A/N: Sorry for the long wait! ^___^V Di bale, 2 chapters update ko ngayon para makabawi. Tsaka alam niyo na, busy sa school. Hahaha periodic test nadin namen next week eh. WHOO. Wish me luck. Haha :)
ENJOY READING =))))))))))))))))))))))))
Thalia's POV
Hay salamat, weekends na.
Makakapagpahinga narin.
Nakakastress din pala ang pagsusurvey para sa thesis noh? Speaking of thesis, uber duber siyang nakakastress. Senior life nga naman ohh.
Dahil maaga rin naman akong nagising ngayon e magjo-jogging nalang ako dito sa may park samen. Sabi kasi ng walanjo na hito na yun e nataba na daw ako at nagiging baboy na talaga kaya daw mag exercise o jogging ako. Ang sama e noh? :( Payag ba kayo na inaaway-away lang ako ni travis? Huhu, sarap nun itapon sa manila bay e.
Habang nagjojogging naman ako e may nakabunggo saken.
"Ohmy -- T-thalia?"
Waaaaaaaah! Si eunice. Don't tell me, dito rin siya nakatira?
"E-eunice?"
"Oh look! Hindi ko sinasadya na mabunggo ka. Haha eto kasing si bruno e. Bigla-bigla nalang tumakbo papunta sayo." Sabi niya sabay buhat sa aso niya. Aw, shitzuuuu! *O* Ang cuteeeeeee. Pero kaya siguro lumapit tong si bruno saken kasi magkasing kulay kami. Haha shete. Bat naalala ko si hito? Pati sarili ko tuloy nilalait ko na ng wala sa oras -_-
"A-eh okay lang. Hehe." Ang akward. Kasi naman kaharap mo ba naman yung girlfriend ng taong gusto mo? Yun ang bali-balita sa school e. Sila na daw ni clyde </3
OUCH.
"I'm really sorry talaga. Anyways, taga dito ka?" Nakangiti niyang sabi. Ang ganda niya. Wala pa nga yata ako sa talampakan niya e T__T
"Oo. Ikaw?"
"Yes! Kakalipat lang namen ngayon. Haha mag usap nalang tayo habang nagjojogging." Binaba niya narin si bruno na sumusunod nalang samen habang nagjojogging kami ni eunice tsaka nag-uusap. Naalala ko na nga si eunice. Dati na nga rin pala siyang student sa school namen nung first year kami. Nag stay din pala siya sa states for almost two years.
"Bakit nga pala kayo lumipat dito?"
"Actually, wala talaga kaming bahay dito sa philippines. Nung nandito pa nga ko, i used to live on a condo. Kami ng personal yaya ko. Nasa states kasi ang parents ko. And kaya ko lumipat dito kasi sinasanay na kami ni clyde sa iisang bahay. Haha satin satin lang to thalia ha. He's already my fiancee."
O_________O
"F - fiancee?"
<|||||3
"Yes. Arranged marriage kami kaya hanggang mag college kami we will live on a same roof para masanay narin kami for the near future. Alam mo na baka after college, ikasal narin kami. Magkahiwalay naman kami ng kwarto kaya wag kang mag-isip ng kung ano dyan! Haha parang ang lalim ng iniisip mo thalia e." Malalim talaga. Yung tipong pag nahulog ka di ka na makakabalik pa at akin na si clyde. Wahahaha -- Ay este. Huhuhu!
Ang sakit T____T
"Are you thinking of travis?"
"Oo."
O___o
Ta. Ta. Ta. TRAVIS MICHEAL C. FORD???
"Ay, hindi! Kadiri! Bat ko naman iisipin yung hito na yun?"
"Haha. Ang cute niyo kaya tignan. Let's rest for a while? Upo tayo dun sa bench ohh." Kahit nagjojogging kami ni eunice di ko mainda yung pagod. Ang sakit e. Fiancee na pala. Hindi girlfriend.
Why o why clyde?
It hurts ..
"Haha you seem really bothered talaga. Haha nag-away ba kayo ni travis? May ginawa ba siya sayo? Just tell me. Kahit ako na mismo manbatok sa ugok na yun. Haha." Natawa naman ako kay eunice tapos umupo na kami sa may bench. Haha madaldal din pala to at makulit din. Close din kaya sila ni hito?
"Haha close din ba kayo ng hitong yun?"
"Hahaha! Hito? Yes. Were close. Kababata ko din siya. But, akward saken ngayon ang isang yun e. Haha."
"Haha bakit naman?" Eh? Si travis? Akward kay eunice? Okay na kahit yung hito na yun yung topic para maiwasan ko narin yung sakit na nararamdaman ko ngayon kay clyde. Ayoko na muna siyang pag-usapan.
"He one's back then, like me but i reject him. Si clyde kasi talaga ang gusto ko kahit nung mga bata pa lang kami." Waaaaaaaaaah! S-siya yung nang reject kay travis? Yung dahilan kung bakit nakita ko ng umiyak at magdrama ang hito na yun?
"N-ni reject mo siya?"
"Yes. Haha ang sama ko ba? Alam kong wala namang masama kung may gusto sayo ang isang tao. Feelings yun e. Hindi napipigilan. But, ayoko lang talaga na umasa saken si travis kasi una sa lahat, kaibigan ko siya at ayoko siyang umasa sa wala. Nakakainis man isipin na nagbago nga daw siya dahil saken pero kailangan nalang tanggapin. I really like clyde. Actually, I love him. Kaya ko pumunta ng states para pilitin narin sina mom sa arranged marriage namen. Hindi ko na hahayaang maagaw pa si clyde saken. He's mine. Haha swapang na kung swapang pakinggan."
Swapang talaga! Ang maldita pa ng tono mo! Hehe, charot. Nagmahal lang din yung tao.
Pero ang sakit e T____T
Una kong nakilala si clyde nung first year kami. Gwapo, matalino, magaling sa sports at mabait. Ideal man kumbaga. Beleive it or not, love at first sight pa ang nangyari saken nun. Tumulo pa nga yata laway at sipon ko pati narin luga nung nakita ko siya. Hahaha dejk. Wala naman akong luga noh! Kidding aside, first time kong magka crush nun. Haha weird right? Weirdo naman kasi talaga ko. Akala ko nga tuluyan na kong magiging weird at manhid pero ng dahil kay clyde nagbago lahat yun. Alam kong bihira ako mag ayos pero ginagawa ko talaga lahat para lang mapansin niya kaya nga nung debut ni ate queen ang saya saya ko nun. Nakapartner ko pa nga siya remember? :') Tapos malalaman ko nalang ngayon, na engaged na pala siya at sinasanay narin sila ni eunice na tumira sa iisang bubong o bahay?
Ang sakit.
Parang unti-unti akong dinudurog. I'm falling to pieces charot! Pero,
Bat ba ko nasasaktan ng ganito? Gusto ko lang naman siya, hindi pa mahal. Pero three years na din akong humahanga o nagkakagusto sakanya.
Hanga o pagkakagusto na nga lang ba to?
Bakit kasi si clyde pa?
"Uhm, t-thalia? Are you crying?" Shet malagket. Naiyak na pala ko. Huhu. Ang drama ko kasi.
Agad ko namang pinunasan yung mga luha ko na di ko na napigilang lumabas pa sa mata ko tsaka ko nagpaalam at tumakbo na palayo kay eunice.
*Thunder*
Saktong sakto pa tong ulan.
Napaupo nalang ako malapit sa may isang puno at dun na tuluyang umiyak. Bat ako nasasaktan ng ganito?
Bakit si clyde?
M-mahal ko na ba yung tao kaya ko nasasaktan at umiiyak ngayon? Hindi na nakakatuwa tong nararamdaman ko kupido ha.
Basta ang alam ko,
NASASAKTAN ako at NAHHIRAPAN ngayon <//3
BINABASA MO ANG
Kahit na panget ka, Akin ka ;)
RomanceA different kind of love story na may pagka comedy na ewan. HAHAHAHAHAHAHA. Isang babae na di kagandahan at medyo nerd na si Thalia na magiging magulo ang buhay ng dahil kay Travis. Ang hearthrob ng school nila na may pang blockmail sakanya. Pero pa...