The Princess Secret Love 34
***
Savanna's POV
Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Clayara na prince charming ko raw si Stan. At teka bat nya naman nasabi na Constanine and Savanna yung ibig sabihin ng nakaburdang pangalan dun sa panyo?
Niligpit ko ang gamit ko na nakakalat sa desk, pinasok ko yun sa shoulder bag ko atsaka kinuha ang phone ko. Tinignan ko 'to kung may message si Tres pero wala pa rin. Bale isang linggo na rin syang wala.
Huminga ako ng malalim at naglakad palabas ng room. Napatingin ako kila Aya at Cha na naguusap. Nilapitan nila ako.
"Nasan sila Viona at Rica?" Tanong ko sakanila. Nagkibit balikat si Cha.
"Hinahanap nga rin namin eh." Aniya. Nakita kong tahimik pa rin si Aya hindi sya nagsasalita siguro ay nalulungkot pa rin sya.
Ngumiti ako kay Aya nung napatingin sya sakin, "Everything will be alright, Aya."
Ngumiti sya sakin at niyakap ako, "Namimiss ko na sya... parang di kumpleto ang araw ko pag diko sya nakikita..." Pakiramdam ko ay umiiyak na sya.
Pumunta ako sa swimming room sa school may dala naman akong swim suit eh kaya naman irerelax ko muna ang sarili ko. Nagpalit ako ng damit na swim suit.
Nagposisyon ako sa may pool atsaka na ako tumalon, habang lumalangoy ako ay iniisip ko yung mga sinabi ni Clayara at ang sinabi sakin ni Tres.
"Tres bakit ako pa ang minahal mo? Alam mong hindi kita kayang mahalin pabalik dahil may minamahal na ako..."
Inahon ko ang ulo ko at nagstay sa may gilid, nakatungkod ang mga braso ko sa sahig ng gilid ng pool. Huminga ako ng malalim at lumangoy ulit.
Ngayon naman ay si Stan ang iniisip ko, totoo kayang may gusto rin sakin si stan? Mahirap paniwalaan, mahirap mag conclude agad agad ng hindi kapa nakakasiguro.
Kalabas ko ng swimming room ay nakita ko agad sila Carson. Naninibago ako dahil wala roon si Tres. Ngumiti sila sakin atsaka nagstop. Niyaya nila ako sa may tabi.
"Kamusta Vanna?" Tanong ni Carson. Basang basa pa rin ang buhok ko.
"Pag talaga nae-stress ka alam na alam namin." Ani Ethan.
"Paano?"
"Nagswi-swimming ka, kaya Vanna wag kang mag alala kay Steven, he's okay, kilala natin siya hindi sya mahina..." Ani France.
"Alam nyo ba kung nasan sya?" Hindi sila nagsalita sakin, siguro alam na nila.
"Oo, pero sorry Vanna ayaw niyang pasabi." Si Christian na nagsabi.
"Bakit naman? Please gusto ko syang makita?" Umiling silang apat sakin.
"Alam na rin namin ang dahilan nya... Nasaktan sya Vanna kaya deserve nyang lumayo muna."
"Ilan beses na rin sinabi sakanya na mauunahan sya pero di sya nagpatinag, tinago nya pa rin sayo..."
"Una na kami Vanna, may gagawin pa kami sa soccer field." Aniya atsaka na ako nilagpasan.
Pakiramdam ko ay unti-unting nawala ang pangamba ko pero gusto ko pa rin syang makita, gusto kong makita kung ok sya hindi kasi ako mapakali kapag sinabi lang.
Napasimangot nalang ako atsaka na ako nagsimulang maglakad patungo sa cr para mag ayos, nag ayos ako at lumabas na rin ng restroom.
Tumungo akong music room. Gusto kong tumugtog ng instrumento kinuha ko ang piano atsaka doon na ako pumesto at tumugtog na ako ng kanta.
Natapos akong tumugtog, "Yung pagpindot mo sa piano ay medyo hindi pa gaano kagaling kaya nagiging sintunado." Napalingon ako sa nagsalita.
Nakita ko syang naglalakad sa may gawi ko, "Ah mali ba?" Tanong ko sakanya.
Tumango sya sakin, "Masyado kang malamyang pumindot."
Sinara ko ang piano atsaka sumimangot, "Ganun ba? Hehe." Nahihiya tuloy ako sakanya.
"Nakasama mo si Clayara kahapon?" Nagulat ako nung tinanong nya sakin.
"Ahh... ano... paano..."
"Nadulas sakin si Clayara." Aniya atsaka binuksan ulit ang piano. Napanguso naman ako. "Marami raw syang nakwento sayo..."
Hindi ako makasagot naalala ko tuloy yung CandS, napaiwas ako ng tingin. Tanungin ko kaya sya?
"Hm... Stan?"
Tumingin sya sakin pero iniwas nya rin agad nagsimulang tumugtog. "Yu--yung... panyo noon... naalala mo pa?"
Nakita kong natigilan sya, "Yu..yung may nakaburdang CandS?"
At this time napatingin na sya sakin, "Anong ibig sabihin nun, stan?"
Umiwas sya ng tingin sakin, "W...wala yun..."
"Ang sabi ni... ang sabi kasi ni Clayara...." Hindi ko masabi sakanya.
Bigla syang tumayo at umalis na ng music room. Nagtaka ako sa kinilos nya pero nagkibit balikat nalang ako at nagpiano nalang ulit.
"May nakarinig daw sainyo ni Third na nag uusap Vanna..." Nagulat ako sa sinabi ni Viona.
Hindi kaya nalaman na nila yung totoo, "Ang sabi mo wala kang alam kung bat sya umalis pero yun pala dahil sa pag confess nya sayo!" Umiiyak na sabi ni Aya.
Nagulat ako sa sigaw nya, lumapit ako sakanya, "I'm sorry Aya... ayokong itago sayo pero... ayokong masaktan ka, Aya..." Pakiramdam ko ay maiiyak nalang ako.
"Pero nasasaktan na ako Vanna! Mas gusto kong malaman yung totoo galing sayo kaysa galing sa iba!" Niyakap ko sya pero inalis nya ang kamay ko sakanya.
"Aya please... let me explain... nagulat din ako nung mga panahon na yon.. hindi ko alam na may feelings sakin si Tres.."
Natuwa naman sya, "Hindi ko alam kung kaya ko munang kausapin ka. Alam kong hindi mo alam na may feelings sya sayo pero ako alam ko! Hindi ko muna kaya Vanna! Nasasaktan ako!" Aniya atsaka na sya tumakbo palabas ng room.
Naiwan dito yung tatlo, "Susundan lang namin." Ani Viona at sinama si Rica kaya ang naiwan dito ay si Chadael.
"Ang tanga ko, Cha..." Sambit ko at tumulo ang mga luha ko, lumapit sakin si Cha at niyakap ako.
"Alam ko ang nararamdaman mo Vanna at alam ko rin ang nararamdaman ni Aya, everything will be alright sabi mo nga samin diba?" Humiwalay sya ng yakap atsaka sya ngumiti.
Tumayo sya at lumabas na ng classroom, ngayon naiwan ako rito, huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko, tumayo ako at lumabas na rin ng classroom.
Habang naglalakad ako sa hallway ay uwian na pala hindi ko napansin wala na rin mga tao rito, konti nalang yung iba ay couples nalang.
Dami kong iniisip ngayon si Aya at si Tres. Si Aya na hindi ako pinapansin, galit sya sakin dahil sa ginawa ko. Biglang may humila sakin sa may gilid at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Stan yun.
Nakatingin lang sya sakin at parang may gusto syang sabihin. "Tinanong mo sakin ang ibig sabihin ng pangalan nakaburda sa panyo..."
Bigla akong kinabahan, ngumisi sya sakin at kinorner ang dalawang kamay nya sa pader. "Ang ibig sabihin nun ay...."
Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sakin, nanlaki ang mga mata ko, napapikit na ako at naramdaman ko ang labi nya sa labi ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako mapakali, parang gustong sumabog nito.
Nagtagal ang halik nya sakin atsaka na sya humiwalay kaya napamulat ako, "Constantine and Savanna..."
Ngumisi pa sya atsaka na sya naglakad palayo sakin. Napahawak ako sa labi ko. Hindi ba ako nananaginip?
Napatingin ako sa may gilid at nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata, nakayukom ang kamao nito. Tumingin sya sakin ng matagal atsaka na sya nagsimulang lumakad.
"Tres?" Sinubukan ko syang habulin pero hindi ko na sya makita.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]