Chapter 13: CandS

28 2 0
                                    

The Princess Secret Love 13




***

Savanna



Binaba ko ang ballpen ko na kulay pink at tumingin sa upuan ni Stan. Bakit kaya wala pa sya? Papasok kaya sya? Nagde-date pa rin ba sila ng girlfriend nya?

 

Tinignan ko ang oras at oras na para sa next subject, hindi na siguro sya papasok. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ang SMS ko.



From: Tres Lee
Vanna, pupunta kang caféteria mamaya?



To: Tres Lee
I don't know pa. Tignan ko text na lang kita mamaya.



From: Tres Lee
Okay, See you later.



Hindi na ako sumagot pero biglang nagnotif ang cellphone ko at nakita ko ang post ni stan, naka-close friend kasi sya sakin. Wag kayong maingay ah?



Nyl Lazarus
 

Magagalit ka kaya pag nalaman mo ang totoo? Magagalit kaba sakin? Malamang oo.



Huh? Anong pinagsasabi nya? Sino kaya 'to? Ang girlfriend nya siguro. In-off ko ang phone ko at lumabas na ng classroom. Nag ikot pa ako ng paningin. Hindi pa labasan nila tres mga fifteen minutes pa sila kaya naglakad lakad muna ako.



Habang naglalakad ako nakita ko si Stan na naglalakad mag isa hawak ang cellphone nya. Nakatingin lang ako sakanya. Akala ko hindi sya papasok pero ngayon nandito na sya ulit.



Mabilis kong tinahak ang direksyon nya at nung makatabi na ako sakanya ay napahinto sya at parang gulat na gulat pa sya.



“Ang sad pag naglalakad mag isa no?” Tanong ko. Tinignan nya lang ako at nagsimulang maglakad ulit.



Heto na naman sya. Bumabalik na naman sya dati na hindi ako pinapansin. May problema kaya sya? Yung sa post nya? Kaya ba sya ganito?



Sinundan ko lang sya pero huminto sya at tinignan ako, halo-halo ang emosyon na nakikita ko ngayon sa mga mata nya na parang may galit, lungkot, sakit, o kahit ano pa sa mata nya.



“Walang practice ngayon. Balik ka na sa classroom.” Sabi nya at tumalikod ulit.



Walang practice? Bakit? “Stan teka! Bakit walang practice? Paano ang NGSUN?”



“Sa susunod na lang. Wala ako mood ngayon.” May problema nga sya.



“Diba classmate kita? So, hindi ka papasok? Dalawang araw ka na yatang pumapasok ng school pero dika umaattend ng class.”



Hindi nya ako pinakinggan at nagpatuloy lang sya sa paglalakad nya. Paano na yan? Mukhang may problema na naman sya. Bumabalik na naman sya sa dati yung cold. Yung lagi akong tinataboy. Tinignan ko lang sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko.



Nag away kaya sila ng girlfriend nya? Yung post nya may kinalaman ba yon sa nangyayari ngayon sakanya? Ano kayang problema nya? Gustong-gusto ko syang tanungin pero may mga pumipigil sakin. Ang paa ko at isip ko pero ang sabi ng kamay at puso ko sundan ko sya.



Umiling na lang ako tumalikod na kung saan sya dumaan kanina, ayoko na muna syang kulitin pag wala sya mood baka magalit sya sakin at maakpektuhan pa ang practice namin at baka itataboy nya ulit ako.



Ang lapit nya sakin pero hindi ko maabot, ganito ba talaga sa love? Laging nasasaktan?



Umiling ako at aapak na sana nung may nakita akong panyo sa sahig. Lalagpasan ko sana pero may nakita akong nakaburda.



The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon