CHAPTER 19 (Carlo's other side)

5.1K 125 7
                                    

Clyde's POV

"What? But mom, you can't just do that."

Ang unfair ng parents ko. :|

"Bakit naman anak? Mabait na bata si eunice. Maganda pa."

"May gusto akong iba mom! Tapos pagpipilitan niyo pa kong ikasal sa taong ayaw ko?!" Medyo napagtasaan ko tuloy ng boses si mom.

*SLAP*

I deserve that slap. Oo, Naging bastos ako by almost shouting at mom.

Pero nakakainis naman kasi! I don't even like eunice!

Lumapit naman agad saken si dad tsaka niya ko sinapak.

Yeah, wala siyang konsensya. Kaya niya kong sapakin o bugbugin nalang bigla. Ganyan siya magalit.

Halata naman na nagulat si mom at agad na lumapit saken. Mabait si mom kaya ayoko siyang nadadamay samen ni dad. Alam ko din naman na naiipit lang din siya sa sitwasyon ngayon. Kung alam lang sana ni mom na may gusto na kong iba.

"Walang hiya ka talagang anak! Pati nanay mo nagagawa mo ng sagutin?! Hilda! Lumayo ka sa batang yan!" Sabi ni dad pero mas lalo lang hinigpitan ni mommy yung pagkahawak niya sa braso ko. "HILDA! Umakyat ka na sa kwarto. Mag-uusap pa kami ng anak mong yan."

"Sige na mom. J-just leave us."

Nag-aalinlangan naman na umakyat si mommy sa kwarto nila ni dad. Alam kong concern lang din si mom kasi nga pag ganitong mainit ang ulo ni dad nauuwi kami sa away. Tss. Di naman talaga kami okay ni dad e. Ako yung madalas niyang mapagbuntungan ng galit, kahit nung bata pa ko. Nakakaya niya nga rin akong bugbugin. Yes, he's a strict father.

"Your going to marry eunice." Ayan na naman yang bwisit na kasal na yan!

"Tapos ano dad? Titira na agad kami sa iisang bubong ngayon?"

"Para masanay na kayo. Tutal after college at pag 18 na kayo ikakasal na kayo. Simple as that."

"But dad --"

"No buts son."

"Dad! This is unfair!!" Sabi ko sabay takbo palabas ng bahay namen. I need space. Sakal na sakal na ko sa pamamahay na yun.

F*ck!!!

Lagi nalang si dad ang nasusunod!!!!

Ginamit ko naman na agad yung motor ko dito para makalayo agad ako sa bahay na yun.

I need to talk to eunice now.

Sana lang,

Makinig siya saken.

Thalia's POV

Nagmumuni muni naman ako dito sa may terrace namen ng mahagip ng tingin ko si clyde. Waaaaah! Naka motor siya. Kaya lang, ayun nga. Tumigil na siya dun sa magiging bahay nila ni eunice.

Ouch lang.

Pumasok naman na ko ng kwarto ko.

Hay, monday na naman pala bukas.

Buti pa sina mom nakapagsimba na. Late kasi ako nagising kaya di ako nakasama kanina sa mass dito sa may chapel samen.

Sino kaya pwede kong makasama mamayang mga hapon na magsimba?

Hay, kahit ako na nga lang.

Kahit na panget ka, Akin ka ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon