The Princess Secret Love 10
***
Steven’s POV (Tres or Third)
“So, wala ka talagang balak umamin?” Tanong ni carson. Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa-isa.
“Kapag umamin ba ako mababago ko nararamdaman nya? No, so, wala akong balak. Ayokong masira kung anong meron kami.”
Sumandal ako sa pader. Tinitignan ko ang bawat estudyante na dumaraan at hinihintay na rin ang paglabas nya.
“Wala lang sayo na magka-partner sila sa singing contest? Pwedeng ma'fall si Nyl sakanya. Hindi mahirap mahalin si Vanna, alam mo yan steve.” Ani Ethan.
“Alam ko,” Tumingin ako sakanila, “Ano ngayon kung magka-partner sila? Wala akong magagawa---”
“Oww. Talk to yourself, third. Alam mong magagawan mo yan ng paraan.” Umiling pa sya at umalis na.
Nawala sila sa paningin ko, napangiti ako ng mapakla, tama naman sya posibleng mahulog ang loob ni Nyl kay aria. Yun ang ikakasaya ni Aria doon ako. Her happiness is my happiness.
Nakita ko si Nyl na naglalakad mag isa. Nakapamulsa at hawak ang isang strap ng bag. Walang ano-ano ay nilapitan ko sya.
“Alam mo ng magkapartner kayo ni Aria sa singing contest.” Napatigil sya sa pagsasalita ko. Hindi sya sumagot.
“Naisip ko lang na pasayahin mo si Aria kapag magkasama kayo sa practice. Wag mong bigyan ng dahilan para malungkot. Alam kong hindi mo sya gusto pero binabalaan kita.”
Napatingin sya sakin at biglang ngumisi, “Masaya si Aria kapag kasama ako. Hindi mo na ako kailangan pang balaan. Alam ko ang ginagawa ko.”
Ngumisi ako ng mas malaki, “Malaman ko lang na sinasaktan mo sya hindi ako magdadalawang isip na agawin sya sayo.”
Binitiwan nya ang strap ng bag nya at nilagay ang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya, “May aagawin ka ba sakin?” Napatawa sya ng mahina.
“Ingatan mo hangga't na sayo pa baka kasi bukas wala na sya sayo.” Yun ang huli nyang sinabi bago maglakad ulit pero bigla syang huminto.
“Isipin mong mabuti ang sinabi ko.” At tuluyan na rin umalis sa harap ko.
WHAT THE FVCK? Ano ang sinasabi nya? Ingatan ko hangga’t na sakin pa? What the hell he was talking about?
***
Savanna’s POV
“One, two, three, four and five.” Bilang ng naggro-group selfie sa classroom namin.
“Ang tagal mo naman mag click! Nangawit na ang panga ko kakanganga. Dapat hanggang three lang ang bilang!” Reklamo ng isa sakanila.
“Ah ganon ba? Edi take two!” Sabi ng may hawak ng cellphone. “Huwag na, balik na lang tayo sa upuan. Malapit na si ma'am.”
Iniwas ko na ang tingin sakanila at nakita ko ang dalawang babaeng nakatingin sakin ng masama. Sinubukan kong tumingin sa likod pero ako lang naman ang nandito kaya sakin sila nakatingin.
Lumapit silang dalawa sakin at nag crossed arms. “Ang saya mo yatang ka-partner ang isang hot and handsome guy ng STG, Princess.”
“Akala mo hindi namin alam ang HD mo kay, Nyl?” Ngisi ng isa. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
“Alam mo naman na may girlfriend sya diba? Aasa ka na lang ba? Akala ko ba spoiled brat ka? Nakukuha ang lahat ng gusto mo pero bat di mo sya makuha?” Nanggilid ang luha ko. Anytime pwede na itong bumagsak.
Ramdam kong pinagtitinginan na kami meron mga naiinis sa nagbubully sakin meron din ang masaya marami nga kasing may ayaw dito sakin, “Bakit di mo na lang tanggapin na hindi ikaw ang gusto nya? At kahit kailan hinding hindi ka nya magugustuhan!”
“Sinong nagsabing hindi?” Nanlaki ang mga mata ko sa nagsalita. Kahit di ko pa sya nakikita alam kong sya ‘yan.
“Kasi diba may girlfriend kana, baka mamaya i'seduce ka nya at maghiwalay pa kayo ng girlfriend mo.” Sabi ng isa. Kinagat ko ang ibabang labi ko.
“So? Problema mo ba yon? Last time I checked I didn’t know you, wala kang pakealam samin. Manahimik ka dyan kung ayaw nyong ako ang makalaban nyo.” Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin patayo at nilabas sa classroom.
Hila hila nya lang ako hanggang sa makarating kami sa likod ng school, “Sa susunod wag kang masyadong mabait.”
Napatingin ako sakanya at nakatingin lang sya sakin, “Salamat, stan.” Ngumiti pa ako.
Umupo sya sa tabi ko parang kahapon lang nandito kaming dalawa ngayon magkasama ulit kami. “Gusto mo kwentuhan na lang kita?”
“Magkwe-kwento ka pero iiyak ka? Huwag na lang.” Napatingin ako sakanya.
“Napaiyak ako dahil sa nangyari doon sa kwine-kwento ko, nadala lang ako ng emosyon. Basta maikli lang ito. Kwentuhan pa rin kita.”
Huminga ako ng malalim, “Once upon a time, The princess fell inlove with the person who can’t love her back. The End.” Ngumiti pa ako sakanya.
“Ang ikli diba?” Napailing na lang sya sakin. Siguro iniisip nya na ang weird ng kwento ko.
“Oo nga pala stan. Alam mo na ba yung tungkol sa announcement? Partner tayo sa singing contest.”
Tumango sya at binuksan ang dala nyang softdrinks na in can, binigay nya sakin ang isa kaya tinanggap ko. “Yeah. Kanina ko lang nalaman.”
“Nung binubully ako? Doon mo nalaman na partner---”
“No, may nagsabi sakin pero hindi ko na lang babanggitin kung sino.”
Tumango ako, “First song natin ang King and Queen of hearts okay? Ano kayang maganda pang isang kanta? Dalawa daw eh.”
“King and Queen of hearts?” Tumango ako sakanya at ininom ang binigay nyang inumin.
“Yeah, sila ang nagbigay nyan. Pero may chance pa tayong mag isip ng isang kanta pa pero may napili na ako.”
“Ano yung napili mo? Siguraduhin mong kaya mo ah?” Napasimangot naman ako.
“Ah ganon? Naisip ko na baka pwede ang nothing's gonna stop us now. Salitan yun ng girl and boy, ibahin natin ang pagkakakanta. May week tayo para mag practice.”
“Yun ba? Baka hindi mo kayanin ang taas.” Inasar nya pa ako kaya napasimangot ako.
“Ah talagang inaasar moko? Bahala ka nga dyan!” Tumayo ako at tinalikuran sya.
“Wag mo nga akong tinatalikuran dyan...Oo na payag na ako. Under yata ako nito ah! Hoy bati na tayo, Aria.”
Nagsimula akong maglakad bahala sya. Wala ba syang tiwala sakin na kaya kong katahin yun? Atsaka ano? Bati na? A-yo-ko.
May humawak ng braso ko kaya napatingin ako sakanya. Kita ko ang makapal nyang kilay at pilik mata nyang mahahaba, ang dimples nyang sobrang lalim at ang mapula pula nyang labi.
“Magtititigan na lang ba tayo dito? Sakin okay lang.” Doon ako bumalik sa normal na pag iisip kaya binawi ko ang braso ko.
“B-bahala ka dyan. Magpra'practice akong mag isa.” Tumalikod na ako pero bigla nya akong hinila.
“Teka saan tayo pupunta?” Tanong ko habang hinihila nya ako.
“Sa tingin mo kaya mong magpractice mag isa? Tara na sa music room.”
Napangiti ako sa inasal nya. Away-Bati naman pala kami akala ko aawayin nya ako kasi tinalikuran ko sya at mukhang ayaw nya pa nung song na napili ko pero bandang huli ako rin ang nagwagi. Wala ka pala stan eh. Under ka pala sakin. Teka under? Bakit sya magiging under?
“Tama na kakaisip tara na. Tch. Baka gusto mong buhatin pa kita dyan?” Sumimangot ako at sumabay na sa paglalakad sakanya.
Mukhang nagbabago na ang ihip ng hangin ah? Dating ibang direksyon ngayon nasa iisang direksyon na lang.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]