Chapter 38: My Wish

15 0 0
                                    

The Princess Secret Love 38







***

Savanna's POV







Kanina pa ako nakatingin sa cabinet ko na puno ng dress, hindi ko alam kung ano ang isusuot ko sa first date namin ni Stan, niyaya nya ba talaga akong mag date? Hindi ba ako nananaginip? Hindi ko alam pero naeexcite ako sa first date namin na may halong kaba.





Kinuha ko ang isang black dress at red dress, pinakatignan ko ang dalawa pero wala akong natipuan. Kung magbla-black ako parang ang pangit naman, kung Red diko pa masyadong prepared ang kulay. Hays ang hirap naman nito.





Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Mommy na pumasok, "Sorry, baby hindi na ako nakakatok."





Ngumiti ako kay Mom, "Don't worry mom, it's okay." Binitiwan ko ang dalawang dress at tinabihan si Mommy sa may kama kung saan sya umupo ngayon.





"Bat parang hindi ka pa nakakapili ng isusuot mo?" Sambit ni Mom. Si Mommy ang unang pumayag kanina sa date namin ni Stan kasi yung tatlo medyo tutol pa sila.
 




"Hindi pa nga po mom... ang hirap mamili baka ang pangit kasi ng mamili ko..." Nakasimangot kong sambit.





Ngiting ngiti si Mommy ngayon, "Dalaga kana talaga Baby, kahit anong isuot mo Baby maganda ka pa rin you're still a princess..." Ngumiti ako kay Mom.





Tumayo siya at pumunta sa may cabinet ko, "I'll help you...." Ani Mommy atsaka nagsimulang maghanap.





Pinapanuod ko lang sya habang naghahanap ng dress, Kinuha nya ang isang Royal blue na cocktail dress at tube sya above the knee ang taas at napangiti ako dahil alam kong maganda ang napili ni Mom. Mom has a good taste kaya nagkakasundo kami.





Humarap sya sakin, "Here baby... I know babagay sayo yan.. Bilisan mo na baby! Baka maghintay sayo si Nyl mo! Ang baby ko dalagang dalaga na..." Feeling ko maiiyak si mom.





"Mommy makikipagdate lang ako hindi pa ako mag aasawa." Nakasimangot kong sambit.





Pababa na ako ng hagdan ngayon, nakacurly ang hair ko at nakamake up pero light lang lahat dahil ayoko naman talaga nito pinilit lang ako ni Mom para daw mas mainlove sakin si Stan.





Nakita ko na si Stan sa baba kausap sila Kuya, bigla akong kinabahan. Napatingin dito si Stan at nakita kong natigilan pa sya.

 



Kababa ko ang sama ng tingin sakin ni Kuya kaya nginisian ko nalang sya kasabay ng pagharap nya kay Stan, "Hoy ikaw, ingatan mo ang prinsesa namin! Naiintindihan mo?" Ani Kuya.





"Pag may nangyaring masama kay Ate, malalagot ka talaga samin!" Sambit naman ni JD habang nakakunot pa ang noo.





"Take care of my daughter, Nyl." Maawtoridad na sambit ni Daddy.





"I will, sir." Ani Nyl at nagbow pa.





"Ang gwapo naman! Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko. Ingat mo sya ah? Wag papagabi okay?" Si mommy naman.





Nagbow si Nyl sakanila at nagsimula na kaming maglakad palabas. Habang nasa sasakyan kami ay tumugtog ang your love na kanta, napatingin ako sakanya at ganun din siya. Naalala ko nung kinanta namin 'to.





Huminto kami sa isang Mall na hindi naman samin, medyo tumagal ang biyahe namin kasi malayo ang pinuntahan namin. Mall of Asia pala ang pinuntahan namin.


  


Bumaba kami sa MOA atsaka ako napatingin sa paligid ang daming city lights, yung manila bay ay napalawak maririnig mo pa ang alon nito. Napatingin ako sa ferris wheel.
  




"Stan..." Tawag ko sakanya, tumingin naman sya sakin parang nagtatanong na kung ano.





"Sakay tayong ferris wheel please?" Nagmamakaawa kong sambit.


 


Tumingin sya sakin at tumingin din sa ferris wheel. Ngumiti sya at hinila ako, "Let's go..."





Napangiti naman ako roon, sumakay kami at diko maiwasan ang kabahan lalo na dahan dahan lang ang ikot ng ferris wheel. Tinignan ko ang kabuuan ng MOA at namangha ako sa ganda kaya kinuha ko ang phone ko at nagpictures, kitang kita ko ang mga buildings. Tumingin ako kay Stan na may hawak din na camera na saktong nag flash sakin. Kaya nagulat ako.





"Stan?!" Sigaw ko, "Burahin mo yan!" Sigaw ko ulit at tinabihan sya para maabot ang camera pero biglang gumalaw ang kinauupuan namin kaya napayakap ako sakanya.





"Princess... It's okay, I'm here. Open your eyes.. Nasa pinakataas na tayo." Aniya. Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa kawalan.
 




"Hala Stan! Ang ganda ganda talaga! Let's take a picture!" Masayang sambit ko at niready ko ang camera at nag picture kami ng madami.





"You enjoy?" Tanong nya sakin kababa namin ng ferris wheel. Hilong hilo ako roon ah.





"Yes I enjoyed the ferris wheel grabe nakakahilo!" Natatawang sambit ko.





"Ang ferris wheel ay para makita mo lang ang kabuuan ng MOA at ng mga buildings, para sa magandang view lamang at makapagtake ng pictures..." Paliwanag nya.





I smiled at him, "Let's take a rest first!"





He smiled at me, "Yeah, yeah.." Tumingin ako sa pulso ko, ala sais y' mediya kaya seven pasado na ngayon.





Umupo kami sa side ng manila bay, tumingin ako sa dagat at bigla akong nilamig, dahil siguro sa alon na pumapagaspas at ang hangin dito.





Biglang may coat na pumatong sa katawan ko kaya napatingin ako kay Stan, "Too cold. Wait me here, I'll buy some foods." Aniya.





Tumango ako, "Thank you, Stan." Tumalikod na sya sakin at nakita ko na bumili sya ng street foods.





Kinuha ko ang camera ko at tinignan ang mga pictures namin sa ferris wheel, nakangiti kaming pareho yung iba ay mga epic pero maganda pa rin ang pagkakakuha, yung iba nakastolen kami at pinapakita namin ang view. Halos nasa 50 pictures ang mga ito. Hindi ko maiwasang mapangiti.





Akala ko dati wala ng pag asa, akala ko dati hindi magkakatotoo ang mga imagination ko, ngayon di ako makapaniwala na kasama ko na si Stan.





"Ang lalim ng iniisip ah? Gumagaya ka ba sa kaliliman ng Manila bay?" Napatingin ako sa nagsalita.





Agad kong pinatay ang camera at pinasok sa bag ko yun. Kinuha ko ang inalok nyang street foods. Kuminang yata ang mga mata ko dahil mukhang masarap.





Umupo sya sa tabi ko, "Buti naisipan mong bumili ng ganito? At buti alam mo ang mga street foods?"





Tumingin sya sa dagat at kinain ang isaw, kumuha rin ako ng isaw at kinain iyon, "Si Clayara, favorite nya ang mga street foods, sakanya ko natutunan ang kumain ng ganito."





Tumango tango ako sakanya, "Ganun ba? Alam mo akala ko talaga nung una girlfriend mo si Clayara..."





Napatawa naman sya ng bahagya, "Do you think gi-girlfriend'nin ko ang kapatid ko? Hindi pa naman ako nababaliw, Aria."
 




Napatawa rin ako sa sinabi nya at kumain nalang kami, "I already talked to steven before he left..."





Doon ako napahinto sa pagkain, "Huh? Anong napag usapan nyo?"





"Alagaan daw kita, wag kitang pababayaan kapag sinaktan kita aagawin ka raw nya sakin," Napangisi sya, "Then try me.."





Umiling nalang ako at kasabay ng pagkain ko, talagang nagsakripisyo na si Tres para sa kaligayahan ko. Thank you tres.





Napatingin ako sa fountain, tapos na kaming kumain, "Stan, let's go fountain please?"


  
 

Hindi ko na sya hinintay sumagot at tumakbo na ako papuntang fountain, tinignan ko ang fountain ang ganda ng mga colors nya! Kumuha ako ng barya ko.





Hinulog ko yun at nagwish ako, "Sana si Stan na talaga ang para sakin, sana totoo na ang lahat ng ito... Sana hindi na ito imagination at sana ito na ang simula ng fairytale story ng buhay ko.."


 


Kabukas ko ng mata ko ay nakita ko si Stan na nakatingin sakin, "Anong winish mo?" Tanong nya.





"Secret! Dapat ikaw din!" Akmang bibigyan ko sya ng barya ng magsalita sya.





"Hindi ko na kailangan pang humiling, nasa tabi ko na rin ang kahilingan ko... Kaharap ko pa... Aria, you're my wish." Kasabay nun ang pagkabitaw ko sa barya.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon