanya.

Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Gelo. Para bang binabasa niya ang nangyayari pero bakas din ang pagkalito sakanya.

Napalunok ako at bahagyang ngumiti.

"Sasabay ka?" Normal na tanong ni Simon.

Please, Gelo..

Say yes.

Hindi ko ata kayang makasama si Simon sa iisang kotse kung ganon ang napagusapan namin. I wouldn't be able to think properly.

"No."

Parang nahulog ang puso ko sa sagot niya.

"Isasabay ko pa si Ate Gath." Aniya.

"Good." Simon blurted.

Namilog ang mga mata ko at maagap na napabaling sakanya.

"Of course, I'm a good brother." Rinig kong natatawang wika ni Gelo.

"And I'm not?" Natatawang balik ni Simon.

"Buti alam mo.." bulong ko sabay irap.

Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin Simon. Tinuon ko nalamang ang tingin kay Gelo na parang gulong-gulo sa nangyayari pero ang gusto ko sakanya, hindi pa rin nawawala ang tinging tiwala sakanya.

Sometimes, I want to tell Gelo about what's happening. Kahit isang tao lang ay may masabihan ako pero namamayani ang takot sa akin. Kahit alam kong may tyansa na maintindihan niya at baka matulungan niya pa ako, natatakot pa din ako.

"Oh.. okay. Stop arguing guys. Magkapatid kayo. Mauna na ako, I need to check on something sa library. Uno called me." Aniya.

"See you later, Gelo." Ani Simon.

"Yeah, let's drink. Yaya-yain ko sila Kuya." Saad ni Gelo sabay ngisi.

Kumunot ang noo ko.

Sinundan ng mga mata ko ang paalis na bulto ni Gelo. Huminga ako ng malalim bago binalingan ng tingin si Simon na inosenteng nakatingin sa akin.

"You won't drink." Matigas kong wika sabay irap at lakad palayo.

"What? Wait." Rinig kong wika niya habang hinahabol ako.

"Tigilan mo ako. Uuwi akong mag-isa. Sumabay ka na kina Gelo atsaka kayo maging lasenggo."

Naramdaman ko ang pagtagis ng aking bagang habang papunta ng parking lot. Nakasabay na siya sa akin pero hindi pa rin ako tumitigil. Kung tutuusin ay wala naman akong pupuntahan, basta ang alam ko lang ay gusto kong makalayo.

Parang bipolar nga ako, oo na at inaamin ko. I want to stay away, I want him to stay away too. I don't want to care for him but it's so hard not to! Namumuyos ang puso ko sa pag-aalala kahit hindi naman dapat. They always drink, pero wala naman para sa akin dati 'to.

I'm not like this towards Kuya Carl nor Clyde. Kahit sakanya dati.. wala naman pero ngayon, parang lahat nalang ng ginagawa niya apektado ako. Masyado na akong nalulunod at malalim na ang nararating ko. Mahihirapan na akong umahon kung nagkataon.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon