The Princess Secret Love 25
***
Savanna's POV
Nakatingin pa rin ako sa post ni Kuya Jayce ko, nanliliit ang mga mata ko, bat agad syang nakapagpost!
JC Villamar Roseller
Right to court my lil' sis? What the hell? - Savanna Aria Roseller
Carson: Wow! Hanep! Totoo ba to?
Chadael: Omg Sis! This can't be real!
Viona: Right?! Pwede ng ligawan si Vanna?!
France: Ah! Pwede ng ligawan nung isa dyan!
Ethan: Steven Third Lee Pre di kita pinapatamaan pero puta nababasa mo ba ang nababasa ko? Pwede ng ligawan si Vanna. Pwede na pre!
Christian: Hahahahaha, Tangina mo talaga Ethan!
Steven: (-_-) Ethan.
Red: So, may pag asa na ba ako princess?
Rica: Sis!!! Congratssssss!!!
Aya: Hays, sabi na nga ba! This is it!
Savanna: No comment.Wala na talaga akong ma- comment sa post ni kuya ko sa dami ng nagcomment, gusto kong pabura kay Kuya but it's too late mabilis talaga kumalat kapag social media. Paano na ako bukas?
Napukaw ng atensyon ko ang post ni Stan, lalagpasan ko sana pero curious ako kaya binasa ko nalang.
Nyl Lazarus
The game will start now. I'll win you, My Princess.
Kumunot ang noo ko gusto kong magcomment pero wala akong lakas ng loob, kaya nagbasa na lang ako.
Chadael: Nyl ano 'to? Ano 'to?
Reya: Omg! Connected ba 'to sa post ng Kuya ni Savanna?
Aya: Ang talino mo Reya! Siguro nga! Wow. Intense!
Jerome: My Princess?
Ashley: Huhu my heart </3
Claire: Sino 'to? Omg! Diba may girlfriend kana?!
Kalokohan! Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ng comment maglo-log out na sana ako ng biglang may nag pop up na message sakin.
Nyl Lazarus
Don't worry, I'll win the game, Aria.
What.the.hell. Ano daw?! Ano daw ang sinabi nya? Nanginginig ang mga kamay ko, ano bang ibig nyang sabihin? Anong game ang sinasabi nya? Ano 'to? Stan ano ba?! Hindi na 'ko nag reply at sineen nalang sya dahil nanginginig mga kamay ko at mabilis ang tibok ng puso ko.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko, hindi ako masyadong nakatulog sa post ni Stan, anong win the game ang sinasabi nya? Naguguluhan na talaga ako. Napatingin ako sa oras at 8:00 na pala, kaya nagmadali akong magbihis, mag ayos.
Bumaba ako para kumain nakita ko na agad sila. Naglakad ako patungo sa pwesto ko, "Good morning!" Bati ko sakanila. At lumapit kila mom and dad para halikan sa pisngi.
"Good morning baby, happy ka yata?" Nang aasar na tanong ni mom.
Napanguso naman ako, "Mom naman..."
"Mala'late na tayo, Aria.. Bilisan mo. Ang late kasing nagising." Nakasimangot na naman si Kuya ang aga-aga. Bad vibes agad sya.
"Ate totoong pwede ka ng ligawan? Nako, tututol sana ako dyan pero nung sinabi ni dad ang reason napapayag na rin ako. Basta yung kamukha namin ni Kuya ah?" Ginulo ko naman ang buhok niya.
"Ikaw talaga."
"Ate naman ang tagal kong inayos 'to!" Nagtatabog na sabi ni JD. Napatawa nalang ako at napatingin kay Kuya.
"Princess, just please, yung matino naman." Nanliit ang mga mata ko. Kuya? Seryoso ka ba dyan?
Nagpark na ang kotse namin sa parking lot, sabay na nagbukas ng pintuan sila JD at Kuya pero ako mukhang ayoko munang pumasok. Kumatok sa pintuan si Kuya na nakakunot ang noo.
"Baba na, Aria." Huminga muna ako ng malalim atsaka binuksan ang pintuan. Dahan dahan akong bumaba.
Nasa amin tatlo ang mata ng mga estudyante sa school, walang pakealam si Kuya, si bunso naman ay ganon rin ako ay nakayuko lang, nahihiya ako..
"Ehem." Tumigil si Kuya at umubo kunwari. Napatigil rin ako at napaangat ang tingin ko.
Nakita ko ang lalaking may dalang chocolates at flowers, I guess, para sakin yan? Ewan ko. Baka naman.
"Let's go, JD." Ani kuya at inakbayan si JD, at hinila na palakad.
"Pero kuya iiwan ba natin si Ate? Pano kung damugin sya dyan?"
"Hindi mangyayari yan, JD--Oy ikaw. Oo ikaw, iniwan ko sayo ang kapatid ko, pag may nangyari sakanya o kahit gasgas lang malalagot ka samin."
"O-opo... Jayce..." Nanginginig na sabi ng lalako na nakatingin sa baba ngayon.
"Kuya, tinatakot mo." Sambit ko, umiling lang si Kuya at naglakad na sila palayo.
"Hi? Ano name mo?" Baling ko ng tingin at sabay tanong sakanya.
Nakita kong namula sya, napangiti naman don, "A-ah, pa-para sayo pala...." Nagkamot pa sya ng batok.
Napailing nalang ako at kinuha yon, "Salamat." Nag ring bigla ang bell. "Una na ko." Sabi ko at ngumiti. Nagwave pa ko sakanya.
Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako pumunta akong locker at nilagay muna doon ang mga binigay nahulog ang mga letters, mabilis akong yumuko para kunin ang mga 'yon, mamaya nalang babasahin.
"Miss Roseller," Napatingin ako sa principal ng school.
"Po Mrs. De Ibarra?"
"Bell na, mamaya na ang pagtitingin sa mga papers o ano pa yan, aral muna bago ang pagbo-boyfriend. Bumababa na ang mga grades mo, nakakahiya.." Napayuko ako sa sinabi ni Mrs. Principal.
"S-sorry po... hindi naman po ako nagbo-boyfriend..." Sambit ko habang nakayuko.
"That's true, Mrs. Principal. Hindi bumababa ang grades ni Aria, hindi pa sya nagbo-boyfriend," Napaangat ang tingin ko at napatingin ako sa lalaking nakatayo sa likod ko. Si Stan...
"Mister Lazarus," Ani Mrs. Principal. "Bakit nasabi mong hindi pa sya nagbo-boyfriend?"
"Kasi hinihintay ko sya hanggang sa makagraduate na sya ng college nya... Pag aaral muna ang aatupagin namin. Sorry Mrs. Principal but we need to go, kanina pa po nagbell." Inakbayan ako ni Stan at nagsimulang maglakad.
Tulala ako habang naglalakad, gulat na gulat ako sa mga sinabi nya, totoo kaya lahat ng yon? Ano nalang ang gagawin ko? Tama ba ang narinig ko? Nakita kami ng mga tao na nakaakbay sakin si Stan, parating din sila Tres at mukhang gulat na gulat sila.
"Savanna? What is the meaning of this?!" Sigaw ni Carson habang nakakunot ang noo.
"Bakit nakaakbay sayo si Nyl?! Kayo na ba ah? Ang bilis naman yata?" Sambit namin ni Ethan.
"Magkasabay pa kayong papasok? Iba na 'to." Ani Christian.
"Bro, bakit mo inaakbayan si Vanna?" Ani France.
Sabi na nga ba at maho-hot seat kami. Lagot na, napatingin ako kay tres, nakatingin lang sya kay Stan na parang may lazer ang mga mata nya. Paano na 'to?
"Papasok na kami." Simpleng sagot ni Stan. Inalis nya ang pagkakaakbay sakin.
"S-stan..." Kunot noong tawag ko sakanya, "Bakit mo ginawa yon?" I mouthed.
Nilapit nya ng konti ang bibig nya sa tenga ko, "I told you, I'll win this game..."
Naglakad na sya paalis at pumasok na ng classroom habang ako ay tulala pa rin napatingin ako kila Tres na nakatingin sakin. Nagkibit balikat lang ako at tumakbo papasok ng classroom narinig ko pa ang sigaw nila sa pangalan ko.
Napapikit ako ng mariin. Constantine Nyl Lazarus? What did you do?
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]