The Princess Secret Love 12
***
Savanna’s POV
Nagsu-surf ako sa facebook bawat nagpopost tinitignan ko at binabasa ko ang mga ito. Hindi ako madamot sa like kaya lahat nili-like ko. Hindi kasi ako katulad nung iba na famewhore sa facebook.
Nagpalit ako ng profile picture, wala pang ilan minuto ay may isang daan na agad ito na likes. Ilan din ang nagcomment pero binabasa ko lang hindi ako nagrereply.
Mage-stalk muna ako. Pumunta ako sa profile ni stan at nakita ko ang post nya 30 minutes ago.
Nyl Lazarus
Wala ng mas sasaya pa kapag kasama mo ang mahal mo. Sana lagi tayong ganito.
Ngumiti ako ng masakit, swerte ng girlfriend mo. Marami din ang nagcomment dahil famous sya sa facebook, curious ako kaya naman nagbasa ako.
Cindy Lacson Sino yan? Girlfriend mo?
Lynlyn Gamasa OMG! Sino yan? Gf mo o si Savanna?
Marie Viola Baliw nasa taas ng comment nito. Malamang ang girlfriend nya.
Alyssa Xy Pero yung sinabi ni Nyl sa classroom! Kinikilig ako sakanila ni Savanna.
Chloe Lim Hindi ko pa nakikita ang gf nya. Pero gf nya nga ba ito?
Reya Pineda Well... StanIa here :)
Claire Montales OMG! OMG! OMG! Im gonna die.Bakit nadamay ang pangalan ko dito? Anong alam ko sanila ni stan? Bakit meron nagshi-ship samin? Wala naman kami ah? Nagpatuloy lang ako sa pagsu-surf. Pumukas ng atensyon ko ang post ni tres.
Steven Lee
Masakit palang makitang may kasama syang iba. Yung ngiti nya na kahit minsan hindi mo pa nakikita kapag kasama mo sya.Ilan beses akong napalunok sa post nya. Hindi sa assuming ako pero parang natamaan ako? Sinubukan kong magbasa ng comment.
Carson Velasco Umamin kana kasi ugok!
Christian Arceo Torpe mo. Naunahan ka tuloy!
Ethan David Parinig na lang ba? Tag ko kaya?
France Acerez Wala eh. Torpe torpe.
Belle Manuel OMG! Si Savanna ba yan?
Grace Manalo TresIa FTW! Itayo ang fandom.
Fe Dallin Savanna Aria Roseller. Peace ate Vanna!So ako nga? Hindi ako ito. Wala naman sinabing pangalan eh. Wala kaya dapat hindi ka magassume. Pero mas bumungad sakin ang post ni kuya na ngayon lang.
Nanlaki ang mga mata ko na ngayon lang itong picture na 'to. Nakatutok ako sa laptop at nakakunot ang noo ko, May caption pa na, ‘Tulog na princess. Di ka mahal nun!’
What the?! Grabe ang kuya ko! Grabe talaga! Binulgar nya ako. Huhuhu. May mga nagcomments na.
Ethan David Wahahahaha. Kawawang vanna.
Gerner Yu Ganda pa rin kahit stolen at pretzel knots ang noo.
Carson Velasco Shit. Hahahahaha. Di ka mahal nun. Ang saklap!
France Acerez Kawawa naman si vanna. Ginaganyan ng kuya. T_T
Red Bellum Ang pretty naman talaga nito!
Grace Manalo Mahal ka ni Steven!!!
Christian Arceo Yung comment sa taas ko. Hahahaha.
Viona Kim Hell. Hahahaha. Vanna naman.
Savanna Aria Roseller GRABE NAPAKA SUPPORTIVE MONG KUYA! NA'TOUCH AKO GRABE TALAGA! WOAH. KUYA KO YAN. PROUD PANG DI AKO MAHAL EH. NICE NICE.
Jayce Colton Roseller I love you princess. Wahahaha.
Savanna Aria Roseller Ge. I hate you! Gaganti ako kala mo!
Jayce Colton Roseller Kung makakaganti ka.
Savanna Aria Roseller TALAGA KUYA. TALAGA!
Carson Velasco Beastmode na! Hahaha.Bahala kayo dyan. Nag log out na ako at gaya ng sabi ni kuya natulog na ako. Sumumpong na naman ang pagiging baliw ni Kuya. Minsan nya lang akong pagtripan pero grabe. Gaganti ako akala mo kuya.
Kinabukasan agad akong nagising, hindi ko nakasabay si kuya maaga ang pasok nya. Sasapakin ko sana eh. Si bunso lang ang nakasabay ko pinagtatawanan pa ako.
“Astig ni Kuya, ate. Hahaha. Nakatrip na naman yung kagabi sigurado ako.”
Sabi ni bunso habang naglalakad kami sa campus. Nahihiya ako kasi pinagtitinginan ako. Yung iba nakangiti sakin kaya napipilitan akong ngumiti.
“Hahaha. Iwan na kita dyan ate.” At tumakbo palayo sakin ang kapatid ko. Wow. Ang nice ng dalawa kong kapatid.
May biglang umakbay sakin. Tinignan ko sya at kita kong ngiting ngiti pa sya. “Good morning princess.”
Agad ko syang kinurot sa tagiliran kaya napangiwi sya, “Wag mo kong ma-goodmorning morning dyan kuya ah!”
Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito, “Sorry na nga princess eh. Maganda ka naman doon!”
Hinampas ko sya sa braso kaya napangiwi ulit sya, “Nakakainis ka, Kuya! Ikaw talaga yung mga kalokohan mo!”
Sumimangot ako pero pinisil ni Kuya ang pisngi ko, “Sorry princess. Mahal ka nun..”
Inirapan ko lang sya at tatalikod na sana kami nandun sila carson. Nakangiti yung iba tumatawa sigurado akong kanina pa nila kami pinapanood.
Tumawa ng mahina si Kuya at tinap ang braso ko, “Pasok na ako.”
Sinamaan ko sya ng tingin, “PUMASOK KA WALANG PUMIPIGIL SAYO. ALIS NA.”
“Ganda ng shot mo don, vanna ah?” Natatawang sabi ni Ethan.
“Pero mas maganda ang caption! Hahaha.” Mas sinamaan ko sila ng tingin pero tumawa lang sila.
“Pinagtatawanan nyo ba yung caption o yung mukha ko doon?” Nakasimangot kong tanong.
“Pwedeng both?” Inirapan ko na lang si France at nagsimulang maglakad ulit.
Habang naglalakad ako may mga bumabati sakin kaya binabati ko rin sila, Kinuha ko ang phone ko at nagbukas ng facebook. Hindi ko sya makita ngayon dati-dati nadadaanan ko sya kapag papasok na ako pero ngayon wala akong nakitang bakas niya.
Bumungad sakin ang post nung Clayara Ressha, ito yung girlfriend nya? Bakit walang apilyedo? Tinignan ko ang profile nya at nakita kong kasama nya si stan sa isang restaurant. Magkasama pala sila kaya pala wala sya ngayon. Kasama nya ang babaeng nagpapatibok ng puso nya. Nakita kong halos magkasama na sila. Ang daming picture. Kasama ang family ni Nyl, close na ba silang lahat?
Inalis ko ang profile nya at pumunta sa newsfeed nakita kong may pinost ang kapatid ko.
Jansen Dale Roseller
Masakit sa mata ang nakikita ko ngayon. Magkasama. Nakangiti. Masaya silang magkasama.
Teka? Pumapag-ibig na ba ang kapatid ko?! At may papost-post pa syang ganito? Paano na lang kung mabasa ito nila mommy and daddy? Fourth year high school pa lang siya! Sigurado akong magagalit sila mom-- Wait, third year nagsimulang magkaboyfriend si mom, si dad naman first year. Hmm... Magagalit nga ba? Magcomment nga.
Savanna Aria Roseller Ang drama mo bro. Paki french fries kana lang bunso. I love you! :*
Clayara Ressha
Nakakainis naman! Bakit ayaw nya akong bilhan ng tweety bird! Hmp! -Nyl Lazarus
Napangiti ako at in-off na ang phone ko. Napatingin ako sa harap. Nakita ko si tres na nakangiti sakin.
“Kamusta?” Tanong nya. Ilan araw din pala kaming hindi nagkasama.
“Ayos lang ako, Ikaw? Nabasa ko mga post nyo, may problema ka ba?” Nakita kong umiwas sya ng tingin at umiling.
“Alam mo... ang pangit mo kapag nagsisinungaling ka.” Sabi ko sakanya kaya napangiti naman sya at ginulo ang buhok ko.
“OMG! Tres naman! Huhuhu. One hour ko 'tong inayos.” Naiiyak kong sabi.
“Tara libre mo ko. Dami mo ng utang sakin..” At hinila na nya ako patayo.
“Utang? Anong utang ko sayo!?” Pero hindi nya ako pinansin at hinila ako papasok sa caféteria.
Siguro nga maganda din ito para kahit papano makalimutan ko muna si stan at yung nakita ko kanina. Sa tuwing may problema ako si tres ang laging nandyan para sakin. Thank you tres. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]