Thalia's POV
Ang ganda ng weekend ko, may nangugulit -____-
"Eeeh! Bat kailangan kasi kasama pa ko?"
"Sige na ateee! Di ako papayagan ni mommy pag di ka kasama ehh! Yieeee, papayag na yan!" At talagang niyakap pa ko ng batang to habang nag pa-puppy eyes! Aish, kung di ko lang kapatid to e!
"Sige na nga, pero siguraduhin niyo na di ako magmumukhang alalay sa inyo ni bill ha?" Kaloka din tong batang to. May saturdate kasi sila ni bill. Boyfriend niya na kapatid pala ni travis. WHAT A SMALL WORLD :/
"Oo naman, tsaka kasama naman si kuya travis noh! Jackpot ka na dun ate! Ang gwapo tsaka bait kaya nun!"
"ANO??? Gwapo? Eh mukha nga yung hito! MABAIT? Aba, mas lalong hindi! Mapang-asar yun na mapanglait na akala mo kung sino! Tapos --" Bigla naman tinakpan ni lianne yung bibig ko na parang may tinuturo sa likod ko na ewan pero tinanggal ko din agad yung kamay niya. "Bat mo ba tinakpan yung bibig ko? Tapos alam mo ba na madami ng beses akong napahamak ng dahil sa chinito na mukhang hito na yun! Tinulungan nga ko nung isang araw tapos kinabukasan eh, iimbyernahin na naman pala ko! Argh! Kala mo talaga kung sinong gwapo eh mas gwapo pa nga sakanya si clyde! Gentleman pa yun tsaka mabait!"
"EHEM."
O_________O
Uh-oh!
"Tapos ka na?" Nakataas na kilay niyang sabi.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Bat di man lang sinabi saken nitong mabait kong kapatid na susunduin pala ko siya ng magkuya na to. Pati tuloy si bill ang sama ng tingin saken. Pero inferness, kamukha niya si travis. MAS gwapo nga lang siya sa kuya niya.
"Hehe. H-hello!"
"Tss. Kumilos ka na. Ayoko ng pinaghihintay ako."
"Sabi ko nga!"
Sabay takbo ko paakyat ng kwarto ko. Aish! Buti nalang nakaligo na ko kanina. Si lianne kasi kanina pa nakakilos. Eh siya yung may date e! Bat kasi kailangan pang kasama ako?
Pumili naman ako ng maayos na damit. Simpleng dress lang na may doll shoes para naman di ako magmukhang manang na alalay nila dun sa mall.
Nag pulbos lang ako ng konti tsaka ponytail tapos bumaba na ko. At ng dahil nga sa katangahan kong taglay, ayun nahulog pa ko! Argh! Two steps pababa nalang e! ><
"HAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay-sabay pa nila kong pinagtawanan. Huhu! Asa naman kasing tutulungan nila ko dba? Isa pa to si lianne! Kapatid ko ba talaga to? T____T
"Hahaha nice shorts! Minnie mouse, witwew!" WAAAAAH! Naka dress pa pala ko!
Tumayo naman na ko sa mula sa pagkakadapa ko sabay takbo palabas ng bahay.
NAKAKAHIYA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! >/////<
= MALL =
Sa wakas! Nakarating na din! Wag niyo na itanong kung ano pang nangyari kanina sa kotse -__- As usuall pinagtulungan at inasar lang nila ko. Lalo na tong batang bill na to! Kung di lang siya boyfriend ni lianne eh! Manang-mana pa sa kuya niya.
Habang nag-iikot naman kami dito sa department store eh magkaholding hands pa yung dalawang magsyota sa harapan namen ni chinito na mukhang hito. 8 years palang tong mga to, partida!
"Hahaha ayos mukha negra. Lalo kang pumapanget." Di ko nalang pinanasin si travis. Mang-aasar lang yan e. "Hahaha tsaka may bago na kong tawag sayo, negrang minnie mouse!"
"Argh! Wala kong oras makipag-asaran sayo!"
"Hahahahahaha kahit ipagsigawan ko pa sa mall na to na may gusto ka kay clyde?"
BINABASA MO ANG
Kahit na panget ka, Akin ka ;)
RomantikA different kind of love story na may pagka comedy na ewan. HAHAHAHAHAHAHA. Isang babae na di kagandahan at medyo nerd na si Thalia na magiging magulo ang buhay ng dahil kay Travis. Ang hearthrob ng school nila na may pang blockmail sakanya. Pero pa...