Chapter 22: Indirect Kiss

13 1 0
                                    

Chapter 22: Indirect Kiss

  

***

Savanna's POV


Clayara Ressha. Savanna Aria. Magkaiba ang spelling, makaibang magkaiba, hindi ako si Clayara na mahal ni Stan, Ako si Savanna ang nagmamahal kay Stan.

  

Napakaganda nga naman ni Clayara, kung ikukumpara sakin kahit princess akong ituring mas maganda si Clayara kasi sya ang mahal ng stan ko.

 

Napatingin ako sa gawing kanan kung saan ang mga seniors ay naglalakad lakad, ilan araw na rin ang nakalipas mula ng lumabas ako ng hospital, hindi pa alam nila Mom and Dad ang tungkol sa Asthma ko. Sempre protective sila, nako.

Nakita ko si Stan na naglalakad nakasabit ang isang strap, nakalakad din doon ang kanyang isang kamay habang ang isa ay nasa bulsa nya. May mga tumitiling girls, may isa pa nga na tinulak ang isang babae sa kanya at napatigil si Stan, napatigil rin ako at napakunot ang noo ko. Ano ba? Inaagawan ba ako ng mga ito?!

Tili lang sila ng tili, parang mga nagwawalang palaka na kokak ng kokak. Nakakainis! Hindi sila pinansin ni Stan, umiling lang sya at naglakad ulit. Napangiti ako. Hindi masama ang ugali ni Stan. Ganon lang talaga sya. Right?

Nang maglakad na sya at nakita nya ako, ngumisi lang sya at naglakad muli, nanliit ang mga mata ko grabe talagang lalaki na 'to, hindi porket mahal ko sya ay pagtri-tripan na ko. Hanggang ngayon di pa rin sya nagpapaliwanag nakakainis naman. Nagsisikreto sya sakin!

Napatigil ako, ano ngayon kung magsikreto sya sakin? Ano ko ba sya? Kahit na! May nararamdaman naman ako e. Tatayo sana ako ng makita ko si Tres kasama ang mga boys. Umupo na lang ako ulit.


"Princess," Ani Tres, ngumiti ako sakanya at umupo sya sa tabi ko. At gayon rin sila Carson, Ethan, France, Christian.


"Vanna? Bat nawala ka nung isang araw?" Tanong ni Carson habang pinapaikot ang cellphone nya gamit mga daliri.


"Oo nga Vanna, alalang-alala nga sayo si Steven non eh!" Natatawang sabi ni Ethan. Tumingin ulit sa cellphone habang naglalaro ng Stick hero. Napailing nalang ako, ang galing nya sa stick hero ako nga hanggang 4 lang yata.



"Ah, yun ba? May pinuntahan lang ako..." Ngumiti ako ng pilit. Nagkibit balikat si France at nagsaksak ng earphone sa tenga.



Nakita ko si Christian na naglalaro rin sa phone ng flappy bird. Napakunot noo ko. Totoo bang naglalaro siya ng flappy bird.



"Ang hirap naman nito, pag nadikit lang mafa-fall na agad. Landi lang?" Nabatukan sya ni Carson.

 

"Malamang laro yan pre! Ang bakla mo naman. Pambata lang yan oy atsaka ang tagal na nyan eto ang bago ngayon ang stick hero."



"Gago! Ang boring ng alam mo! E' yan kailangan pang sukatin kung hanggang saan para di matalo!" Depensa ni Christian.
 


"Kesa sa flappy bird na malaki ang nguso! Tss." Ani Ethan.



Napailing nalang ako sakanila, nakita ko si Tres na nakatingin sakin habang nakangiti sakin, nakakahawa ang ngiti nya kaya napangiti rin ako.



"Matutunaw kayo." Sinamaan ko ng tingin si Carson habang si Tres ay minura nya. Kaya ayun nagtawanan na lang kami.

 

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon