Chapter 14: Tampuhan

29 3 0
                                    

The Princess Secret Love 14




***

Savanna’s POV

 


Naglalakad kami palabas nila tres, natapos kaming maglunch at napagdesisyunan namin na lumabas muna at pumunta sa may bench.


Umupo ako sa may bakal pero yung iba nakatayo lang ang nakaupo lang ay sila tres at Christian. Nagpapagwapo daw ang tatlo sa dadaan na chixx.


“Wala naman maganda dito sa STG bukod sayo.” Ani Carson habang nakatingin sa mga dumaan.


Sinamaan ko agad sya ng tingin, “Anong klaseng mata meron kayong mga lalaki meron kaya, kilala mo yung classmate kong si Chadael? Yun maganda yun! Ang bulag mo naman.” Napatingin ako sa daan at saktong nakita ko si cha.


“Speaking of... ayan oh. CHA! Come here!” Napatingin naman sya sakin. Sinamaan ako bigla ng tingin ni carson pero ngumisi lang ako.


Lumapit naman si cha mukhang nahihiya pa sya, “Hi vanna, b-bakit?”



Narinig ko pa ang tawanan nila pero si carson ay nakasimangot lang sakin, “Ano kasi...” Tinignan ko si carson at pinaglakihan ako ng mata.



“Pinapatawag ka ni Mrs. Ho, pero wait bago ka umalis papakilala muna kita sakanila...” Tumayo ako at lumapit kay Cha.



“Cha meet ethan, france, christian, steven and carson and guys meet Chadael Cylli.” Nakipagshake hands naman sila nung kay carson na ay biglang namula si cha.



“Nice to meet you, una na ako ah?” Tumango na lang sila kaya pati ako ay tumango na rin sakanya.



Nung nakaalis na sya ay tumingin ako kay carson ay bigla nyang kinurot ang pisngi ko, “Pasalamat ka lang talaga!”



Huminga ako ng malalim at umupo ulit. Pumasok na naman sa isip ko yung nakaburdang letters dun sa panyo ni stan. Kay stan nga ba talaga yun? Malakas ang kutob kong sakanya yun. Pero dun pa rin ako sa letters nacu-curious gusto ko syang tanungin kaya lang baka naman masaktan lang ako. Wag na lang.



“Ay natulala? Iniisip nya siguro yung mga letters. Wag ka ng umasa!” Pagganti sakin ni carson kaya sya ang sinamaan ko ng tingin ngayon.



“Shut up carson!” Sumimangot pa ako pero tumawa lang sya sakin.
 




“Clayara at stan talaga yun eh.” Natatawang sabi nya ulit. Napasimangot na ako at tumingin kay tres.





“Tres oh.” Pagsusumbong ko. Napatingin naman sakin si tres nag puppy eyes pa ako para naman pagtanggol nya ako.





Tumingin sya kay carson, “Dude. Stop.” Aniya at bigla akong inakbayan na kinahinto ko.





Narinig ko na ibang bulungan ng estudyante pati na rin ang mga asar nila carson, “Ulol. Gusto mo lang makachansing!”





May biglang tumikhim kaya napatingin ako sa gawing yun, nanlaki ang mga mata ko, “S-stan?”





“Yow bro. Bakit? Sinusundo mo ba ako?” Ani carson kay stan. Sarap sapakin nito.





“Nah,” Aniya at tumingin sya sakin, “May practice. Let's go.” ano daw?





“Kakasabi mo lang wala diba?” Nagtatakang tanong ko, kita kong nagpoker face sya.





“I've changed my mind.” Wala na akong magawa kundi tumayo at magpaalam kila tres.





Kita kong may lungkot sa mga mata ni tres, ngumiti lang ako sakanila, “Magpra-practice daw kami. See you later.”





Tumango lang sila sakin, humarap na ako kay stan pero naglakad na sya kaya sinabayan ko. “Bakit bigla yatang nagbago isip mo?”





Hindi nya ako sinasagot, “Stan, I'm asking you.” Huminga ako ng malalim.





“Ang pangit kasing tignan kapag kasama mo puro lalaki.” Aniya na kinatigil ko sa paglalakad.





Kumunot ang noo ko, “What did you say? What do you mean?” Tumingin sya sakin.





“Hindi naman kayo ni steven diba? Bakit sya nakaakbay sayo? Tapos kasama mo pa puro lalaki ano na lang iisipin ng mga tao sa paligid? You're a bitch?”





Napintig ang tenga ko sa narinig ko, hindi ako nakapagsalita agad parang may bumara sa lalamunan ko, bakit nya sinasabi sakin 'to? “Mali na bang pakisamahan ang mga anak ng bestfriend ng daddy ko huh, stan?”





“Masama lalo na lalaki nga sila tas ikaw pa ang babae sakanila! Pero inaakbayan ka nya tas wala kayong relasyon!”





Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis, “Alam mo ikaw lang naman nag iisip nyan eh! Sige, mas magands siguro kung next time na lang tayo mag practice. I've changed my mind, too.”





Sinamaan ko sya ng tingin at tinalikuran na, hindi ko sya kayang makasama ngayon kung may tampo ako sa puso ko, hindi ko inaasahan na yun ang nasa isip nya. Bakit bigla syang nagkaganon? Hindi naman big deal sakin ang pag akbay ni tres dati na nyan gawain yun pero bakit ngayon lang sya nagreact?





Naglalakad lakad lang ako at nakita ko ang kapatid ko na nakaupo sa may bench malalim ang iniisip kaya nilapitan ko, “Hi bunso. Lalim ng iniisip natin ah?”




 
Tumingin sya sakin at may lungkot yung mga mata nya, “Hello ate,” Malumay na sabi nya.





Napataas ang kilay ko, “May problema ba ang bunso namin? Baka pwede mong i'share kay ate?”





“May gusto akong babae ate..” Hindi na ako magugulat nabasa ko na ito sa facebook.





“Pero bata ka pa bunso, sino ba yan? Paano mo sya nagustuhan? Taga rito?” Sunod sunod ko na tanong.





Umiling sya, “No, di sya dito nag aaral, mabait kasi sya nung nakita ko sya isang beses nahulog na agad ang loob ko sakanya, mukha syang dyosa ate halos magkapareho kayo, kahit naman bata ako ate pwede naman akong magmahal, ang sakit lang kasi may boyfriend syang taga rito. Akala ko pa naman nun single sya at in stalk ko sya sa facebook halos magkakasama sila lagi, may pictures pa ng magulang nila kasama ang boyfriend, ganon na ba sila ka close sa family nya..”





Napakunot ang noo ko, halos pareho ng kay stan ang nakita ko, “Sino ba kasi yan bunso?”





Tumingin sakin si JD, “I can't tell now, ate. Sorry.” Tumango naman ako. Naiintindihan ko sya ako nga diko pa masabi sakanila yung samin ni stan.





“I understand, bunso.” Ngumiti pa ako napatingin ako sa relo ko at oras na ng pasok niya. “Mala-late kana.”





Napatingin sya sa relo nya at biglang tumayo, “Hala oo nga, bye ate! See you later! Please ikaw lang nakakaalam nya ah?” Pagpapaalala nya at hinalikan ako sa pisngi at tumakbo na paalis.





Ang bunso namin may nagpapatibok na ng puso nya hindi na talaga bata ang pag iisip nya, nagmamatured na sya. Sa kabila ng pag iisip ko napatingin ako sa may sulok at nandun si stan nakatingin sakin. Napataas ang kilay ko, nagtatampo pa rin ako sakanya kaya kinuha ko ang shoulder bag ko at umalis na.





Iniisip nya bang bitch ako? Sht. May biglang humawak sa braso ko kaya napatingin ako sakanya, ang mga namumungay nyang mata, “Practice na tayo...” Malambing nyang sabi.





“Ayoko muna... Ikaw na lang mag isa. May pasok pa ako kailangan ko ng pumasok.” Sabi ko at inalis ang kamay nya sa braso ko.





“May pasok? Classmate mo ako. Alam ko ang schedule,” Napatampal ako sa noo ko. Oo nga pala.





“Paki mo ba! Akala ko bang bitch ako? Layas! Baka anong isipin ng mga tao!” Tinalikuran ko sya pero sinundan ako.





“Aria!” Tawag nya pero diko pinansin, pabebe muna daw. “Kung pwede idaan sa sorry pwes nag sosorry ako kahit ilan beses basta mag practice lang tayo... Im sorry aria. Diko sinasadya yung sinabi ko kanina. Nadala lang ako lalo na wala pa ako sa mood at medyo badtrip ako kaya nadamay kapa. Sorry na... wag ka ng magtampo.”





Napahinto ako, nagsosorry ba sya? Teka anong nakain nito? Ang haba ng sinabi nya ah? Tapos sinundan nya pa ako? Aba! What is the meaning of this?





Humarap ako sakanya, “Okay lang. Tara practice na.” Nagwink pa ako sakanya.





Nakita kong napangiti sya sa sinabi ko kaya tumango sya at sumabay na sakin patungong music room. Eto na ba ang pagbabago samin dalawa? Posible kayang maaalala at mahalin nya na din ako?





SANA.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon