Chapter 32: Forgiveness

35 0 0
                                    

The Princess Secret Love 32


***

Steven's POV (Tres or Third)



Tangina. Gusto kong magbulag-bulagan o magbingi- bingian pero putangina masakit pa rin. Lalo na galing na mismo sa pinakamamahal ko yung sagot sa mga tanong ko.


Oo, alam ko may gusto na si Savanna kay Nyl pero akala ko mapupuna ko lahat yun at makakalimutan nya na si Nyl pero puta! Puta! Mahal na mahal nya talaga ang lalaking yun. Gusto kong magwala, gusto kong isigaw lahat itong sakit na nararamdaman ko, tangina, hindi ko alam ang gagawin ko parang nanglalambot ang buong pagkatao ko.


Pinarada ko ang kotse sa isang mataas na lugar kung saan walang tao, gusto kong mabawasan kahit papano ang sakit na nararamdaman ko, bumaba ako at umakyat sa mataas na lugar, kung pwede lang magpakamatay ginawa ko na.


"Tangina!!" Sigaw ko, my tears keep falling down. "Vanna mahal naman kita pero bakit si Nyl pa?" Humagulgol na 'ko, ang sakit sobra para akong pinapatay sa sakit.


"Vanna!" Sigaw ko, "Ako na lang please, ako nalang mahalin mo, wag na si Nyl! Gagawin ko lahat para sayo!" Napaupo ako sa damuhan.


Nanginginig mga kamay ko, gusto kong magwala, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko pinagsusuntok ko ang damuhan, tumayo ako at pinagsisipa ang mga bato nakita ko ang puno ng mangga--- Itong punong ito ang dahilan kung bakit nagkakilala sila Vanna at Nyl, Hindi ako nakatiis pinagsusuntok ko ang punong mangga, puno ng sugat kamay ko, duguan na rin 'to pero wala akong pakealam wala ng mas sasakit sa sakit na nararadaman ng puso ko.


Sa sobrang pagod ko, napaupo ulit ako at doon ko iniyak lahat, malakas na rin ang paghinga ko, parang pinupunit ang puso ko, putangina. Nakakabakla ang ganito pero tangina nasasaktan ako ng di nyo alam!


Ilan taon ko ng mahal si Vanna, simula Grade three palang kami ay meron na akong pagtingin sakanya, lagi nyang nababanggit sakin noon ang tungkol sa puno ng mangga pero diko sya pinapakinggan. Hindi ko minahal si Vanna dahil sa itsura, minahal ko sya dahil sa ugaling sakanya ko lang makikita.


Hindi ko na talaga mapigilan ang luha, hinayaan ko nalang tumulo ito ng tumulo. Lumipas ang ilan minuto ay napagdesisyunan ko ng umalis ng mataas na lugar gusto ko naman ay mamamanhid ako kahit sandali lang, gusto kong mag bar. Minadali ko ang pagpapaharurut ng sasakyan at madali lang akong nakarating sa Gab's Bar, kapasok ko sa loob at nag order na 'ko ng hard drink, tulo pa rin ng tulo ang mga dugo sa kamay ko. Wala akong pakealam. Hindi ko ramdam ang sakit ng sugat ng kamay ko.


Uminom lang ako ng uminom, nahihilo na 'ko, umiikot na ang paningin ko pero tanging si Vanna lang nakikita ko, nakangiti sakin, yung masasayang alaala namin. Napangiti ako ng mapait at tinungga ang alak na nasa baso, pumikit ako ng mariin doon nagtuloy tuloy ang daloy ng luha ko.


Narinig kong nagri-ring ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Ethan, tangina neto, nagmo-moment ako dito panira. Hinayaan ko lang pero nagring na naman ito na ang kinainis ko kaya sinagot ko 'to.


"Tangina mo Ethan! Wag kang istorbo! Wag kang tatawag! Nagpapakasaya ako dito!" Matapos nun ay walang nagsalita kaya napatingin ako sa screen ng phone ko medyo blurd pero nung makita ko na ay halos mabuga ko ang iniinom ko.


[Tres...nasan ka? Hinahanap ka na sakin nila Tita Ryla at Tito Terrence please lang, umuwi kana. Gabi na.]


Napangiti ako, "Ayoko, nagpapakasaya pa ako dito e! Bakit pag umuwi ba ako mawawala ba ang sakit na nararamdaman ko ah! Hindi Vanna! Hindi!" Pinigilan ko ang hikbi ko pero hindi ko na kaya kaya pinatay ko na ang cellphone.


Sana nung una palang hindi na ako nagbulag-bulagan sa pagmamahal ko sayo, wala akong pinagsisisihan na naging parte ka ng buhay ko at minahal kita. Tandaan mo, nandito lang ako lagi para sayo, vanna. Kahit sya ang kailangan mo.


Tinignan ko ang wallpaper ng cellphone ko at nakita ko ang picture namin, "Mahal kita, mahal na mahal kita, Princess.."


Ininom ko ang alak na nasa baso at napangisi, Mahal na mahal kita, putangina, ang sakit sakit magsabi ng katagang 'mahal kita' na alam mong walang sasagot. Tangina lang.


***

Savanna's POV



Nasa kitchen kami ngayon kumakain, tahimik lang, ako rin ay hindi nagsasalita hindi pa rin masink-in sa utak ko yung pagconfess sakin ni Tres, parang nagulat ako ay hindi parang nagulat talaga, bakit ganon? Bat parang naaawa ako sakanya, gusto ko syang yakapin, pero may pumipigil sakin.


Hindi ko alam na may pagtingin sakin si Tres, akala ko ay kaibigan lang ang nag uugnay samin dalawa at aware sya na si Nyl lang ang nag iisa sa puso ko pero bakit ganon?


Nagring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Tita Ryla, kumunot noo ko, kinutuban na rin ako. Tumayo ako at sinagot ito.


"Hi tita, Bakit po?" Naririnig ko ang hikbi ni Tita Ryla, mas lalo akong kinabahan.


[S-savanna, wala ba dyan sainyo si Steven? Alam mo naman yun hindi umuuwi ng late sa bahay pero ngayon alas nuwebe na wala pa sya...]


Huminga ako ng malalim, "T-tita pasensya na pero hindi ko po alam, wala po sya rito pero subukan ko po syang kontakin."


[Sige salamat Vanna, balitaan moko agad ah?]


"Opo tita," Doon ay binaba nya na ang tawag, katapos nun ay kinontak ko na si Tres at nagring ito.


Mabilis nyang sinagot ito, [Tangina mo Ethan! Wag kang istorbo! Wag kang tatawag! Nagpapakasaya ako dito!]


Nanlaki ang mga mata ko sa mura nya, maingay sa kabilang linya, malakas ang mga speakers, Nagsasaya sya? Saan?


Huminga ako ng malalim, "Tres...nasan ka? Hinahanap ka na sakin nila Tita Ryla at Tito Terrence please lang, umuwi kana. Gabi na."


Nanginginig ang boses ko, hindi ako mapakali, hindi ko alam kung nasan ang kaibigan ko.


[Ayoko, nagpapakasaya pa ako dito e! Bakit pag umuwi ba ako mawawala ba ang sakit na nararamdaman ko ah! Hindi Vanna! Hindi!]


At doon binaba nya na ang tawag, naluluha ako ng diko alam, at doon na tuloy tuloy tumulo ang luha ko nagulat ako ng biglang may yumakap sakin nakita ko si Mommy.


"Mom," Umiiyak na ako ngayon, tumayo rin sila Daddy at ang mga kapatid ko.


"Anong problema dyan?" Maangas na tanong ni Bunso, nagkukunwari pa syang galit pero nakita ko na napapaiwas sya ng tingin.


"Sinong nagpaiyak sa princess namin?" Si dad naman, eto na yung hinihintay ko na kausapin na nila ako.


"Reresbakan ko, Aria.. Just tell me." Ani naman ni Kuya. Natawa nalang ako sakanila at pinunasan ang luha ko.


Niyakap ko silang lahat, "Wala 'to, salamat at kinausap nyo na ako..."


"Mahal ka namin Princess, nag alala lang kami at ayaw lang namin na ulitin mo ang ginawa mo."


"Oo Aria, dahil kay Nyl nagkakaganyan ka." Si Kuya na sumimangot pa.


"Hindi ka naman paparusahan Ate eh, di namin magagawa yun." Si bunso.


"Ang sweet ng mga baby ko," Naiiyak si Mom. Natawa ako at niyakap si mom.


"Salamat mom and dad, salamat kuya and bunso, Mahal na mahal ko kayo." At doon nagyakapan kami.


Nagkaayos na kami ng pamilya ko pero may isang kaso pa akong di natatapos ang hanapin kung nasan si Tres.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon