[PROLOGUE]
'When you hold me in the street
And you kiss me on the dance floor
I wish that it could be like that
Why can't it be like that? 'Cause I'm yours...
Habang kinakanta ko yan ay nakaharap ako sa maraming tao dito sa gymnasium ng school namin kung saan ay may singing contest.'We keep behind closed doors
Every time I see you, I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough
It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my face...
Habang nakatingin ako sa mga audience hindi ko mapigilan hindi mapangiti dahil sa maraming sumisigaw ng pangalan ko. Well, Roseller yata ito ang daddy ko sikat dati dito at kaya ngayon sumikat din kaming mga anak niya.'But we know this, we got a love that is homeless...
Sa tingin ko namana ko ang magandang boses ko kay mama dahil dati sya ang kumakanta dito sa stage. Siya ang laging pinapakanta. Wala eh. Maganda talaga ang mom ko halos perfect na sya na parang si dad lang kaya no doubt anak nga nila kami.
'Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that? 'Cause I'm yours...'
Maraming naiinggit sakin dahil sa prinsesa daw ako ng mga roseller bakit hindi na lang daw sila, nakakalapit pa daw ako sa dalawang lalaking pinag aagawan ng marami, ang mga brothers ko.
Ang sabi nila ang perfect ko na, mula sa paa hanggang sa mukha. Wala daw patapon sakin. Maraming nagkakagusto sakin dito sa st. gerald pero hinding hindi ko sila pinapansin o nagpapaligaw dahil meron ng nagmamayari ng puso ko mula pagkabata ko pa lang.
Ako lang ang nakakaalam na gusto ko sya, walang alam sila mommy, daddy, kuya at ang kapatid ko. Kahit ang mga estudyante dito walang alam na may gusto ako---mahal ko na pala. Sobrang mahal ko na to the point nababaliw ako pag hindi ko sya nakikita.
Akala ng marami wala lang talaga akong panahon sa mga lalaki pero hindi nila may isang lalaki na akong inaasam asam mula pa pagkabata kaya hinding hindi na magkakagusto ang puso ko kanino man lalaki dyan.
Natapos akong kumanta at nagpalakpakan ang mga audience at marami din sumisigaw ng pangalan ko. Bumaba ako sa may stage para puntahan si kuya at bunso at sila daddy at mommy.
“Galing ng princess namin.” Nakangiting sabi ni mommy, ngumiti rin ako kay mommy.
“Thank you, mom.” Sabi ko kasabay ng pagyakap at paghalik ko sa pisngi nya.
“No doubt, Ikaw ng mananalo dyan baby...” Ani daddy habang nakangiti. Always positive talaga si dad.
“Thanks dad. Ikaw talaga.” Sabi ko at niyakap ko rin sya. Lumingon ako sa mga kapatid ko.
“Pangit.” Ani Kuya Jayce kaya naman sinamaan ko sya ng tingin at ayun tumawa lang sya.
“Kidding princess. Yes, tama sila mom and dad, ikaw ng mananalo dyan.” Nakangiting sabi ni Kuya Jayce. Aba! Laglag na nyan panty ng makakakita sa ngiti ng kuya ko.
“You're amazing, Ate.” Ani Bunso, asus ang bunso namin nilalambing ako. Agad kong kinurot ang pisngi nya.
“Thank you bunso.”
Inanunsyo ang nanalo at tama nga sila na ako ang mananalo bilang---Amazing Teen Princess ng st. gerald. Ayoko ng ganito yung pagiging popular ko pero masaya ako kasi nanalo ako pero ayoko talaga ng sikat. Maraming bashers, insecure o kahit ano pa man.
“Porket nanalo akala mo sino ng maganda!”
“Tama porket anak siya ng roseller ang feeling na!”
“Pinagmamalaki nya ang mga kapatid nya. Tch. Akala mo naman kinaganda nya.”
Heto ang dahilan kung bakit ayoko. Ang bulungan pero naririnig mo naman, hindi ko na lang pinapansin wala naman akong magagawa kung ganyan ang tingin nila sakin. Mas kilala ko ang sarili ko kaya bahala sila.
Napadapo ang mga mata ko sa lalaking mag isang nakaupo habang hawak ang skater nya. Ang gwapo nya talaga.. Heto na naman ako sa pagpapantasya ko sakanya. Wala eh. Nagmamahal lang ako.
He’s my first love and last love— my secret love.
***
A/N: Prologue lang ah? ;)
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]