The Princess Secret Love 26
***
Savanna's POV
Tulala yata ako sa classroom hindi ako masyadong nakikinig sa teacher ko sa history, ano ba yan! Naguguluhan pa rin kasi ako sa inaasta ni Stan, hindi ako sanay na ganito ang treatment nya sakin, bakit? Stan naman binibigyan moko ng iniisip.
Kanina pa rin ako dinaldalan nila Chadael sa post ni Kuya ko, marami silang tinanong sakin pero maski isa ay wala akong nasagot, lumilipad yata ang isip ko. Hindi ko na rin alam ang mga tanong nila, na kay Stan lang ang isip ko ngayon, bakit ba kasi ginugulo nya ang isip ko?
"Miss Roseller?" Hindi ko alam kung bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin. Siguro nga ay? Baka pinaglalaruan ako?
"Miss Roseller!!" Pinaglalaruan? Oo tama! Dahil may girlfriend sya pero sinasabi nya yung mga ganon bagay! Napaka ano mo talaga stan!
"Miss Roseller, Are you with us?!" Bahala na siguro, pero yung sinabi nyang hinihintay nya lang ako hanggang matapos kami ng college jusko gustong sumabog ng puso ko. Baka gusto nya nako?
"Hays..." Bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin sakin kaya napakunot ang noo ko.
Kinalabit ko si Cha, "Anong meron?" Bulong ko sakanya.
Huminga sya ng malalim, "Bruha, kanina kapa tinatawag ni Miss, lagot ka bat kasi lutang ka?"
Nanlaki ang mga mata ko, nakita ko si Stan na nakayuko lang at pinaglalaruan ang ballpen sa mesa nya. Nakita ko ang galit na mukha ni Miss kaya napayuko ako. Patay na.
"Kanina ka pa lutang Miss Roseller, almost five minutes na kitang tinatawag but you didn't answer me. Then tell me? Why?! Gusto mo bang makarating 'to sa Daddy mo?" Nanlaki mga mata ko. Samin lahat si Daddy ang pinaka strict pagdating sa grades.
"M-miss, I'm sorry... I promise, dina po mauulit!" Nakakahiya, nandito pa naman si Stan tas pinapagalitan ako ng terror na teacher na 'to.
"Give me a valid reason, Miss Roseller!" Sigaw nya, napapikit ako ng mariin.
Why need to shout at me? Duh, hindi naman ako bingi, "A-ah.. Because..."
"Wala syang sapat na tulog Miss, nagkausap sila ng Dad nya kagabi, nagkaroon sila ng kaunting problema, not a valid reason? Hell as if I care, Talk to her dad if you want." Then he walked out.
Lahat kami nakatanga, si Stan? Lagi nalang sinasagot ang mga teachers na nag aaway, sumisigaw sakin, naguguluhan na 'ko stan bat ayaw pa kasi nyang sabihin sakin kung ano ba talaga? Ayokong paglaruan nya ang feelings ko, natatakot ako na baka pinaglalaruan nya lang ako. Hindi ko maisip na magugustuhan ako ng isang Lazarus, hindi dahil may chance, kundi may girlfriend sya. Speaking of his girlfriend? Wala na 'kong balita sakanya.
Okay! Maghihiwalay din kayo. Wala naman forever e, sounds bitter? So what? Hays! Bat ba nagtataray ako? Nahawaan na yata ako ng kamandag ni Stan Lazarus.
"Taray 'te, kita mo reaksyon kanina ni Miss? Nung sinagot sya ni Nyl parang sasabog sya sa galit! Hahaha." Humagalpak pa ng tuwa si Aya.
"Yieee, kinikilig ka no? Si Nyl ang gusto mo? Wag mo ng ideny samin, huling huli kana." Bulong mula sa likuran ko at nakita ko si Chadael na nagliligpit na ng gamit.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]