The Princess Secret Love 29
***
Chadael's POV
Habang nasa kitchen ako, kumakain ako ng chocolate cake na binigay ni Sylvester--kaibigan ko mula high school.
Nag ring ang cellphone ko, nakita ko ang unknown number, sino 'to? Hindi ko sinagot dahil hindi naman ako sumasagot ng tawag na unknowns, baka kasi spam, nanloloko mga ganon.
Nagring ulit 'to pero diko pa rin sinagot kaya naman nagvibrate nalang, in-open ko ang Iphone ko at nabasa ko ang text messages, muntik ko pang mabitiwan ang phone ko sa gulat. Hindi sa text kundi sino ang nagtext.
09988998272: Hey, Carson here. Nakita mo ba si Vanna? Kanina pa kasi sya hinahanap ng mga villamars. Baka nasainyo, textback asap! ~
Si Car-carson? Hindi ba ako namamalikmata or nananaginip man lang? It is true? Dalandan? Omg! Kinurot ko ang chocolate cakes na nasa harapan ko malambot sya nadumihan ang kamay ko, totoo nga jusko!
Rereplayan ko sana sya na kung saan nya nakuha number ko pero binasa ko ulit ang text message nya.
Nanlaki mga mata ko, "Ahhh! Nasan si Vanna? Nasan ang bespren ko?" Nanginginig ang kamay ko na nagskype buti online yung tatlo.
"Oh girl? Any problem namumutla ka?"
"Bat ka napatawag? Bat wala si Vanna? Uy gurl."
"Oo nga, bat tayong apat lang? Bat di mo sinali si Vanna, online naman yata, ay hindi.."
Paano ko ba sasabihin sakanila 'to? Nawawala si Vanna! Tinext ako ni Carson! Naghahalo halo ang emosyon ko. Diko na kinakaya!
"Frens! Si Vanna! Nawawala! Kinontact na sya ng lahat pero di sya sumasagot. Di kaya nakidnap si Vanna?!" Naiiyak na ako.
"Ano?" "Really?" "Ohmygosh!" Violent reactions nilang tatlo, ako hindi ako ganyan nagreact kanina nauna pa yung kilig ko, nawawala na pala yung kaibigan ko.
"Oo, tinext ako ni Carson, sinabi nya na hinahanap daw ng mga villamars si Vanna dahil hindi pa ito umuuwi, alas syete guys, ano na?" Hindi nako mapakali gusto ko ng hanapin ang bespren ko.
"Let's go! Hanapin natin sya, hindi tayo pwedeng tutunganga lang dito." Nanginginig na rin ang boses ni Aya.
"Oo kailangan sama-sama tayo sa paghahanap guys!" Ani Rica habang may hawak pa sya na brush para sa blush on.
"No, no, no, hindi tayo pwedeng magkakasama, kailangan hiwa-hiwalay tayo para makita natin agad. Okay? Dun kayo sa mga posibleng pwedeng puntahan ni Vanna."
Tama ang suggestion ni Viona kaya naman nag sign off nako at mabilis na umalis sa bahay, kinuha ko ang susi ng kotse at ako na ang nagdrive. Nasan ba kasi si Vanna?
Nagvibrate ulit ang cellphone ko at nakita ko na si Carson iyon, sa ngayon ay hindi muna ako kikiligin bukas nalang dahil nawawala ang kaibigan ko, don't panic, Cha. Nasa tabi-tabi lang si Vanna okay?
Binasa ko ang text message habang hininto ang kotse sandali sa gilid.
Carson: Nagdrive pa daw si Vanna, tumakas daw ito sa driver nya sabi ng mga nakakita sakanya dahil nagmamadali itong umalis.
Ohmygosh, hindi nakidnap si Vanna, tumakas sya? Teka? Nagmamadali? Paano naman mangyayari yun? Sinindihan ko ulit phone ko at nagtype.
Cha: How? Bat naman sya magmamadali? Kilala ko si vanna, hindi sya ganun, baka may reason naman sya?
Carson: Mabuti pa, kita nalang tayo sa may MC park, papunta ka na rin naman diba?
Cha: Okay, okay. Wait for me.
Jusko, makakasama ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, anong gagawin ko? Gusto nya pa ay magsama kami, Oy cha, kaya kayo magsasama ay para kay Vanna, ok?
Hininto ko ang kotse ko sa MC park, bumaba ako doon, nakita ko na si Carson na nakatalikod, likod palang alam kong sya na 'to, ganyan ka na ba kabaliw sakanya, Cha?
Napaharap sya sakin,"Hey," Aniya. Parang pinutol ang dila ko hindi ako makapagsalita. "May dala ka palang kotse, may dala rin ako pero sa tingin ko ay papakuha ko na lang yung akin sa drivers namin, then yung sayo nalang ang gagamitin natin, ano? Go?"
Tumango ako, "Okay!" sagot ko, mas maganda na rin yun para diko na pakuha kay manong ricky yung kotse ko, pero teka, "Sinong magdri-drive?" Tanong ko.
"Ikaw malamang, kotse mo yan e, hehe." Kumunot ang noo ko, gagawin nya akong driver?!?!
"What? Are you fvcking serious?! Gagawin mo kong driver, Cars?" tanong ko na medyo may pagkairita.
"Hey, stop cussing, yes why not? And stop calling me Cars I'm not vechiles," Ba, in'english ako kala nya di ako marunong sa ganyan?
"Okay, what are we waiting for?" Tanong ko sakanya, inirapan ko sya at pumasok na sa driver seat habang sya ay sa may loob ng kotse.
Tinignan ko sya ng masama, "Kinarir mo talaga pagiging driver ko 'no?"
Ngumisi sya sakin, "Bagay mo naman e, let's go, it's already time!"
Napasimangot ako wala na kong nagawa di na ako sumagot kaya naman nagdrive nalang ako, bahala sya sa buhay nya, feel nya dyan e atsaka love mo naman sya Cha, isang dream na ang makasama sya sa isang kotse, jusko, sulitin mo na.
Marami na kaming naikot, halos yata lahat ng subdivisons, villages, restaurant, wala kaming nakitang Vanna, nakaramdam ako ng gutom kaya naman nanghihina na rin ako sa pagdrive. Napatingin sakin si Carson, hindi na ko nagsalita nagdrive nalang ako.
Hindi rin sya nagsalita, ang tigas ng ulo nito, walang pakiramdam, ewan ko ba bat minahal ko sya. Tumingin nalang ako at nagfocus sa daan, may nakita akong pusa kaya naman napapreno ako, muntik pang sumubsob si Carson sa harapan.
"Papatayin mo ba 'ko?" Aniya, kalmado lang sya, kala ko naman ay magagalit sya sakin, binuksan nya ang pintuan ng kotse at lumabas.
Kinatok nya ako sa may mirror ng kotse, napangiti naman ako sa wakas ay magpapalit na kami at sya na ang magdri-drive mabait din pala ang isang 'to. Nung binuksan ko na ay bumaba ako at akmang bubuksan ko na yung pintuan sa likod pero hindi sya pumapasok.
"What? Magdrive kana, alas otso y' mediya na. Ma-ooras na tayo may pasok pa bukas." Sabi ko.
Kumunot naman ang noo nya, "Anong magdri-drive pinagsasabi mo dyan? Hindi ako magdri-drive ano ka swine-swerte? Halika, kumain muna tayo alam ko naman gutom kana. Kanina ko pa naririnig ang tiyan mo na kumakalam."
Aba nakaramdam pala. Akala ko manhid, sumilay ang matamis kong ngiti at sumunod nalang sakanya sa isang restaurant.
Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong nagpapatibok ng puso mo, sobrang saya, para kang nasa heaven, kahit medyo may pagkapilyo sya ay type ko naman ang pagiging bad boy nya, naiinlove ako lalo sakanya.
Tumingin ako sakanya at ngumiti pero hindi nya alam yun, "Mahal kita, Cars..." Bulong ko.
Huminto sya at tumingin sakin, nanlaki ang mga mata ko, narinig nya kaya ako? "Mali ka ng narinig!"
Kumunot noo nya, "Anong mali? Dinig na dinig ko, Chadael! Gagawin mo pa akong bingi."
Jusko paano na 'to? Ang awkward naman. "Mali nga sabi e, bat ba mas alam mo pa sakin?" depensive na kung depensive mahirap na.
"Dinig na dinig ko ang pagkalam ulit ng sikmura mo! Tatanggi mo pa e, halika na, ang tagal mong maglakad."
Bigla nya akong hinila, nakahawak sya sa kamay ko, so, hindi ang sinabi ko ang narinig nya? Jusko, buti naman at makakahinga na ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]