The Princess Secret Love 30
***
Clayara's POV
Masama akong nakatingin kay kuya habang papasok ng mansion namin, nakakainis na sya, hindi porket bata ako sakanya ng tatlong taon ay hindi na nya ako pagbibigyan. Nakakaasar sya! Akala ko pa naman sweet sya sakin.
"Napakasama mo Kuya, di moko pinagbigyan na mag horse riding kasama mga kaibigan ko." Naiiyak na talaga ako, gustong- gusto kong sumama para bukas.
He stopped and he look at me, "I said no, Ara, stop following me, will you? I'm not in mood."
He rolled his eyes, hindi naman talaga yung totally na rolled eyes ah, baka isipin nyo bakla ang kuya ko, nako, halikan pa kayo nyan! Pero joki joki lang dahil meron ng nagpapatibok ng puso nyan, sus, hahaha. I'll be quiet, promise. Pero pag nakasama ako sa bonding namin ng mga kaibigan ko, sasabihin ko sainyo mga nalalaman ko, please convince kuya. Huhuhu. I'm so kawawa naman.
Nakita ko si Kuya na nakapagaplit na ng T-shirt, ako din naman ay nagpalit na, nag dress ako na pantulog ko, hindi nighties, dress talaga sya and may robe ako. Pumunta akong kusina at ganon din si Kuya.
Nandito sila Mom and Dad, hindi naman nawawalan ng time samin sila Mom, actually minsan nga ay nagyayaya pa sila ng bonding/outings, ganun.
Nakasimangot pa rin ako, pumayag naman sila mom and dad pero bat kailangan ay may agreement pa ni Kuya, napaka protective pa naman ni Kuya Nyl pagdating sakin.---pati sa prinsesa nya.
Napangisi ako ng maisip ko 'yun, asarin ko nga si Kuya, "Kuya kamusta kayo ng princess mo?" Halos mabulunan si Kuya sa tanong ko. Ako naman ay napahalakhak sa tuwa.
Sinamaan nya ako ng tingin, parang lazer ang mata ni Kuya, Nagpeace sign ako sakanya. Tumingin ako kila mom and dad na nakatingin kay Kuya.
"Nyl, Nagsasabi ba ng totoo ang kapatid mo? Sino ang prinsesa mo?" Ma-awtoridad na tanong ni Dad, napangisi naman ako.
Ayaw mo kong pasamahin sa Horse riding bukas ah! Let's see! Halos lahat naman ng classmate ko ay kaibigan ko, mabait kasi ako sakanila, I'm very generous when it comes to them.
"Pakilala mo naman sya samin, Baby." Ani mommy, nakita kong pumait ang mukha ni Kuya. Naiinis na yan panigurado.
"No mom, not now, she's not yet ready to face all of you, and worst--- I'm not courting her, even confess to her... but I think soon..."Nanlaki ang mga mata ko, sa wakas maaalis na ang pagkatorpe ng kuya ko, thanks God, swear, magiging exciting 'to, after how many years.
"Yes, finally kuya!" Masayang sabi ko, ngumisi sya sakin at sinasabi na humanda ako mamaya sakanya. Pero nagbelat lang ako sakanya.
Natapos kaming kumain at ako nalang ang naiiwan sa baba, aalis na sana ako ng napatingin ako sa may mga halaman namin, may umiilaw, parang may gumagalaw pa, ano 'yon? May multo kaya? Snakes? Ohmygosh, this can't be, nawala naman yung ilaw. Sa tingin ko ay ilaw yun galing sa cellphone, naiwan kaya ng mga maids namin yung phone nila dito? Mga gardener? Drivers?
Lalakad na sana ako patungo roon ng biglang mag ring ang phone ko, mabilis kong kinuha 'yon at sinagot. Si Denver ang tumatawag, classmate ko, kasama sya bukas sa horse riding, nakakainis naman, di pa kasi ako pagbigyan.
"Hello Denver?"
[Cla, ano? Pumayag na ba ang kuya mo? Sasama kana tomorrow?]
"Ayaw ngang pumayag ni Kuya, nakakaasar na nga sya, kaya nung dinner namin ay inasar ko sya. Sana payagan ako haha."[Yung kuya mo talaga napakaprotective, ayaw na ayaw nyang may mangyaring masama sayo, hays, ganyan din naman ako sayo e.]
Kumunot noo ko, "What Denver? May sinasabi ka ba?" rinig ko naman sinabi nya kaya lang kilala si Denver bilang 'joker' kaya hindi na bago sakin.
[Nothing, basta pilitin mong makasama okay? Aasa kami ng ALLCRED.]
Napasimangot ako, ALLCRED is our group name, the meaning is our name. Alexa, Lorraine, Lester, Clayara, Roxanne, Erick, Denver. Ganda no? Ofcourse, Our idea! Since elementary we're friends until highschool.
"Okay! Okay!" Yun lang at binaba ko na ang tawag, ayaw kong kulitin pa nya ako.
Huminga ako ng malalim at pumasok na ng bahay, I swear, naiinis na talaga ako kay kuya. Puntahan ko nga sya. Umakyat ako sa hagdan at kakatok na sana sa room nya ng makita ko sya sa terrace, nagiinom, may problema siguro si Kuya kaya nag-iinom sya.
Pumasok ako ng dahan-dahan at tumabi sakanya, napatingin sya sakin ng mapupungay ang mata, "Kuya may problema ka ba?"
Iniwas nya tingin nya sakin at nilagok ang alak na nasa crystal glass. Lumipas ang ilan minuto hindi sya nag salita, hindi na ko nagpumilit sakanya na tanungin sya kung pwede akong sumama, hindi nalang ako sasama, may problema si Kuya ngayon ayoko naman makisabay sa dinadala nya.Tatalikod na sana ako, "Go, you can join your friends, tomorrow, take care."
Katapos nyang sabihin yon ay napangiti ako napaharap ako sakanya at niyakap sya, "Thank you kuya! Thanks!"
Tumango lang sya at ginulo ang buhok ko, "And tomorrow will be my day, my princess and I day."
Kinabukasan, I woke up early in the morning, siguro ay sinundo ako dito ni Denver mga 6:00 am, kasi hindi lang ako ang susunduin pati na rin ang ALLCRED, so, nakarating kami sa horse riding naming ng exactly 9:00am.
Nandito na kami ngayon, nakita ko na ang mga kabayo, may pink, green, blue, brown,black and many many more. Just wow, this is my first time!
"Ano na? Tutunganga nalang ba tayo rito?" Ani Alexa habang nakashades pa.
"Wag ka ngang magmadali, Lexa, ang init init pa kaya iitim ako." Maarteng sabi ni Lorraine. Maputi kasi sya parang labanos.
"Ang arte nyo," Ani denver na katabi ko ngayon kaya naman siniko ko sya.
"Joke lang, Cla." Ngumiti sya, "Let's go!" Aniya.Nagsimula kaming naglakad, "Nakakapagod naman," Ani Roxanne.
"Kung magrereklamo lang kayo di na sana kayo sumama!" Sabi naman ni Erick pinaka seryoso samin.
"Oo nga!" Pang sang-ayon ni Lester.
"Manahimik na nga kayo! Let's go, guys sayang ang oras!" Sambit ko.
Wala na silang nagawa kaya naman naglakad kami ulit papuntang cottage, nagrent kami, nagready kami for our horse riding kaya naman pumunta na ako sa kulay abo na kabayo.
Habang nakasakay ako sa kabayo ay napatingin ako sa may gilid, may isang lalaking nakatingin sakin, seryoso ang tingin, may kakaiba, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, our eyes met, and my heart melt.
Who's that guy? He made my heart beat so fast. I'll find you, swear.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomantikNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]