Chapter 28: Spy

21 0 0
                                    

The Princess Secret Love 28




***

Savanna's POV




"Uy tres, salamat dun sa binigay mo kahapon ah?" Pagpapasalamat ko sakanya diko kasi sya napasalamatan kahapon dahil maaga kaming umuwi nila kuya atsaka may ulan kaya naman nagmadali sila kuya.


"Basta para sayo lahat gagawin ko, princess.." Hindi ko masyadong narining yung sinabi nya, dahil nasa waiting shed kami kung saan maraming sasakyan na dumaraan.



"Ano tres?" Pag uulit ko.




"Wala, haha. Tara na baka malate pa tayo." Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sakanya.



Parang may hinahanap ang mga mata ko at hindi mapakali ito, ikot lang ng ikot ang paningin ko ngunit wala pa rin akong makitang maski anino nya, napanguso ako at patuloy nalang na naglalakad.



"Masakit pala na kapag yung taong mahal mo kasama mo pero iba ang hinahanap." Bulong ni tres sa tabi ko, napatigil ako sa sinabi nya.



Kunot noo akong tumingin sakanya, ano daw? "Ano tres? Kanina kapa bumubulong-bulong hindi ko naman marinig."



"Pati nga tibok ng puso ko dimo marinig."



"What?"




"Wala, haha, wala yun guni-guni mo lang mga naririnig mo, kumakanta kaya ako, Lalalalala~" Napailing nalang ako at napatawa.



"Tara na nga malate pa tayo kahit kailan talaga!" Hinila ko na sya at mabilis na kaming naglakad patungo sa classroom namin.



"Bye tres! Ingat! Bilisan mo malalate kana." Sabi ko, nasa harap ng classroom.


"Tinataboy mo na ko?" Nakanguso pa sya, "Joke lang, sige ingat princess, sabay tayong maglunch?"



"Osige, pero magkaiba yata tayo ng oras ng labasan tres, nauuna kayo ngayon ng 20 minutes diba?"



"Basta ikaw, hihintayin kita. Bye." Tumalikod na sya kaya pumasok nako ng classroom.



Ibang-iba ang kilos ngayon ni Tres parang nagiging jolly sya, hindi naman sya dating ganun. Ang hirap i-examin ni Tres, mas mahirap pa pala kay Stan.



Speaking of stan, tumingin ako sa upuan nya ngunit wala sya, nasan kaya yon? I'll try to message him pero walang reply.



Nagbrowse ako sa facebook, nakita ko ang mga post ngayon ng ibang taga STG.



Do you like messi?
Do you like mess?
Do you like mes?
Do you like me?



Ano yung messi? Nagbasa ako ng comments di rin ako makasabay kasi kdrama naman pala e, hindi ko naman masyadong hilig ang kdrama, di ako tulad ng mom ko pagdating sa mga likes/dislikes.



Si mom, adik na adik sa kdrama yon, natigil lang nung nakilala nya si Dad ko, kwento lang sakin ni mommy. Swerte ko talaga sa family ko nagmamahalan kami, parang walang problema ang isa't isa.



Nagscroll down pa rin ako, nagkwe-kwentuhan sa tabi ko sila Chadael kaninang dumating ako ay nagbeso-beso kami. Nakita ko ang post ni Clayara.



The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon