Chapter 27: Aya and Third

11 0 0
                                    

The Princess Secret Love 27



***

Aya's POV (Walang POV si Savanna dito, na-challenge kasi ako, hindi dapat ako mag focus sa isang POV lang, give chance to others!)




Inayos ko ang buhok ko na tumatama sa mukha ko, baka akalain pa nila ay isa akong white lady na dumaraan dito sa hallway, malakas kasi ang hangin ang alam ko ay may bagyo, pero may pasok pa rin kami ang unfair nga porket college kailangan may pasok pa rin? Di rin naman namin kaya ang bagyo!

Sinuklayan ko ang buhok ko ng makapasok ako sa restroom, gulo-gulo na kasi ito, ang tigas ng buhok ko hays ano ba kasing nangyari? Ang lakas kasi ng hangin.



"Hays, Aya. Kahit naman magpaganda ka ng magpaganda dyan di ka pa rin mapapansin ni Third...." Malungkot kong sabi habang nakatingin sa mirror.

Alam ko na may gusto si Third kay Savanna halata naman e, nagbubulag-bulagan lang ako dahil mahal ko si Third, gusto ko sakin naman mapunta ang atensyon nya pero puro nalang si Savanna ang nakikita nya. Di ko masisisi si Third kung bat gusto nya si Vanna, dahil maganda, fashionista, malinis, gorgeous, mabait, lahat yata ay na sakanya na Walang mapipintas sakanya.


Anak mayaman. Prinsesa sa school. Pinagkakaguluhan. Pinag aagawan. Hinahangahan. Hays, walang wala akong masasabi sa kaibigan ko na si Savanna, sobrang blessings ang napunta sakanya. Diko masisisi ang beauty ni Vanna dahil nagmana ito sa Mommy nya na si Tita Coleen. Gwapo rin ang dad nya si Tito Clarence.
 


Swerte ako at naging kaibigan ko si Savanna, kahit medyo nagiging karibal ko sya sa puso ni Third ay ayos lang 'yon. Masaya akong naging kaibigan sya.


Huminga ako ng malalim at sinabit ang bag ko sa balikat at lumabas na ng cr, ok na ang itsura ko, nagback to normal ulit, humina na rin ang ulan, medyo mabasa na ang hallway kaya may janitors na naglilinis.



Nakita ko na nasa harap ng classroom si Third, napatuwid ako ng katawan at kunwaring umiiwas ng tingin, iba ang section ni Third sa'min, kaklase nya ang mga kaibigan nito si Savanna lang ang naligaw sakanila.



Lumampas nako sakanya kaya nakahinga ako ng maluwag, mabuti naman at di nya ko napansin pero nakakalungkot pa rin "Aya!" Nanlaki ang mga mata ko, pakshet!! Ang yummy ni third. Shet!! Why oh why?!



Lumingon ako ng dahan-dahan, nakita kong naglalakad sya patungo sa direksyon ko, "B-bakit third?" Tanong ko.



Ngumiti sya sakin "Bat ba nauutal ka? May sakit kaba? Ays anyway, pakibigay naman 'to kay Vanna, diko kasi sya nakita kanina e....badtrip gusto ko sana ako ang magbigay sakanya pero minamalas nga naman."



Kumirot ang puso ko ng marinig ko 'yon, mahal nya kaya ang kaibigan ko? O mahalaga lang talaga si Vanna sakanya?
 
  

"A-ano ba 'yan? W-wala na-naman akong s-sakit..." Ano ba, Aya! Umayos ka naman! Hindi ka pwedeng pautal-utal kay Third baka makahalata sya sayo.



Kumunot ang noo nya habang nakatingin sakin, sinasabi ko na nga ba Aya e, pero nagulat ako ng ngumiti sya ang puti ng mga ngipin nya pakshet!! "Ang cute mo." Aniya at pinisil ang pisngi ko. What?!


 
Pwede na bang mamatay? Jusko, jusko, jusko! I can't breathe, pinisil ni Third ang pisngi ko, tas kinakausap nya rin ako.



"A-ah... salamat..." Nahihiya kong sambit sakanya, nakagat ko pa ang labi ko kaya napahiyaw ako ng mahina.



"Oh, Aya, Are you ok? Ah, by the way, I need to go! Pakibigay nalang ah? Thanks!" Aniya at tumalikod na.



Napatingin ako sa pinabibigay nya kay Savanna, isang Red ribbon na pagkain, cakes na maliit, oo nga pala, gutom na gutom na kanina si Vanna kaya naman pala pinaghatid sya ni Third. Ang sweet nya.





Pumasok ako ng classroom namin. Nakita ko na agad ang mga kaklase ko na magulo, may nagbabatuhan ng papel, may nag uusap-usap na nakapaikot ang arm-chair, may mga nagpapaganda, yung iba ay nagbabasa ng libro, nakita ko sila Vanna--na nakaearphones habang nakapikit ang mata may hawak syang ballpen na kulay pink.





Si Chadael naman ay nagma-make up, habang nakaikot rin ang arm-chair nila, Si Viona ay nakatingin sa cellphone mukhang nagbro-browse sa facebook, si Rica naman ay nakatayo habang tinitignan ang anggulo ng kanyang mukha, napatingin yata sya sakin kaya lumapit sya.





"Nandyan kana pala, bruha!" Aniya napatingin din sakin sila Viona at Chadael pero dahil nakaearphones si Savanna ay di nya kami narinig.


 


"Wow! Sinong nagbigay nyan ah? Si Third ba?" Nanlalaking sabi ni Chadael.





Napatingin ang dalawa sa hawak ko at nanlaki rin ang mga mata, "Hala oo nga! May admirer kana ba? Suitors? Bat dimo man lang sinasabi samin?" Ani Rica.





"Teka lang,, oo si Third nga ang nagbigay dito..." Mas nanlaki ang mga mata nila, kung malaki na ang mata nila kanina ay mas nanlaki ngayon.





"Omg!" "Hala why?" "Nanliligaw ba sayo?" Reaksyon nilang tatlo. Sana nga e para sakin.
 




"Oo si Third nga ang nagbigay pero hindi para sakin...." Kumunot ang noo nila.





"E? Para kanino yan?" Rica. "Oo nga?" Pang sang-ayon ni Cha. "Hmmm?" Si Viona.





Saktong nakita kong nagmulat ng mata si Savanna at inalis ang earphones sa tenga nya, napatingin sya sa gawi namin, tumayo sya at lumapit hawak nya parin ang cellphone nya at nakasabit ang earphone sa leeg nya.





"Nandyan na pala kayo di man lang kayo nagsabi." Aniya. Napatingin si Vanna sa hawak ko.

 



"Omg what is the meaning of this, Aya?! Explain please----"






"Para sayo." Sambit ko at binigay sakanya ang box na kulay pula. Kumunot naman ang noo nya.





Nalungkot ang mukha ng tatlo pero ngumiti lang ako, "Sinong nagbigay sakin nito, Aya? Sigurado kaba? Baka joke time 'to ah?"





"Hindi, si Third pinapabigay nya, gutom na gutom kana daw kasi e saktong bell na kanina kaya di ka na nya naabutan, kaya sakin nya na lang pinabigay." Explain ko.





Medyo may kirot sa puso ko nung sinasabi ko ang mga katagang 'yon, "Si Third talaga, kala ko gumagawa na sya ng moves sayo! Magpapa-party na sana ako."





Doon ako natawa sa sinabi nya, wala akong galit kay Vanna, hindi nya alam na may gusto sakanya si Third, well, kahit di pa naman sinasabi ni Third ay obvious naman na.





"BLOODSTONE!" Mabilis nagtransform ang mga kaklase ko dahil nakita namin ang umuusok na ilong ng prof. Namin. Gayon man ay nagtawanan nalang kami.

 



Ilan nalang mga estudyante ang nandito, wala na sila Vanna umuwi na sila, maaga silang sinundo ng driver nila, palabas nako ng room namin ng makita kong lumakas ang ulan.





Patay, kinapa ko ang payong sa bag ko pero wala akong makita, nakita ko na pakonti-konti nalang ang mga estudyanteng nandito. Paano na 'ko? I'll try to contact my driver pero duty nya ngayon, ang parents ko ay nasa ibang bansa.





"Aya?" Nagulat ako at muntik ng mapatalon sa gulat, "bat nandito kapa? Maggagabi na ah? Lakas pa ng ulan?"





Nakatalikod pa rin ako sakanya, naramdaman ko ang footsteps nya ngayon ay nasa harapan ko na sya. "Huy..." nakatingin lang ako sakanya, diko maalis ang tingin ko sakanya.





"Are you ok? Kanina kapa ganyan? Aya? Dika pa ba uuwi? Nasan ba driver mo? Five thirty pasado na," Napalunok ako parang di ako makapagsalita, parang pinutol ang dila ko.





"Aya? Mukhang dika ok, hindi ka nagsasalita e, hatid nalang kita? Gusto mo?" Doon ako nabalik sa wisyo ko.





"A-ah... wag na.." Pagtatanggi ko, "Sige na Aya, pagpapasalamat ko nalang sayo."





Wala na akong magawa kaya naman pumayag na rin ako, binuksan nya ang payong na hawak nya at nilakad namin ang campus, nababasa ako dahil di ako makadikit sakanya.





"Usog kapa dito, nababasa ka, baka mamaya ay magkasakit kapa." Ang sweet nya, naiinlove ako ng sobra, nagulat ako ng akbayan nya ako at pinagbuksanan ng pintuan ng kotse nya.





Umikot sya patungong driver seats, kapasok nya ay pinatay nya ang payong, tumingin sya sakin, "Taga san ka, Aya?" Sinabi ko ang address ko sakanya.





Nandito na kami sa harap ng bahay namin, "Here, hiramin mo muna ang payong ko, balik mo nalang bukas o kahit wag na."
 




Ang bait nya, "S-salamat third..." Ngumiti sya sakin kaya ngumiti rin ako.





Lumabas nako ng kotse nya at hinintay syang makaalis, nang napaandar nya na ay umalis na agad sya, napangiti ako sa sarili ko.





"Third... I love you!!!" Sigaw ko, pero malayo na sya at alam kong di nya narinig.





Minahal ko na talaga ang lalaking may minamahal na iba pero kahit sandali lang ang oras ay atleast nakasama at nakausap ko sya.





Kelegsxcz ang lola nyo!

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon