The Princess Secret Love 15
***
Savanna’s POV
Nakatingin ako sakanya habang naggigitara sya, mabilis lang kaming nagpratice dahil may next subject pa.
Napahinto ako nung may naalala ako, yung panyo-- Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang panyo nakita kong nakabalot yun sa cellphone ko. Dapat ko bang ibigay? Dapat lang pero bakit parang ayoko? Mamaya na lang siguro.
“Stan kantahan moko please?” Nagpuppy eyes ako sakanya. Napatigil sya sa pag strum at tumingin sakin.
“Stay still. Don’t move. Zipper your mouth.” Napanguso naman ako sa sinabi nya. Hindi ako gagalaw? Paano yun?
Nagstrum na sya habang nakatingin lang sa gitara napangiti ako nung tinupad nya ang request ko sakanya. No doubt. Mahal ko talaga ang lalaking 'to. Sobra sobra.
“Too many billion people, Running around the planet, What is the chance in heaven, That you'd find your way to me?”
Napangiti ako dahil sa kinakanta nya, nafefeel ko ang boses nyang buo at malamig, sana laging ganito. Sana lagi kaming ganito. Kahit hanggang ganito na lang.
“Tell me what is this sweet sensation? It's a miracle that's happened, Though I search for an explanation, Only one thing it could be--”
Born for you ang kinakanta nya, sa tingin ko kinakanta nya lang 'to dahil sa girlfriend nya. Ang hirap ng ganito. Yung alam mong ang lapit nya pero ang layong makuha mo sya. Nagulat ako nung bigla syang tumingin sakin. Nakatingin lang sya habang kumakanta.
“That I was born for you, It was written in the stars, Yes, I was born for you and the choice was never ours, It's as if the powers of universe, Conspired to make you mine, And 'til the day I die, I bless the day that I was born for you..”
Nakatingin lang sya diretso sa mga mata ko hindi ko rin sya naintindihan pero yung mga tingin nya sakin parang may gustong sabihin pero patuloy lang sya sa pagkanta. Naalala ko tuloy nung pumasok sya ng STG.
Habang naglalakad ako sa hallway ay paikot ikot ang tingin ko dahil hinahanap ko sya, hindi ko sya makita kanina ko pa nilalakad ang kabuuan ng st. gerald.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang isang lalaki sa gilid ng puno, mag isa parang malalim ang iniisip nagulat ako nung si stan pala yun kaya mabilis akong naglakad patungo sa pwesto nya.
Nang makalapit ako ay napaangat ang tingin nya, “Hello..” Bati ko.
Umiling lang sya at tumayo na pero pumunta ako sa harap nya. Diko sinasadyang na' out of balance ako at hindi ko alam kung nalaglag ako sa sahig malaking kahihiyan yun. Nung minulat ko ang mata ko nagulat ako nung wala akong nakapang sahig napatingin ako sa lalaking nakatingin sakin, halo-halo ang emosyon na parang may gustong sabihin.
Bumuka ang bibig nya pero natikom din agad, tinayo nya na ako at nagmadali na syang umalis.
Isa din yun sa dahilan kung bakit ayoko pa syang bitawan, ayoko syang bitawan parang may gusto talagang sabihin ang mga tingin nya. Gaya ngayon, diretso na naman syang nakatingin sa mga mata ko. Gusto kong malaman ang gusto nyang sabihin pero nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
“Too many foolish people, trying to come between us, none of them seem to matter, When I look into your eyes, Now I know why I belong here, In your arms I found the answer.. Somehow nothing would seem so wrong here If they'd only realize...”
“That I was born for you, And that you were born for me, And in this random world, This was clearly meant to be, What we have the world could never understand or ever take away, And 'til the day I die.. I bless the day that I was born for you...”
“What we have the world could never understand or ever take away and as the years go by, Until the day I die... I bless the day that I was born for you..”
Natapos syang kumanta at binaba nya na ang gitara, tinignan ko ang oras labasan na pala namin di namin namamalayan, hindi na naman kami nakapasok pero excuse naman yung ganon. Biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun agad at binasa ang text.
From: Kuya Jayce
Aria, ang sabi ng teacher mo nagpra-practice daw kayo ng kanta. Umuwi na kami ni bunso text mo na lang ang driver natin pag uuwi kana. Mag ingat ka umuulan pa naman.Hala, umuulan? Bakit di namin marinig? Sabagay sound proof kasi ang kwartong 'to. Tumayo ako at tumingin kay stan.
“Stan, Una na ako ah?” Paalam ko sakanya pero tumingin lang sya sakin at tumango.
Lumabas ako ng music room at mabilis na tinahak ang hagdan, kinuha ko ang phone ko at saktong namatay, battery low na pala. Shit. Paano na 'to?
Nandito pa ako sa hallway tinitignan ko ang malakas na buhos ng ulan, kung lulusong ako pwede akong magkasakit, papagalitan pa ako pero no choice ako.
Tatakbo na sana pero biglang may humablot ng braso ko at na out of balance ako kaya napapikit ako. Nangyari na 'to dati eh. Nag mulat ako at nakita ko na naman ang mga mata nyang may gustong sabihin.
Tinayo nya ako, “Wag mong isipan sumulong, ang lakas ng ulan... Nasan ba driver mo? O mga kapatid mo?”
Napanguso ako, “Umuwi na sila kuya, magtetext sana ako sa driver namin kaya lang biglang namatay ang phone ko.” Pagpapaliwanag ko.Kumunot ang noo nya binitiwan nya ang bag nya sa may upuan at hinubad ang coat nya at nilagay sakin. “Suotin mo. Hintayin moko dito.”
Magrereklamo pa sana ako pero bigla syang tumakbo, nanlaki ang mga mata ko nung sumulong sya sa malakas na ulan. Anong nasa isip ng lalaking yun? Wala akong magawa kundi isuot ang coat nya.
Lumipas ang ilan minuto may dumating na kotse at huminto sa harap ko binaba nya ang window at nakita ko si stan basang basa. Ano ba kasing nasa isip nito? “Sakay na.” Hindi ko narinig yung sinabi nya dahil sa lakas ng ulan.
“Ano?!” Sigaw ko. Umiling lang sya at bumaba sa kotse nya at pumunta sa may upuan at kinuha ang gamit nya.
Humarap sya sakin, “Ang sabi ko, sakay na.” Ilan segundo bago magsink sa utak ko yung sinabi nya.
Bago pa ako makapagsalita hinila nya na ako sa bewang ko at pinasok sa kotse nya. Naramdaman ko agad ang lamig paano pa kaya syang basang basa na?
Tumingin ako sakanya habang sya pinaandar ang kotse, “Stan, baka mas kailangan mo 'to.” Sabi ko sakanya.
Umiling lang sya, “Nah, kaya ko ang lamig... Sige na medyo malayo ang sainyo dito diba? Tulog ka muna.” Aniya.
Hindi na ako nagreklamo at tumingin na lang sa daan, totoo ba 'tong nakikita ko? Magkasama kami? Hinatid nya ako sa sa'min? Hindi kaya nananaginip lang ako? Pwes, kung panaginip lang 'to ayoko ng magising.
“Aria?” May nagtatap ng braso ko. Sino kaya yun? Hindi ko pinansin at natulog ulit ako.
“Aria, nandito na tayo gising na.” Doon ako napamulat at nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Bigla syang lumayo.
“Nasan tayo?” Tanong ko. Tinignan ko ang daan nandito na pala kami samin.
“Nasainyo, sige na magpalit kana nabasa ka rin.” Tumango ako pero bubuksan ko sana ang pinto pero may nakalimutan akong ibigay.
Kinalkal ko ang bag ko at nilabas ang panyo nya at binigay sakanya, Kita kong nagulat sya at biglang namutla, “B-bakit nasayo 'to?”
“Nalaglag mo kasi kanina kaya yan nakuha ko. Alam kong sayo yan, kaamoy mo eh. Sige na alis na ako. Salamat pala sa paghatid ah? Ingat stan.”
Binuksan ko na ang pinto at lumabas, nagmadali akong pumasok ng bahay namin at bigla akong napangiti. First time nya akong sinakay sa kotse nya. Ang sarap pala sa feeling pero teka, yung coat nya!
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
RomanceNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]