Chapter 23: Activity
***
Savanna's POV
Nakangiti akong nakatingin sa boteng hawak ko, nakasubsob ako sa mesa sa labas ng bahay namin sa garden na may duyan.
Nag in-direct kiss na kami ni Stan, kahit indirect lang yon atleast nagkiss kami, hihimatayin yata ako sa kilig. Kahit alam nyang baliw ako sakanya ay lalo nya akong binabaliw ngayon. Paano kung totoong halik nga yon? Edi namatay na ako.
"Bat ka ngumingiting mag isa ate? Para kang baliw." Napatingin ako sa kapatid ko na si JD.
"Anong nakangiti? Hindi no. Baka guni-guni mo lang yon." Napapaiwas na tingin na sabi ko.
"Hindi e, nakangiti ka habang nakatingin sa bote, ang weird mo ate, para kang nababaliw.. malala kana yata..." Sinamaan ko ng tingin si JD.
"Anong meron dito? Nandito pala kayong dalawa hindi nyo man lang sinasabi." Napatingin ako sa gawi ni Kuya.
Ngumiti ako sakanya, "Actually, ako lang ang dapat na nandito pero biglang sumulpot si JD, kararating lang din nya Kuya." Tumango si Kuya at tumabi sakin habang si JD ay nasa harapan namin.
"Kamusta na kayo? Medyo nagiging busy na yata kayo?" Tanong ko sakanila.
"Ok lang ako, mataas pa rin ang grades ko," Sagot ni JD.
"Ok lang din ako, ok lang kami ni Ezra." Tumango ako kay Kuya. Napangiti ako dahil mahal nya talaga si Ezra.
"Teka..." Sabat ni JD. "Kamusta kayo ni Nyl? Mukhang nagiging close na kayo nung Nyl na yon, ate ah. Ayoko sakanya, sinasaktan ka nya."
Napangiti naman ako doon, "JD.." napanguso ako, "Hayaan mo si Princess na magdesisyon para dyan... Kung mahal nya talaga let her be," Seryosong sabi ni Kuya.
"Ah! Basta wag nya lang sasaktan ang kapatid natin kundi makakatikim talaga sya! Etong mga kamaong 'to dadapo talaga sakanya!" Habang pinapakita pa ni JD ang mga muscles at kamao nya.
Napailing nalang si Kuya JC, at natuwa naman ako kay JD. Kahit kailan talaga napakaprotective nilang lahat.
"Wag ka ngang pilyo, JD!" Natatawang sabi ko. Napakamot na lang ng batok si JD.
"Gabi na gising pa kayo, mapupuyat kayo at baka hindi pa kayo makabangon ng maaga." Napatingin kami sa nagsalita. Nakita ko si Mommy at daddy na nakangiti samin.
"Mom! Dad! Dito po kayo," Sabi ko sakanila. Ngumiti lang sila at naglakad patungo samin.
Umupo si Mom sa tabi ko at si Dad naman ay sa pwesto ni JD, Bale dalawa lang si JD at Dad tapos tatlo kami nila Kuya at Mom.
"Naaalala ko sainyo ang kabataan namin ng Dad mo, katulad din ng mga tito-tita nyo, mga kaibigan ng Dad mo. Magkakasama kami lagi, diba hubby?"
"Yes wifey...." Napangiti ako sa tamis ng pag iibigan nila mom and dad wala talaga silang kakupas-kupas.
"Hindi ko alam na kay Daddy nyo pala ang bagsak ko kasi ang mahal ko non ay ang Tito Clark nyo, sya ang gustong-gusto kong mapangasawa noon..."
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
Любовные романыNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]