Chapter 31

68.3K 1.5K 191
                                    

Cute

"Are you busy today?" Bulong ng katabi ko.

Binaba ko ang hawak kong shake at nilingon si Simon. Marahan akong ngumiti tsaka umiling. Walang klase ngayon for three days dahil freshmen days. Nagtayo ng mga booths ang mga freshmen at may mga patimpalak din sila.

Wala kaming pasok kung titignan pero pumasok kami dahil may kanya kanya kaming mga commitments.

"Pupunta lang ako ng Journalism Office then I'm done. Ngayon ko kasi malalaman kung natanggap ba ako." Sagot ko.

Sumilay ang ngisi sakanyang labi at sabay na itinaas ang kanyang dalawang kilay. Kumunot ang noo ko at mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan siya.

"What?"

"Well, I'm sure you'll get accepted. Ikaw pa." Aniya.

Napabuga ako ng hangin sakanyang sinabi.

"Well excuse me, mister. Hindi no! There is nothing sure. Kabado pa nga ako 'e."

"Well, miss.. lucky you. You have someone like me who's willing to escort you to the journalism office." He proudly said.

"What? Para saan naman?" Manghang tanong ko.

His smirk turned into a smile. Just like that, flowers bloomed inside me. Kagabi, ilang beses akong nakipag talo sa sarili ko bago ako nakapag desisyon na hahayaan ko nalang muna ang nararamdaman ko. Pagkakatiwalaan ko siya pero hindi lang 'yon.. naisip ko rin na kung hindi naman totoo itong nararamdaman namin, mawawala din 'to pero kung totoo nga ito.. tsaka ko nalang po-problemahin.

"Pang-paalis kaba. With me beside you? Nothing can go wrong." Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Something stirred inside me. Naglaro at bumaliktad ang tyan ko. Para akong mamimilipit dahil sa narinig mula sakanya. Kung tutuusin ay wala naman siyang sinabi na kakaiba pero ito ako at nakakaramdam ng ganito.

"Uh.. ganon-"

"What are you two talking about? Pa-chika din ako!" Singit ni Alice sa tabi ko.

Muntik na akong mapapitlag sa ginawa niyang paglapit ng mukha. Napaurong ako ng konti para hindi siya mahirapan.

"Ay bakit kayo tumigil. Ayaw niyo i-kwento sa akin?"

Napailing ako nang ngumiwi siya.

"Oo." Deretsong sagot ni Simon.

Napaawang ang aking labi at mabilis na lumingon sakanya. Normal lang ang ekspresyon niya pero ako ay hindi alam kung saan titingin. Nakuha niya pang uminom ng tubig bago ibinalik ang tingin sa amin ni Alice. Narinig ko ang mahinang mura ni Alice sa gilid ko kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Simon? Will you please vanish and pop like a balloon?" Inis na inis na wika ni Alice.

Maagap akong napatikom ng bibig para magpigil ng tawa. Tirik na tirik ang mata ni Alice sa inis. Napalingon ako kay Simon na humagalpak sa tawa. Hindi ko na rin kinaya at natawa na rin ako.

"Arte mo." Komento ni Simon.

"Wala kang pake." Balik ni Alice sakanya.

"I need to go. Ako mamaya ang mag bo-broadcast sa lunch" ani Agatha.

Nakuha niya ang atensyon ko kaya napalingon ako sakanya. Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa makalayo ang bulto niya sa amin. Mukhang busy siya dahil dere-deretso lang ang kanyang lakad.

"May game kami mamaya. Lalabanan namin ang mananalo sa freshmen." Rinig kong wika ni Clyde.

Inalis ko ang tingin sa pintuan kung saan lumabas si Agatha. Nilingon ko si Clyde at sa kanya tinuon ang atensyon ko kahit na alam kong matutunaw na ako sa kakatitig ni Simon.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon