Chapter 24

68.4K 1.5K 177
                                    

Normal

"Akin na.." aniya.

Kinuha niya sa akin ang tray habang ako ay hindi alam ang gagawin ko. Para akong dinikit sa kinatatayuan ko dahil hindi ko magawang gumalaw doon. I feel like, every place from his room is forbidden.

Linibot ko ang mga mata ko sa kabuo-an ng kwarto niya. Sa lawak nito ay nanliit pa ako. Mas lalong nanikip ang aking kanina pang naninikip na puso. Marahan kong pinikit ang aking mga mata dahil kusang tumaas ang aking mga balahibo habang naaamoy ang kanyang amoy.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. I breathed heavily and bit my lower lip.

"What are you doing?"

Nahigit ko ang aking hininga at mabilis na nagmulat ng mga mata sa narinig kong boses. I was welcomed by his broad shoulders. I realized that he's standing really near in front of me.

Bumigat ang aking puso at nag-angat ng tingin. His eyes were instantly glued to mine. Sinubukan kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. My heart is aching already and I want it to stop. Nakakatakot na masanay sa sakit, baka sa susunod ay wala na akong pakielam kung masaktan pa ako.

Ayaw kong mangyari 'yon..

"You're too close." I breathed.

"Why? Bawal ba sa magkakapatid ang tumayo ng ganito kalapit? Ikaw nga, yinayakap mo pa sila Carl at Clyde. Now I wonder, bakit nga ba hindi mo ginagawa sa akin 'yon dati."

Naiyukom ko ang mga palad ko sa tanong niya. I can't think properly if he's too close like this. Mga kumikinang niyang mata lang ang nakikita ko. Hindi rin nakakatulong ang malakas na kabog ng puso ko.

"We were never close.." pag dadahilan ko.

Lies.

That's not a reason.

Sadyang hindi ko lang naramdaman ang nararamdaman ko kina Kuya Carl at Clyde tuwing siya ang kasama ko. I was always guarded and distracted when he's near. Tipong alerto ako at buhay na buhay ang mga dugo ko sa katawan. Ang akala ko noon ay dahil sa takot sakanya 'yon dahil hindi kami masyadong nag-uusap pero ngayon alam ko na..

This feeling I have for him was just well kept before.

Even before.

"Well, this is perfectly normal. It's normal unless you'll think it is not." Aniya.

"Simon." Banta ko sakanya.

He smiled.

Nahulog ang aking puso.

"How can I stop my feelings for you if.. whenever you say my name it's different? How can I stop if you make my heart alive? Tell me, Tul.." he painfully asked.

Napaawang ang aking labi. Kasabay non ay ang pagtulo ng aking mga luha. Nag unahan ang mga luha ko sa pagtakas, hindi man lang ako nabigyan ng babala. Basta ang alam ko lang ay masakit ang puso ko ngayon.

It's so hard to hear him say this things. It's hard to hear his voice. It's hard to stand in front of him this close. It's hard to breath when we're this close. It's hard yet I can't do anything. I'm just standing here with an aching heart.

"May usapan tayo.."

I stopped myself from saying his name. I saw how his eyes flashed the pain I'm sure I was causing him. Kitang kita ko kung papaano ko siya nasasaktan sa mga nangyayari. Hindi ko nga alam kung paano humantong sa ganito.

Sumabog nalang lahat.

Everything was out of hand.

"Wala tayong usapan. Kayo ni Uno ang mayroong usapan. I'm out of it. But.. I'm gonna do everything to deal with it. Pero hindi ako nangangako, once you gave me an idea that what I'm doing is not helping then I'll quit. I'll quit being your brother."

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon