The Princess Secret Love 8
***
Savanna’s POV
Dalawang araw ang lumipas mula nung nagkausap kami ni tres. Sa totoo lang hindi ko pa rin makuha ang gustong iparating ni tres. Kaibigan ko sya at alam kong hanggang doon lang ang nararamdaman ko para sakanya. Kung totoo man ang kutob ko, ayoko na siyang paasahin pa, ayokong nasasaktan sya.
Nagflashback lahat sakin kahapon ang mga ginagawa sakin ni tres, mula sa lagi nyang pagtulong sakin, yung pag i’spoiled nya, paghatid nya, pagsama sakin at yung sa party nung umiyak sya, impossibleng umiyak sya ng walang dahilan. Ang reaksyon nya nung binanggit ko sakanya si Stan.
Tres, may gusto ka ba sakin? Sana nung una pa lang sinabi mo na para hindi ka umasa sa ‘kin, kaibigan kita kaya mahal kita pero doon lang talaga ang kaya ko. Im sorry..
Sinarado ko ang notebook ko katapos kong magsulat. Tumingin ako sa paligid pero walang stan akong nakita. Nasan na kaya sya? Bakit hindi sya pumapasok? Anong nangyari sakanya?
“Friend, kanina pa yan ulo mo, ang likot may hinahanap ka ba?” Tanong ni Cha. Umiling ako.
Nilagay ko sa bag ko ang notebook na ginamit ko. Isang notebook lang naman ang dala dala ko.
“Class dismissed.” Tumayo na ako para lumabas ng classroom. Inikot ko pa ang paningin ko.
Nagsimula akong maglakad, nakita ko pa ang ilan couples dito na nakatayo, magkaakbay, magkayakap, ang sweet lang tignan pero sobrang PDA ang dating nila medyo masakit sa mata.
Hindi pumasok si tres ngayon dahil nakita ko kanina ang mga barkada nya at sinabing hindi daw sya pumasok. Kinuha ko ang phone ko at tinext sya.
To: Tres Lee
Tres, bakit hindi ka pumasok?
Wala pang ilan minuto nagvibrate ulit ang phone ko. Ang bilis ng reply nya ah?
From: Tres Lee
Meron lang problema sa company. Don’t worry papasok na ako bukas. Basta mag iingat ka dyan. Okay?
Sweet si tres pag dating sakin, kaya minsan iniisip ko na kapatid ko sya dahil parang sya si Kuya Jayce ko.
To: Tres Lee
Sana maayos na agad ‘yan. Mag iingat ka rin dyan ah? Kumain ka na!
Alam kong hindi pa ito kumakain dahil alas-onse pa lang, maaga ang lunch time namin dito dahil hanggang four to five o’ clock lang kami dito.
From: Tres Lee
Yeah, yeah. Kakain na sana ako pero nag text ka, Ikaw kumain kana?
To: Tres Lee
Opo kakain na. Bye!
From: Tres Lee
Bye. Ingat princess.
Hindi ko na sya nireplayan at dumiretso ako sa paglalakad pero parang nakita ko si Stan na naglalakad papunta sa likod ng school. Teka? Stan ba yun?
Sinundan ko sya hanggang sa ma confirm ko na siya nga ‘yun, nasa isang balikat nya ang bag at hawak lang ang isang strap ng kanyang bag. Ito na siguro ang time para magpasalamat ako. I miss him. Halos nine days ko yata syang hindi nakita. One week na rin.
Tumabi ako sakanya mukhang nagulat pa sya, “Hi stan.” Nakangiti kong bati. Tumigil sya sa paglalakad.
“What are you do----”
“Wait stan,” Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para patigilin sya sa pagsasalita.
“Bago mo ko pagalitan, nagpunta ako dito kasi nakita kita at sinundan dahil gusto ko lang mag pasalamat sayo, Thank you sa pag tulong akala ko kasi walang ganun dito..” Ngumuso pa ako pero may naalala ako, “At teka nga pala, ano yung sinabi mo sakin? Hindi ko na kasi maalala.”
Tinignan nya lang ako at halos matunaw ako sa mga tingin nya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Sisigawan nya ba ako ulit? Papaalisin? Itataboy? Papaiyakin? I’m ready for that.
“Wala.” Sagot nya at tumalikod na sakin at nagsimulang maglakad pero sumunod ako.
“Hindi moko pwedeng paalisin dahil susundan pa rin kita.” Sabi ko. Patuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa umupo sya sa isang bakal na upuan malapit sa may puno ng mangga pero hindi doon sa kung saan ako nabugbog.
Umupo din ako sa tabi nya, “Bakit mo ba ako sinusundan? Ilan beses ko na bang sinabi sayo na wala kang mapapala sakin?”
Sumimangot ako, “Sinusundan kita kasi gusto kong makausap ka pero lagi mo kong pinapaalis, Ilan beses mo ng sinabi 'yan? Siguro mga fifty di ako sure eh.”
Nakita kong natigilan pa sya at tumingin sakin pero ngumiti lang ako sakanya, “Hindi ka ba titigil sa ginagawa mo?”
Nagkibit balikat ako, “Bigyan mo ko ng dahilan para tumigil sa ginagawa ko.”
Umiwas sya ng tingin sa ‘kin, “Dahil hindi kita gusto, hindi kita kilala.. Ilan beses na rin kitang tinaboy..”
Ngumiti lang ako, “Yun lang ba? Wala naman sakin yun eh. As long as nakikita kita kahit hanggang doon lang. Wala na akong hinihinging kapalit.”
Nag init ang gilid ng mata ko pero pinilit kong pigilan ito, masaya ako ngayong kasama ko sya, pareho kaming nasa isang upuan, kinakausap nya ako, tinitignan nya ako. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Yung malapit ka sa taong mahal mo.
“Gusto mong kwentuhan kita?” Tanong ko sakanya, tumingin sya sakin sandali pero inalis din agad ang tingin. “Kahit ayaw mo kwe'kwentuhan pa rin kita.”
“Isang araw may isang prinsesang nagpapalipad ng kite, pero nung binaba na nya ang saranggola aksidenteng napunta ang saranggola sa puno ng mangga, umiyak ang batang babae dahil hindi sya marunong umakyat ng puno, hanggang may lumapit sakanya na batang lalaki tinanong sya kung bakit sya umiiyak sinabi ng batang prinsesa ang dahilan... Sinabi ng batang lalaki na mahirap kunin yun pero nagmakaawa ang prinsesa walang nagawa ang lalaki kaya naman pinilit nyang umakyat sa puno hanggang sa makuha nya ang saranggola, tuwang tuwa ang batang prinsesa dahil nakuha ito ng lalaki.. Nagpakilala sila sa isa't isa hanggang sa sinabi ng lalaki ba nagkaroon sya ng crush sa babae at may binitiwan itong pangako... na sa pagbabalik ng lalaki liligawan nya ang babae pero hanggang sa tumanda na sila pero walang nangyari... Hindi sumuko ang prinsesa dahil hanggang ngayon naniniwala syang hindi sya bibiguin ng lalaki kahit ilan beses nya pa itong saktan at hindi na maalala ang nangyari noon.. The End.”
Tinignan ko sya at nakita kong namumula ang mga mata nya, ngumiti lang ako sakanya, “Ang sabi nila spoiled brat ako, lahat ng gusto ko nakukuha ko, naniniwala rin ako sa happy ending dahil nakikita at nababasa ko ito sa mga libro ng isang fairytale... Inaasam asam ko na isang araw magkakaroon din ako ng happy ending katulad ng nasa libro.”
“Balik tayo sa pagiging spoiled brat, sinabi nila nakukuha ko lahat ng gusto ko, Oo nakukuha ko pera, dress, gowns, kotse o kahit ano pang luho sa buhay pero isang tao lang ang hindi ko makuha, ang lalaking matagal ko ng minamahal hindi ko sya makuha... Kahit anong gawin ko hindi ko sya makuha dahil hindi ko hawak ang puso nya na kahit sino ay hindi mabibigay sakin kundi sya lang ang may kaya nun pero hindi nya ako maalala o gusto eh, ngayon masasabi mo pa bang spoiled brat ako?”
Tumawa ako mahina, nanggigilid na ang mga luha ko, hindi ko na kaya 'to baka maiyak ako sa harapan nya, Tumayo ako at sinabit ang bag ko sa balikat, “Salamat sa pakikinig, stan.. Mauna na ako ah? Ingat ka.”
Kasabay ng pagtalikod ko sakanya ang pagtulo ng mga luha ko. Sa isang fairytale story, hahabulin ka ng lalaki pero ngayon walang humabol sakin. Totoo ngang sa libro lang yun nangyayari.
“A...aria...” Tawag nya pero diko sya pinansin at tumakbo na ako papasok ng STG.
Bakit ko pa kasi kwinento sakanya yun? Bakit kailangan ko pang magmukhang desperada sa harap nya? Wala eh. Mahal ko talaga. Atleast nakasama ko sya. Masaya na ako doon.
BINABASA MO ANG
The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)
Storie d'amoreNEXT GENERATION> Roseller's Trilogy #1: Savanna Aria Villamar-Roseller[COMPLETED]