CHAPTER 8 (Hot issue and Secret Admirer? O//O)

5.3K 127 1
                                    

Thalia's POV

Monday na naman!

Katamad. Hehe, kahit grade concious ako e tinatamad din nmn ako. Pero kailangan ko narin mag-aral ng mabuti kasi second periodic exam na namen simula wednesday hanggang friday. Tapos next week mag su-survey na kami para sa thesis. Whoo. Senior life!

Kumilos naman na ko at nagpaalam na kay mommy. Akala nya pa nga susunduin ako ni travis. Inakala lng nmn ni mommy na boyfriend ko yung hito na yun! Kadiri. Tsaka maglalakad nlng ako papuntang school. Umuwi muna kasi ng province si mang rudy, driver namen.

Pagkadating po lang ng school eh nagbubulungan na sila tapos may mga masasama pa yung tingin saken. Kahit si kuya ian nga na guard namen dito sa school eh nakatingin ng nakakaloko saken. Samantalang pag naglalakad ako sa school parang hangin lang ako na napadaan. Eh? Anong meron?

"I can't believe it! Pinag-aawayan siya ng dalawang hearthrob sa school?"

"Ano ka ba! Mura na kasi ang gayuma ngayon. Haha!"

"Haha! Gayuma? What a cheap girl!" Sabi ng dalawang thirdyear na nakasalubong ko. Di ko nalang pinansin kahit obvious na ako yung pinag-uusapan nila. Tsaka, pinag-aawayan ng dalawang hearthrob? Ako? Ang nerdo na tipo ko?

Dumiretso naman na muna ko sa locker ko at may bumungad agad saken na parang love letter. Eh? Love letter nmn ngayon?!

Dear thalia,

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang letter na to. Nahihiya kasi ako sa personal kaya dinaan ko nalang sa letter. I like you thalia. Since nung first year palang tayo. Hayaan mo na sana akong manligaw kahit through letter muna. Nahihiya pa kasi talaga ko sayo lalo na't di pa tayo ganun ka-close lalo na sa personal. Baka mautal pa ko pag kaharap kita o pangunahan na nmn ako ng hiya ko. Tss. Ang bakla pakinggan :p Siguro nga, that was love mades.

Xoxo,  

Secret admirer ;)

O//O Secret admirer???!

Carlo's POV

"Ano?? May nag video ng away namen ni trav?"

"Oo pre. Kalat na nga sa buong campus e."

"Tignan mo yang nerdo na yan! Sinisira niya talaga yung image namen." Tss. Sa mga nagtataka, nagsapakan lng nmn kami ni travis kahapon. Nagkita kasi kami sa may hideout.

= Flashback =

"Oh trav? Musta bro? *smirk*" Pang-aasar ko sakanya. Akala nya hindi ko alam na siya pala yung nagtanggol sa nerdo na yun?! At talagang ka-date nya pa sa mall kahapon yung bwisit na nerdo na yun.

"Ayos ha. Kung kamustahin mo ko parang walang nangyari."

"Haha. Yung kay eunice ba. Balita ko, she's back." Nakangiti ko parin sabi sakanya na siya namang ikanasara ng kamao ni trav. "What? Sasapakin mo na nmn ako? And clyde told me na masaya na daw si eunice para sayo. Kasi sa wakas nakamove-on ka na din daw sakanya because of that nerd. Nagkita-kita yata kayo sa mall kahapon? Haha! What a co-incidence." *Bogsh*

"Ano bang problema mo carl? Bat nadamay na nmn si thalia?"

Bumawi nmn ako sa sapak niya. "Bat mo ba kasi pinagtatanggol yung nerdo na yun? You like her? Kung ganung tipo lng nmn pala ng babae ang ipapalit mo kay eunuce --" Tumayo nmn na ulet sya sa pagkakasapak ko at agad akong sinapak.

"T*ngina mo! Wala kang alam carl! At si thalia, she's out of this! Di ka ba makuntento? Muntikan na nga siyang masapak ng dahil sa kalokohan at paghihiganti mo! And eunice?  

W-wala na kong pakielam sakanya."

= End of flashback =

Tapos sasabihin nya na wala na siyang pakielam kay eunice??! Dahil sa nerdo na yun?

Kaya naman nagplano ako ngayon na kunwaring secret admirer ng nerdo na yun. Let's see kung anong magiging reaction ng bestfriend kong loko-loko.

"So paano na pre? Kalat na kalat yung video na yun."

"Edi paninindigan."

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I will secretely,  

Court that nerd."

Thalia's POV

Pagpasok ko sa room sinalubong agad ako nina danica at agad na hinatak yung buhok ko.

"Slut!"

"A-aray naman danica!" Nagpumilit akong bumitiw sa pagkakasabunot niya saken kaya lang ang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. "B-bitawan mo ko!" Nasasaktan na ko sa pagkakasabunot niya ><

"How dare you! Magkano gayuma? Ha?" Sinampal naman niya ko.

TAMA NA TO.

Naalala ko yung mga sinabi saken ni daddy. Na matuto akong ipagtanggol ang sarili ko.

Tinulak ko naman ng buong pwersa si danica kaya agad siyang napaupo sa sahig. Sakto nmn na dumating si Ms. Jane sa room namen.

"T-thalia? Danica? What happen?"

Patay.

= Principal's office =

"What happen?" Panimula ni Ms. Flor. Lola ni chinito at principal namen. Grabeeee! Kinakabahan na ko. Patay ako neto!

"Siya po ms. flor! Si thalia! *sobs*" Patayin ko kaya to! Huhu. Kung mag inarte akala mo ako yung nag-umpisa ng gulo e.

Napatingin namen saken si Ms. Flor na parang nagtataka. Ako kasi yung madalas na ma-bully lalo na ng apo niya, remember? "Totoo ba yun thalia?"

"Hindi po."

"How dare you --"

"Tignan mo! Ano sasabunutan mo ulet ako? Ms. Flor, una sa lahat. Hindi po ako ang nag umpisa. Kahit tanungin niyo pa yung iba naming classmates na nakakita nung insidente. Hindi ko rin naman pong intensyon na matulak si danica. Pinagtanggol ko lang po yung sarili ko mula sa pagkakasabunot at pagsampal niya saken." Dire-diretso kong sabi. Di na ko makapagtimpi pa dito kay danica e. Hindi nmn sa gusto ko siyang parusahan tsaka wala namang masama na ipagtanggol ko man lang yung sarili ko dba?

"Okay thalia. You may go back to your room. Ms. Danica you'll stay here."

"Wait ms. flor. Wag na po. W-wag niyo na siyang parusahan."

"Uhm, sige thalia. Pagbibigyan kita. Sana lng di na maulit to. Lalo na ikaw ms. danica? Okay. You may go now."

"Thankyou Ms. Flor." Sabay na sabi namen ni danica tapos lumabas na kami ng principal's office. Pasalamat siya, mabait pa ko sa lagay na yun at hindi ko siya hinayaang maparasuhan.

"T-thalia?" Nagtatakang tanong saken ni danica. "Salamat ha!" Waaaah! At talagang niyakap pa kooooo! "Sorry din kanina. So, friends?" Nakangiti niyang sabi saken.

"Friends." Di ko na tinanggihan. Mamaya sabunutan na nmn ako nito e. Hehe. Charot!

Pero, di pa pala tapos tong araw na to. May tatlo pang bakla na hinarang ako. Tapos may hot issue daw?! Nag-away daw si travis at carlo dahil saken? Di ko nmn alam kung totoo! Absent din si chinito na mukhang hito!!! Bakit kaya? Aish! Atleast nga walang nanggugulo saken. Pero talagang magulo na ang monday ko! May secret admirer pa ko? O//O Ang isang tulad na nerdo ko??! Waaaah! What a mondaaaaaaaay! ><

Kahit na panget ka, Akin ka ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon