A/N: Eto na agad yung promise ko na update ngayong gabi. Haha. Enjoy reading =)))))))))
Unknown's POV xD
May nagpapadala ng mga loveletters sakanya? Packed lunch? What the! Dapat, AKO yun e.
Bat ba kasi pagtunton sakanya natotorpe ako?
Find it weird but i like Thalia Marie J. Fajardo. Buong pangalan pa yan para intense xD Kidding aside, it started nung first year highschool kami. Nasa first section pa kasi ako nun kaya naging classmate ko siya. She's a nerdy type pero may pagka-kalog din. Haha. Madalas siyang mapagtripan lalo na ni travis pero baliwala lang yun sakanya. Minsan nga nagbabarahan pa sila at madalas ang talo o pikon, si travis. Natatakot nga ko na baka isang araw, mahulog nalang ang loob ni travis kay thalia. Thalia has a good heart. Mukha lang din yang matapang pero pagtunton sa papa niya alam mong mahina siya. Mahirap naman kasi talaga mawalan ng isang ama. Daddy's girl pa siya. May kapatid din siya na mas bata sakanya tapos yung mom niya naman e model. See? Kahit family life niya alam ko. N.B.S.B din siya. Hehe. Oo, mukha na kong stalker nito. But it's okay. Si thalia naman pinag-uusapan e. I do really like her pero natotorpe lang talaga ko lalo na pag nandyan siya. Tapos naging second section pa ko kaya hindi ko na siya nakikita. Buti nalang sinasabi saken ni arra kung kamusta naman si thalia sa section nila. As usuall daw, matalino and seatmate na nga daw ni travis ngayon. Hay. Para tuloy akong nagseselos na ewan. May secret admirer pa siya. So may kalaban na ko?
Papairalin ko pa ba tong katorpehan ko??! Tsaka ayoko rin naman siyang madamay pa. May nagkakagusto kasi saken. She's willing to do everything para lang makuha ako. Tinapat ko naman siya na di ko siya gusto at mas deserve niya yung kaibigan ko na nagkakagusto sakanya. Pero wala, kahit hanggang ngayon pinagpipilitan niya parin yung sarili niya saken. Lalo na't bumalik na siya dito sa pilipinas and baka pumasok na siya dito by next week. Haaaay.
Ang hirap din maipit sa ganitong sitwasyon.
Thalia's POV
"Gwapo ko babe noh?" *wink*
GULP.
Medyo makapal tong hito na to -____-
"Hahahaha see? You're speechless. So okay ba?" Sabi niya habang nagpopogi pose pa. Hahaha. Oo na siya na gwapo tignan sa tuxedo na yan! *O*
Kasalukuyan lang naman kaming nandito sa bahay ng lola niya para daw i-try namen yung tuxedo and gown na binili samen ni Ms. Flor. Hoy ha! Hindi pa kami magpapakasal nito ni travis! May debut lang kami na pupuntahan this saturday. Bali, bukas. Ewan ko ba kay Ms. Flor kung bakit sinama pa ko sa debut na yun! Eh hindi naman ako bagay sa mga ganun. Ang panget ko kaya. Baka magmukha kong tanga dun! Puti pa naman din tong gown, dahil iyon ang color theme. Black, violet and white. Sa itim ko pa namang to mukhang lumulutang na gown ang magiging peg ko nento -___-
"Hahahaha. Baka tumulo laway mo niyan babe. Bat kaya di mo i-try yung gown mo? Ay, puti pala to! Magmumukha kang manikin na may gown. Haha." Manikin? Yung parang statue na itim o puti na nilalagyan ng damit?! Waaaaah! Kapal talaga ng mukha nito! Oo na, ako na negra.
Inirapan ko nalang si travis at kinuha na yung gown. Sa bahay ko nalang susukatin to. Pag hindi bagay saken, hindi nalang ako pupunta dun sa debut bukas. Kasama pa naman din sina papa clyde. Waaaah! Parang ate daw kasi nila yun nung mga bata sila. Oo, magkababata kasi sila nina travis kaya malamang! Invited din sila dun sa debut! Sina carlo. Tsaka halos lahat ng hearthrobs sa school na kababata din nung parang ate nila na magde-debut. Feeling ko nga di ako belong dun e :(
BINABASA MO ANG
Kahit na panget ka, Akin ka ;)
RomanceA different kind of love story na may pagka comedy na ewan. HAHAHAHAHAHAHA. Isang babae na di kagandahan at medyo nerd na si Thalia na magiging magulo ang buhay ng dahil kay Travis. Ang hearthrob ng school nila na may pang blockmail sakanya. Pero pa...