Chapter 48

63.6K 1.6K 132
                                    

Existence

Sabi sa mga nababasa kong libro, malalaman mong sobrang sakit na ng nararamdaman mo pag halos hindi ka na makahinga, yung parang bawat pag pintig ng puso mo ay puno ng pag hihirap.

I never thought breathing will be this hard.

Bawat ugat sa kawatawan ko ay nararamdaman at naririnig ang sinabi ng madre kanina. It's just so unbearable and the mere thought of it makes me so scared and weak.

So scared..

It's like I'm alone in the middle of no where with no one.

Nanghihina man ay nagawa ko pang iparada ang sasakyan ko sa loob ng aming gate. Mahigpit kong hinawakan ang manibela dahil parang mawawalan ako ng lakas na lumabas ng sasakyan ko. Nakakatawang isipin na nagawa kong makarating dito habang naglalabo ang mata dahil sa pag-iyak.

Binaling ko ang aking tingin sa pintuan ng aking kotse at dahan-dahan binuksan 'yon. Tinapak ko ang aking paa sa labasan at tuluyang lumabas. Nag-angat ako ng tingin upang tignan ang aking bahay, unti-unti kong sinara ang pintuan ng kotse ko.

Hindi ko akalain na, darating ang panahon na ang tinuturing kong tahanan ay magiging ganito kahirap tignan.

I can't recognize it anymore..

I took slow steps while entering our house. Puno ng paghihirap ang ginawa kong pag hakbang habang pumapasok sa loob ng bahay namin. Nag babadya muli ang mga luha ay binaling ko ang atensyon ko sa mga taong mataman na nakatingin sa akin.

There, in our very own living room, my whole family.

Bakas sa mukha nila ang iba't ibang emosyon pero hindi makakalagpas sa akin ang sobrang paghihirap na nakikita ko sa bawat mukha nila.

"Anak.."

Mariin akong napapikit sa narinig kong pag tawag sa akin ni mommy.

I'm slowly dying inside.

Sana panaginip nalang 'to.

"Tumawag sa amin ang Orphanage.." dad traced.

Naiyukom ko ang aking mga palad at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Nag mulat ako ng mga mata at nagtama ang aming mata ni daddy. Namumula ang kanyang mga mata kaya mas lalo akong nahirapan.

Nahirapan dahil alam ko na kahit ano pang katotohanan ang narinig ko, umaasa pa rin akong hindi totoo.

Umaasa ako na, kahit sila.. matira pa sa akin.

"Dad.."

Hikbi ang lumabas sa akin kaya mabilis kong tinikom ang aking labi.

"Anak I'm so sorry." Puno ng sakit na saad ni daddy.

"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin?"

I bit my lower lip to stop it from trembling.

Parang tutusukin ang puso ko habang nakikitang lumalakad si mommy palapit sa akin. Her eyes were crying so hard and I can see pain in there.

"Anak, patawarin mo si mommy.. I did not tell you, kasi akala ko hindi na kailangan. We're a family and no one can change that. I am your mother, nanggaling ka man sa akin o hindi. Walang katotohanan ang magpapabago ng pagmamahal ko sa'yo. Montgomery ka kahit anong sabihin nila, hindi magbabago 'yon." Aniya.

Pinilig ko ang aking ulo.

"Ma, kahit sabihin mong walang mag babago, meron at meron pa rin. Ubos na ubos na po ako. Pagod na pagod na po akong patunayan ang sarili ko. Did you ever thought that I will need this truth? Did you ever thought that this could help me in finding myself? Ma, pakiramdam ko.. back to zero nanaman ang buhay ko. I need to go back so I could save myself from being destroyed. Since the day I accepted that me and Simon can't be together because we're siblings, I lost myself. Yet.. I kept on living because of the fact that I have all of you. Sabi ko sa sarili ko, okay lang naman na mawala ako kasi nandyan naman kayo. Pinili ko maging mabuting miyembro ng pamilyang 'to.. pero, hindi pala. I don't even deserve to be part of this family." Puno ng hinanakit kong wika.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon