Chapter 26

66.2K 1.6K 159
                                    

Mad man

The greatest pain that love can give is when you love someone that you will never have.

Even you run on the longest road..

Jump from the highest cliff..

Shout from the unbearable pain..

You will never have it.

Even how much you try, it will never happen because it was bound that way.

Sandali akong napapikit bago sumandal sa upuan na inuupuan ko sa library. Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at napahawak sa noo ko dahil medyo kumirot ito. Tuloy tuloy lang kasi akong nagsulat at hindi man lang nag pahinga, marahil ay dahil 'yon doon.

Inabot ko ang huling pahina ng maikling kwentong ginawa ko at tinignan ang sinulat ko doon. Huminga ako ng malalim habang dumadaan ang bawat letra sa mga mata ko. Nanunuot ang bawat letra sa puso ko at alam kong isa 'to sa mga pinaka espesyal na nagawa ko.

It came from my heart.

My feelings were all in.

"Pwede bang maki-share?"

Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita at napangiti nang makita na isang babae ito. I can't help but complement her, she looks so cute wearing her glasses. She looks nice with her bangs and high ponytail.

Ang weird na manggaling sa akin 'to. I'm a lady after all.

It's just that.. maganda siyang art subject. Very flawless and I'm sure, hindi ako mahihirapan na i-paint siya.

"Uh.. excuse me? Okay ka lang miss?"

Pinilig ko ang ulo ko nang iwagayway niya ang kamay niya sa harap ko. Tumayo ako at nagsimula nang magpasok ng gamit sa bag ko. Napansin ko din na pinatong niya na ang bag niya sa taas ng lamesa.

"Ayaw mong may ka-share?" Lakas loob niyang tanong.

Maagap akong umiling. "No! Hindi naman sa ganon. May gagawin pa kasi ako. Saktong sakto lang talaga na dumating ka habang paalis na ako." Saad ko.

Kita ko ang paglawak ng ngiti sakanyang labi.

"Sige! Salamat!" Aniya at masayang umupo sa inuupuan ko kanina.

Tumalikod na ako at naglakad palayo pero bago pa ako tuluyang makalayo ay napansin ko ang isang bagay sa sahig. Katapat ito ng paa ko, muntik ko pa 'tong matapakan. Yumuko ako para abutin 'yon.

Wala sa sariling tumaas ang kilay ko. Identification card ito nung babae at base sa nakikita ko.. hindi siya taga-dito. Iba ang nakasulat na school sa I.D niya. Now I wonder, what is she doing here? Hindi ko alam kung dahil ba artistic ako at very curious sa mga bagay kaya ako na cu-curious or what.

Tumalikod ako para balikan siya. Tinungo ko muli ang table na 'yon at nakita kong nag babasa siya ng book for med students. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya pero sadyang bingi ata siya para hindi ako marinig sa tahimik na lugar na 'to.

"Ms. Evangeline Soleil C. Yu" tawag ko sakanya.

Napa-angat siya ng tingin sa akin at mabilis na umawang ang kanyang labi. Linapag ko ang I.D niya sa lamesa at maagap niya itong kinuha at tinago. Kita ko ang pag-kahiya sakanya.

"Sorry ah! Hindi ko napansin." Paghingi niya ng paumanhin.

I smiled.

"It's okay and don't worry. I won't tell anybody." I whispered.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon