Chapter 36: Good Bye

16 0 0
                                    

The Princess Secret Love 36
 
   



***

Savanna's POV
 




"Okay okay. I love you." Narinig kong sambit ni Kuya habang kausap si Ate Ezra sa phone nya.



Kanina pa ako tulala rito at hindi kinakausap ang mga tao, kanina pa rin ako dinadalhan ng pagkain nila Lucia at Gianne pero nawawalan talaga ako ng gana.



Si Tres na nagpakita na sakin pero sinuntok nya si Stan at hindi ko alam ang dahilan nya atsaka anong sinabi sakin ni Stan? Mahal nya rin ako? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung lungkot o kasiyahan mukhang di ko pa alam ang sagot dahil may nasasaktan pa akong tao.



"Princess... Mukhang kanina kapa tulala dyan? What's wrong? Almost 1hr kaming magkausap ni Ezra but you didn't move kung gagalaw ka man ay kaunti lang." Ani Kuya at umupo pa sa tabi ko.



"Nothing Kuya, I'm just tired." Pagsisinungaling ko sakanya. I know I'm not a good liar kaya agad nyang nahalata na hindi totoo iyon.



"Liar, just tell me the truth.." Aniya, huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.

 

Naalala ko yung hinalikan ako ni Stan sa labi at ang mga katagang "mahal din kita" hindi ko talaga sya naiintindihan. Kaya ba nag iiba na ang kilos nya these past few weeks?



"Okay, I get it. It's all about your Stan?" Ani Kuya. Tumango ako sakanya.
 


"That fucker..." Agad ko syang sinamaan ng tingin, ayaw nya talaga kay Stan? Bat ang laki ng galit ka kuya?
 


"Shut up, Kuya. Di ka nakakatulong." Inirapan ko sya at humarap sa mga medalyang nakuha namin at nandito parin ang mga mga medal nila mommy at daddy.



"Tss. Fine. I don't like him cause he always hurting you and I hate it. Then tell me what's the problem with that fuck---I mean Nyl..."



Napasimangot ako sakanya, "He said that he likes me... love me... He even kissed me..." Nanlaki ang mga mata ko. What did I say?



Nanlaki ang mga mata ni Kuya, "What did you say Savanna Aria?"



"W-wala!" Sigaw ko. Feeling ko namumula ako ngayon sa kahihiyan.



"Sinabi mo bang hinalikan ka nya?!" Hindi agad ako nakasagot at napasimangot nalang.



"Yeah... I saw them... tres and stan fighting.." Direct to the point na.
   


"What? You mean Steven?" Tumango ako kay Kuya buti naman at kinalimutan nya na ang topic about kiss.



"I don't know nahuli kasi kami ni Tres then hinabol ko sya nung nahabol ko nakita ko nalang na nagsusuntukan sila ni Stan..." I explained.



"Maybe he's jealous... because Steven loves you." Napatingin ako kay kuya.



"How did you know?" He smirked at me.



"It's obvious, Aria. The way he look at you is the same the way I look Ezra..." Nakasmile nya pang sambit.



Ezra. Ezra. I don't know pero pakiramdam ko ayoko sa girlfriend ng Kuya ko. Ghad...





"Are you sure about Ezra, Kuya?" Sumama ang tingin sakin ni Kuya.





"Call her Ate Ezra, Savanna Aria..." May diin sa boses ng kuya ko.





"Fine." Tumayo na ako at nagsimulang naglakad papuntang taas.





Habang naglalakad ako sa campus ng school ay naririnig ko ang usap-usapan ng mga estudyante sa school ay ang nangyari kahapon.



 

"Gusto sya ni Nyl at ni Steven?! Mygosh! Ang haba ng hair ni Savanna!"





"Nagsuntukan sila Steven at Nyl? I can't imagine!"




 
"Diba may gusto si Steven kay Vanna pero ang gusto ni Vanna ay si Nyl and gusto rin sya ni Nyl?"





"Kawawa naman ang baby Third ko! Hays!"





"Ako nalang Third!"


 


"No way!"





"Drop dead."





"Ayan na si Vanna! Narinig kaya tayo?"





"Hindi yan let's go!"





Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Rinig na rinig ko kaya mga usapan nila. People nowadays. Napapatingin sakin ang mga estudyante kaya napapayuko ako. Nagtrending sa Twitter ang nangyari at nagviral sya sa facebook meron pa ngang mga videos. Malaking gulo talaga ang nangyari kahapon at nalaman din nila yung Kiss at madami ang nag angry react siguro ay di nila nagustuhan sapagkat sa school nangyari.


 


Nakita ko agad sina Aya kasama yung tatlo nginitian ako nung tatlo pero si Aya ay hindi pa rin ako kinakausap. Ngumiti rin ako sakanila.





"Pwede ko munang kausapin si Aya?" Tanong ko sakanila. Tumango naman agad sila.





"Pakisabi meron akong pupuntahan at busy ako." Aniya atsaka na sya naglakad palayo.





Hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nya, "Aya..."





Hindi nya ako hinarap, "Talk to me please..." Nanggigilid na ang mga luha ko pero pinigilan ko yon.





"Wala tayong pag uusapan Vanna, may importante akong pupuntahan. So please, let me go!" Aniya at hinigit ang kamay nya kaya nakatakbo sya.





Napaupo ako sa kinauupuan ko at doon ako humagulgol wala akong pake kung pinagtitinginan ako ngayon. Lumapit sakin yung tatlo at inalalayan akong tumayo.  Niyakap nila ako.





"We trust you, vanna. Don't worry hindi galit si Aya, nasasaktan lang sya sa nangyari." Sabi nila. Tumango ako at niyakap ko rin sila.





"Vanna!" Sigaw sakin nila Carson. Napatingin ako sa gawi nila at hinila nila ako sa may bandang gilid.





"Bakit?" Tanong ko, mukhang nag aalala pa sila at di mapakali, umalis na yung tatlo nagpaalam na sila sakin.





"Wag kang magugulat pero si Steven... paalis na ng bansa. 15 minutes nalang ang natitirang oras!" Sambit ni Christian.





Para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Pu..punta tayo please..." naiiyak na naman ako.





Nagdalawang isip pa sila pero tumango rin sila at kumalipas ng takbo. Ilan minuto ang lumipas nakarating kami sa NAIA mabilis kaming bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob.





Inikot ko ang paningin ko pero wala akong makitang anino nya, nawawala na ako ng pag asa dahil may tinawag na flight patungong united states kung saan pupunta si Tres..."
 




Napaupo ako at tinakpan ang mukha ko dahil umiiyak na ako. "Vanna..." Agad nabuhayan ang loob ko.





Napaangat ang ulo ko, alam ko kaninong boses yun hindi ako maaaring magkamali, napatayo at nakita ko na nakangiti sya sakin.





"Tres... bakit ka aalis? Hindi mo man lang ako kakausapin bago ka umalis... hindi man lang ako..." Nilagay nya ang hintuturo nya sa labi ko at ngumiti sya.





"Sorry Vanna hindi ko nasabi sayo agad.. kailangan ko ng umalis... Habang nandito ako hindi ko kaya..." Aniya kinagat nya ang labi nya para pigilan ang luha.





"Tres... di mo naman kailangan gawin yan... wag mo kong iiwan... ayokong mawalan ng bestfriend, tres..." Naiiyak na talaga ako.





"Shh... I'll be your bestfriend forever but now I need to do this.... Always remember that I love you.." Aniya, umiwas sya ng tingin.
  




"Tres...." Hindi ko na napigilan kaya niyakap ko na sya ng sobrang higpit kaya niyakap nya rin ako. "I will miss you damn much... My bestfriend."





"Magpaparaya na ako, Vanna, wag ka lang nyang sasaktan dahil di ako magdadalawang isip na agawin ka sakanya..." Tumawa sya kaya naman pati ako ay napatawa.





Saktong dumating sila Carson, tumingin sila kay Tres.





"Tangina pre di ka man lang nagsabi!"





"Mag iingat ka. Damihan mo yung chicks dun ah?!"





"Wag kang mangangalimot! Kabalik mo dito dapat may asawa kana!"





"Mamimiss ka namin brad, tangina mo!"





Tumawa si Tres at nakipag fist bump sakanila. Tumingin sya sakin at kumaway. Niyakap ko sya at humiwalay na, naglakad na sya hanggang sa entrance.





"Good bye, My Bestfriend..."

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon