Chapter 33: Prince Charming

16 0 0
                                    

The Princess Secret Love 33




***
Savanna's POV(Sorry kung sa last update ko nasulat ko sa POV ni Vanna ay NYL)



 
"Ano may balita na raw ba kay Third? Naku, Vanna, kinakabahan ako, ilan araw ng hindi nagpapakita si Third.." Feeling ko maiiyak na si Aya sa kaka'alala.



Huminga ako ng malalim, di pa nila alam ang nangyari kay tres o yung mga sinabi nya sakin, ayokong sabihin dahil masasaktan lamang si Aya at hindi ko yun masisikmura. Ilan araw ng wala si Tres siguro ay mga tatlong araw na, nag aalala na rin sila tita pero ang tanging sagot lang sakanila ni Tres ay 'okay lang sya at wag nilang hanapin' we try to trace his cellphone baka sakaling matagpuan sa maps pero hindi naka off na ang phone nito at mukhang malabong ma-trace.



"Hindi ko nga rin alam, ilan beses ng tumawag sakin ang mga magulang ni Steven pero wala pa rin daw." Ani France.



Magkakasama kami ngayon sa ilalim ng puno nag uusap-usap tungkol kay Tres sapagkat hindi na sya nagpaparamdam samin, pinapahanap na namin sya sa mga police pero wala rin silang makita ni anino ni Tres. I'm worried.



"Hindi naman ganun si Steven, bakit anong nangyari sakanya?" Nagtatakang sabi ni Carson.



"Hindi kaya may problema naman sya at hindi nya sinasabi satin?" Christian said.



"Maaaring problema nga pero maaaring problema sa puso..." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Ethan kaya napatingin sila sakin.



"Savanna, wala ka ba talagang alam dito?" Ani Cha, umiling ako, wala rin akong alam kung nasan sya at ayoko rin magsalita ng diko pa alam ang totoo.



"Kung problema sa puso, wala tayong alam na natitipuan nya..." Malumay na sambit ni Rica.



"Meron tayong hindi nalalaman about Steven, hindi nga natin matukoy talaga kung sino ang nagpapatibok ng puso nya." Viona said.



Umiwas ako ng tingin sakanila, maaaring wala silang alam pero ako meron, ayokong maniwala sa mga sinabi ni Tres sakin pero may parte sakin na gustong maniwala sakanya. Yung iyak palang ni Tres na ngayon ko lang nakita, totoo kaya lahat ng 'yon?



"Sana naman walang nangyaring masama kay Third kundi naku, hindi ko na alam ang gagawin ko." Malungkot na naiiyak na sabi ni Aya.



Natapos ang pag uusap-usap namin ay nagpaalam ako sakanila na magre-restroom lang masyadong naging mainit kanina at halos wala nga akong nasabi, maski isang salita na sinabi sakin ni Tres, actually hindi na nila kailangan pang alamin 'yun, okay ng ganito at para na rin sa ikakabuti ni Aya.



Habang naglalakad na ako palabas ng restroom ay hindi na ako pumasok lumiko ako papuntang baba, gusto kong pumunta sa likod kung saan una kaming nagkausap ni Stan ng matino, yung walang away o yung hindi nya ako tinakwil, atsaka yung pagligtas nya sakin sa mga kalalakihan non.





Kaupo ko sa upuan ay tumingin ako sa langit, nasan na nga ba si tres at hindi man lang sya nagpaparamdam? Huminga ako ng malalim.





"Hinahanap mo ba sya?" Muntik na akong atakihin sa gulat ng makita ko si Stan na may dalang coke at binigay nya ang isa sakin.





Tumango ako sakanya, "Don't worry, alam kong nasa safe na lugar sya..."





Napatingin ako sakanya, "Stan.. Narinig mo ba lahat ng pag uusap namin?"





Hindi sya tumitingin sakin, uminom sya ng coke at kinagat ang ibabang labi nya kasabay ng pagtango nya, "Yeah... Nandun ako nagpapahinga pero narinig ko ang iyak kaya tumayo ako para tignan yun... at nakita ko kayo..."





Hindi nalang ako nagsalita, "I know nasaktan sya ng sobra sa mga sinabi mo... pero may kasalanan din sya kung sinabi nya na ng maaga ang nararamdaman nya hindi sana sya nasasaktan ngayon..."





Tama si Stan pero hindi ko lubos maisip na pwede rin palang magkagusto sakin si Tres dahil malabo. "Kasalanan ko 'to eh...."





Tumingin sya sakin at umiling, "It's not your fault, Aria.... walang may gusto ng nangyari..." Aniya.





Tumayo sya at nagsimulang naglakad pero huminto muna sya sandali, "Nasasaktan ako, Aria..." at umalis na sya.





Kumunot ang noo ko sakanya, hindi ko sya narinig dahil biglang humangin pero nagkibit balikat nalang ako at tumayo na rin. Nakita ko sila Kuya kasama ang mga kaibigan nya pababa ng hagdan pero hindi ko sila pinansin at naglakad nalang ako sa may campus.



 

Nakita kong naglalakad si Clayara sa campus at parang may hinahanap. Namamalik-mata ba ako? Pumikit ako at binuksan ulit. And yes! Nandito nga sya. Nakita nya yata ako kaya lumapit sya sakin.





"Hinahanap mo Kuya mo?" Tanong ko sakanya. Mukhang nagulat pa sya.





"Alam mo na Ate Vanna?" Nagulat ako sa sinabi nya pero tumango lang ako. Mas nagulat ako ng bigla nya akong hilain palabas ng school.





"Teka Clayara? Saan tayo pupunta?" Sambit ko. "At baka hanapin ka ng Kuya mo..."





"Don't worry Ate Vanna, ikaw ang pinunta ko rito hindi ang Kuya ko. Kaya tara na marami kang dapat malaman..." Sinakay nya ako sa kotse nila bale nasa passenger seats kaming dalawa.





Bumaba kami sa isang park, inikot ko ang tingin ko, "Anong gagawin natin dito?"





"Wait I'll buy ice cream dyan ka lang Ate Vanna ah?" Aangal pa sana ako pero tumakbo na sya patungo sa nagtitinda ng ice cream.





Inikot ko ang paningin ko, dito yung laging kwine-kwento sakin ni Mom na park kung saan nagkabalikan sila ng Dad ko kaya diko maiwasan ang mapangiti.





"Here Ate Vanna, alam kong favorite mo ang ube and chocolate kaya pinagsama ko na." Inabot nya sakin yun. Ngumiti naman ako.





"Thank you..." At kinuha yun. Umupo sya sa tabi ko. Kinain nya na ang ice cream nya kaya kinain ko na rin yung akin.





"Si Kuya...." Pagsisimula nya habang nakatingin sya sa kawalan.





"Si Kuya malamig lagi ang pakitungo nyan, sakin lang yata hindi sweet sya sakin, hindi nya ako pinababayaan. He always care for me... he's heartless but cared too much." Napangiti ako sa sinabi ni Clayara.





Naalala ko yung mga panahon na pinagkamalyan ko sila na mag gf and bf halos ilan araw ko rin iniyakan yun tas malalaman mo na kapatid nya lang pala si Clayara.





"Oo malamig sakin ang kuya mo halos ipagtabuyan nya na ako, ayaw nya sakin pero di ako sumuko sakanya..." Nakangiti kong kwento sakanya.





Sa tingin ko ay tumingin sya sakin, "Si Kuya, ganun lang talaga sya lalo na kung nato-torpe sya o may ayaw syang may ibang makakaalam ng nararamdaman nya... pero Ate Vanna believe me, hindi nya gustong sabihin lahat sayo yun..."





Kumunot ang noo ko kay Clayara, "Huh?"




 
"Alam kong nato-torpe lang sayo ang kuya ko dahil nahihiya sya sayo, sa mga pagtataboy nya sayo. Pero Ate Vanna... He's your prince..."





Natawa naman ako sakanya, "Ilan beses na akong pinagtabuyan ng kuya mo, malabo yang sinasabi mo.."





Ngumuso naman sya, "Naaalala mo pa yung panyo na may nakaburdang CandS? Gusto mong malaman ang meaning nun?" Aniya.





Nagulat ako nung alam nya yung tungkol sa panyo, "Ano yun Clayara?"





"Constantine and Savanna."






"You must be kidding, hindi nya ginagamit ang Constantine nya diba?"





"If I'm kidding here Ate Vanna, I shouldn't be serious but I'm not kidding and making any jokes here. I'm serious."





Napatigil ako sa sinabi nya, nagflashback sakin yung binigay ko sakanya ang panyo at kitang kita ko ang gulat sa mukha nya.





Napatingin ako kay Clayara, "Pero bakit?"





Ngumiti si Clayara, "Like what I've said, He's your prince... your prince charming...."

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon