The Princess Secret Love 7
***
Savanna’s POV
One week na rin ang nakakalipas mula ng mangyari ang trahedyang yun sa buhay ko. Nakulong ang mga gumawa sakin nun. Sempre si dad pa? Galit na galit nga sya eh. Si Kuya naman, hindi ko alam kung ano ang problema nila pero ilan beses syang nagmura nung nalaman nya ang tungkol sa 'pagbubugbog' sakin.
Si Stan, sya ang tumulong sakin ang kwento sakin ni mommy na meron daw lalaking buhat buhat ako palabas ng STG at mabilis na dinala sa hospital. Hindi sya kilala ni mommy dinescribe nya lang sakin at alam ko na sya yun, siya yung tumulong sakin.
May isang bagay lang akong nakakalimutan yung bago ako bumagsak may narinig akong sinabi nya. Gusto syang tanungin pero hindi ko sya machempuhan. Hindi rin sya pumapasok at hindi ko alam kung bakit.
“Baby darating ngayon ang mga tita at tito villamars nyo at ang mga kaibigan ng dad mo.” Sabi ni mommy habang nagtitimpla ng coffee.
Tumango naman ako, “Excited na kong makita ang mga anak nila, mom.”
“Kamukha mo rin sila princess, pero sempre mas maganda ka.” Napatawa naman ako. Sempre mommy anak moko.
“Mana yata ako sayo, no mom!” At sabay kaming tumawa. I love my mom so much.
Kwento sakin ni mommy nung sila daw ni daddy ay pinaghiwalay sila ng mama ni daddy. Ang sabi dadalhin sa states si daddy at sisirain ang image ni mommy kapag hindi sila naghiwalay. Nagwagi ang lola ko sa ginawa nya, naghiwalay sila mommy ng almost two months or five months bago sila magbalikan at dahil daw ito sa mahiwagang bodega. Nagpropose si daddy kay mommy ng first year college pa lang sila pero ang sabi ni dad after five years doon pa lang sila papakasal kaya nagtagumpay sila kaya ngayon may masayang pamilya na kami.
Mag a-alas sais na, nakaayos ang mansion namin, sigurado akong magpaparty ang mga first generation. Sempre sobrang miss na nila ang isa’t isa. Buti na lang talaga at walang pasok bukas.
Nagsuot ako ng evening dress, nagmake up pero light lang, meron din akong half na parang flower crown sa ulo ko kaya parang princess na rin ang dating ko.
Bumaba na ako sa baba namin at naabutan ko ang mga papasok na first generation. Napangiti ako nung makita at marinig ko ang mga asaran nila. Miss na miss na talaga nila ang isa’t isa. 30’s at 40’s na ang mga first generation.
“Langya! Namiss ko kayo!” Natatawang sabi ni Tito Carlo kasama ang kanyang asawa at si carson.
“Buti naman at nagtino na kayong dalawa akala namin mababaog na kayo eh!” Napatawa silang lahat sa sinabi ni Tito Cedrick kila Tito Carlo at Tito Michael.
“May puso rin naman kami. Hindi nga lang halata nun.” At tumawa pa siya.
Napatingin naman sila sa gawi ko kaya tumayo si mom at inupo ako sa tabi nya. Mahaba ang mesa sobrang haba kaya naman kumasya kaming lahat.
“By the way mga anak ko pala, Jayce Colton, Jansen Dale at ang princess namin Savanna Aria.” Ngumiti ako sakanila.
“Hello po.” Bati ko with matching malaking ngiti sa labi ko. “Hi.” Si kuya at bunso. Kahit kailan talaga itong dalawa na 'to.
“Your so pretty talaga savanna! Manang mana ka sakin.” Natawa naman ako sa sinabi ni Tita Hillary.
“Hindi ba dapat sakin?” Ani Mommy. Naku! Ang mommy ko talaga.
“Wala bang nanliligaw sayo, savanna?” Tanong ni Tito Jiro sakin.
Umiling ako, “Wala po. Haha.” Paano po kasi yung mga tao dito naglagay ng maraming bakod sa paligid ko.
“Talaga? Bakit naman? Binakuran ka ni Clarence no?” Natatawang tanong ni Tito Tristan. Sinamaan sya ng tingin ni dad.
Tumango naman ako, “Opo. Bawal daw hangga't walang permiso sakanila.”
“Maraming gustong lumigaw dyan kaya lang puro basted naman. Hahahaha!” Kwento ni carson kaya pinaglakihan ko sya ng mata.
“May pinagmanahan 'to sa pagbabasted.” Natatawang sabi ni Tito Terrence katabi si Tita Ryla.
“Mana sa mommy. Ang hilig magbasted.” Napatingin ako kay mommy na sinamaan ng tingin si Tito Aze. Tapos nagtawanan sila.
“Pero meron kang gusto, vanna?” Muntik pa akong masamid sa tanong ni Tita Hannah.
Ngumiti ako paano ko ba 'to sasabihin? Napatingin na silang lahat sa ‘kin lalo na sila dad at kuya kasama na rin si bunso na parang naghihintay ng sagot ko.
“Meron tita hannah..” Napatingin ako sa nagsalita. Walangya ka carson! Kanina pa ‘to.
Nanlaki ang mga mata nila, katapat ko lang si Carson at binigyan ng masamang tingin, “Talaga? Sino naman?” Tanong ni Tita Ryla.
“Carson, Shut up.” I mouthed. Pero tumawa lang sya. Manang mana yata sa daddy niya.
“Yung gusto nya hindi naman sya gusto. Hahaha. Saklap vanna.” Sabi naman ni Ethan.
Sumimangot ako sakanya, “Pag ikaw ang nainlove, akala mo.” Tumawa naman sya.
“Ako maiinlove?” Tinuro nya pa ang sarili nya at tumawa. Kaya napatawa na lang sila.
“Who's that fvcking guy?!” Natahimik ako sa seryosong boses ni Kuya.
“Relax JC, masyado kang hot. Hayaan mo wala naman pag asa doon si Vanna. Hahaha.” Biro ni France.
“Tch.” Sungit mode na naman si Kuya ko.
“Bakit hindi na lang kasi si Tres mo?” Hindi ko masyadong narinig yung sinabi ni christian.
Nanlalaki ang mga mata ng oldies pero ako nakakunot ang noo, “Ansabi mo, chan?”
“Christian.” May warning sa boses ni Tres, hindi ko pa rin sila gets.
“Ayun naman pala eh. Bakit di na lang si Steven? Tapos magiging Lee ka na. Hahaha.” Biro naman ni Tito Michael.
“Stick to one na 'yan. Hahaha.” Sabi ng anak nyang si Ethan David.
Nagtawanan sila pati sila Tito Terrence at Tita Ryla parang sangayon pa yata.
“Bakit ka namumula?” Tanong ni France kay Tres. Napatingin ako kay tres at namumula nga.
“Huleee!” Natatawang sabi ni Tito Carlo. Bakit sya namumula? Baka may sakit lang?
“Tita Ryla, bat sya namumula? May sakit si Tres?” Tanong ko. Napatigil sila sa pagtawa.
“Walangya. Manhid.” Ani Carson.
Umiling si Tita Ryla, “Wala syang sakit, vanna.” Tumango naman ako.
“Mom, wag nyo na kaming i'topic. Tch.” Ang sungit ni tres. Nagmana rin sa tatay.
“Okay okay. Hahaha. Pero boto ako kay tres!” Napatingin ako kay Tita Hannah.
“Sino yung gusto mo, princess?” Napatingin ko kay dad. Seryoso ang boses nya.
Umiling ako, “Dad, hindi na rin naman importante yun.”
“Okay. Basta alam mo na yung rule mo at yung sinasabi ko sayo.” Tumango ako kay dad. Tumingin ako kay mom na nakangiti sakin na parang sinasabing ‘Mag-usap-tayo-mamaya’ look.
“Anong rule?” Tanong ni Tito Clark kay daddy. Ngumiti lang ako.
“Ask my daughter, Acerez.” Bossy talaga. Tumingin naman sakin si Tito Clark.
“Rule: I'll accept this but you're not going to court me... In short, tinatanggap ko ang binibigay nila pero hindi ako nagpapaligaw.”
Tumango naman sila, tumayo na kaming mga new generation naiwan sa mesa ang mga first generation. Pumunta kami sa labas, hihiwalay na muna kami sakanila para magkaroon sila ng time na makapag usap.
Napatingin ako kay tres na nasa isang sulok malayo ang tingin at parang may iniisip. Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya, “Hi Tres.”
Napatingin sya sakin, “Aria, wag mong iisipin yung sinabi nila.” Tumango ako.
“Yeah, alam ko naman na hindi yun totoo.” Tumingin ako sa langit at makikita ko doon ang kinang ng mga bituin.
“Paano kung totoo?” Napatingin ako kay tres.
“Ano tres? May sinasabi ka ba?” Parang mali lang ang pandinig ko.
“W-wala, basta kapag hindi ka kayang saluhin ni Nyl, nandito lang ako...Aria..” Napalunok ako sa sinabi nya.
Umiwas ako ng tingin. Ayokong isipin na totoo ang sinasabi nila. Ayoko rin isipin na totoo ang sinasabi ni Tres ngayon.
“I'm willing to wait.” Yun lang ang huling salita na narinig ko sakanya. Im sorry tres...
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
Любовные романыNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]