Chapter 9

88.8K 2K 256
                                    

Hands

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim para kumalma.

Hindi pa ako nakakatulog ng maayos. Buong gabi ko atang iniisip ang sinabi ni Simon sa akin. Basta ko nalang siyang sinarahan ng pintuan kahapon dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako sa kakaisip nito.

"Tulip.. umayos ka." Bulong ko.

Nakahiga ako ngayon habang nag iisip ng malalim. Nakatingin ako sa dingding pero mas lalo lamang akong naguguluhan sa pag iisip ng lahat. Malinaw naman lahat ng sinabi niya, maganda daw ako. Hindi ko lang alam pero maganda daw ako.

'Yun lang ang sinabi niya pero mabubuwang na ata ako. Walang mali sa sinabi niya pero nakakabagabag.

"Tul! Tumayo ka na diyan. Entance exams today!" Rinig kong sigaw mula sa labas.

Napabalikwas ako paupo at napasapo sa mukha ko. Lihim akong napadaing at pinag sasabunot ang sarili ko. Pinilig pilig ko ang sarili ko para magising at mabilis na tumayo. Tumakbo ako papuntang banyo at nag ayos na ng sarili.

I am half awake when I stepped out of my room. I just want to sleep and be peaceful.

Pero hindi ata mangyayari 'yon.

"Goodmorning, Tul!" Masayang bati ni Simon.

"Morning." Bati ko at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan.

Sumunod siya sa akin at nanuot nanaman sa akin ang amoy niya. Parang literal na nagising ang katawang lupa ko sa naamoy ko. Pilit niya akong tinitignan sa mukha kaya iwas ako ng iwas.

I felt him so close..

Nangatog ang binti ko kaya napahawak ako sa hagdan.

"Are you okay?" Mabilis niya akong dinaluhan at hinawakan sa kamay.

Kung kanina ay half awake lang ako, ngayon ata ay gising na gising na ako. Mula sa dugo na dumadaloy sa aking mga ugat hanggang sa namimilog kong mga mata ay gising na gising ako.

My system is so awake right now.

I want to kill myself right here and right now. What the heck is happening to me?

"I'm okay." I breathed.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at nauna ng bumaba ng hagdan. Iniwan ko siya doon at kahit na gusto kong lumingon para tignan siya ay hindi ko ginawa. Deretsong tingin at lakad lang ang ginawa ko.

Should I buy his perfume? Shampoo? Or anything that is making that smell? Baka 'yun ang nagpapa baliw sa akin. Alam kong nababaliw na ako. Hindi na normal 'to.

"Mag breakfast na kayo. Mahaba ang araw niyo ngayon." Ani Tita Pia.

Kusa akong napatango at umupo sa tabi ni Adrianna. Napabuntong hininga ako nang umupo si Simon sa tabi ko. Tumingin nalang ako ng deretso sa pinggan ko pero hindi ko naiwasan ang tumingin sa harap nang kukuha na ako ng kanin.

Uno's face is on full show.

Mataman niya akong pinagmamasdan at lumipat ang tingin niya kay Simon na nasa tabi ko. Automatic naman na sumunod ang mga mata ko doon at napasinghap ako nang makita si Simon na nakatukod ang siko sa lamesa habang matamang nakatingin sa akin.

Is he crazy?

Why is he doing this?

Am I crazy? Namumulaklak ang puso ko ngayon. Ang sarap lagyan ng lason ang mga bulaklak sa puso at tyan ko para mamatay sila.

"What are you doing? Masama 'yan." Pagbabawal ko sakanya.

Maagap naman siyang umayos ng upo at bahagya pang inayos ang buhok niya na hula ko ay malambot na malambot. Pinilig ko ang ulo ko at nag iwas ng tingin. Hindi ko nalang sila papansinin.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon