The Princess Secret Love 2
***
Savanna’s POV
Pababa ako ng hagdan habang nakasuot ng uniform buti naman at nagkaroon na ng uniform ang st. gerald kasi nung henerasyon nila nakacivilian lang sila at ayoko naman nun. Gusto ko rin maranasan ang magsuot ng uniform. Kulong na ako sa st. gerald since kindergarten hindi ako umalis doon. Maganda kasi, masaya, maraming ginagawa--pero hindi nakakapagod. Maraming friendly pero mas marami ang insecure yun lang ayoko sa isang school.
Nakita ko agad sila na nasa mesa at mukhang kababa din ng dalawa kong kapatid. “Good Morning!” Bati ko sakanila at hinalikan sila sa pisngi.
“Good morning princess.” Bati ni dad.
“Good morning baby..” Si Mommy talaga bine'baby pa ako.
“Good morning din princess.” Si Kuya talaga ang sweet pero bossy.
Napatingin ako sa kapatid ko na seryosong nakatingin sakin kaya napatawa na lang ako, “Good morning din ate.” Bati nya kaya napangiti ako at kinurot ang pisngi nya.
“Balita ko may nililigawan ka, JC?” Seryosong tanong ni daddy kay kuya Jayce. Kaya napatingin ako sakanila. JC ang tawag ni dad kay Kuya shortcut kasi gaya din kay Bunso na JD naman ang tawag. Sakin? Princess talaga eh.
“Hmm.. Yeah?” Nanlaki ang mga mata ko na may nililigawan na ang kuya. Anong nakain nito? Aba. Seryoso na.
“Mas maganda kung pakilala mo sya samin,” Ani Mommy na sinangayunan ko. Gusto ko ng malaman kung sino ang nagpapatibok ng puso ni kuya na gaya ng pagtibok ng puso ko sa isang lalaki. Excited na akong makita sya.
“Okay mom, not now... Dipa yun ready.” Tumango na lang si mommy sa sinabi ni kuya.
“Ikaw princess? Hindi ka pwedeng ligawan hangga't walang permiso samin.” Dad said. Napanguso naman ako.
“Walang nanliligaw sakin dad, takot na lang nila sa mga kapatid ko.” Seryosong sabi ko. Si kuya at bunso ang kontrabida sa lovelife ko. Lalapitan lang nila ako ay sasamaan na sila ng tingin ng dalawa kaya walang nagtatangka.
Nagkibit balikat lang si Kuya, “Dahil hindi pa pwede. Hindi pwede hangga't hindi dumadaan samin.” Kuya talaga.
“I agree.” Ani naman ng bunso namin. Napangiti na lang ako sa sobrang protective nila.
“Okay.” Yun lang ang nasagot ko. Ayoko pang sabihin sakanila na meron ng nagmamayari ng puso ko since grade two.
Mabilis akong nakababa sa kotse namin, naghiyawan, tilian, nakatingin samin ang mga STG pero walang pake ang mga kapatid ko na patuloy lang sila sa paglalakad pero ako ay nginingitian at binabati ko rin pabalik ang mga bumabati samin. Nakakainis naman ang dalawang 'to. Snob talaga.
Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad pero may lumapit sakin, “Princess Aria, para sayo.” Binibigyan niya ako ng chocolates na nakabox.
Kinuha ko yun, “Good morning, Thank you.” Ganyan lang ako sakanila pero hindi ako nagpapaligaw.
“Hindi pwedeng ligawan ang prinsesa namin. Naiintindihan nyo?” Seryosong sabi ni Kuya JC. Kahit kailan talaga. Hindi naman sila nanliligaw.
“Opo opo. Sorry po.” At umalis na yung mga lalaki. Ngumuso ako at nagkibit balikat kay kuya.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]