Chapter 1: Spoiled Brat

100 4 0
                                    

The Princess Secret Love 1



***

Savanna’s POV



“Pero senyorita... baka pagalitan ako ng mommy at daddy nyo, pinabantayan ka nila sakin....” Napabuntong hininga ako.


Hinarap ko si manang loida, “Manang, magma'mall lang ako, at magdri-drive ako----”


“Naku senyorita! Wag na wag po kayong magdrive magagalit sakin sila sir at ma'am, baka mawalan pa ako ng trabaho dahil di kita mabawalan sa ayaw mo...” Kitang kita ko ang lungkot sa mata ni manang.


Napairap ako sa isip ko, sila mommy at daddy kasi masyadong protective, “Manang naman, hindi naman na ako bata hello second year college na ako, gusto ko lang magmall at paano ako makakapunta kundi ako magdri'drive?”


“Senyorita kasi... magpadrive ka na lang po wag na po kayo ang magdri'drive.” Napailing na lang ako at tumayo na.


“What's going on here?” Napatingin ako sa may hagdan na pababa. Ang Kuya ko pala.


“Naku master. Si senyorita po kasi... gustong magdrive papuntang mall.” Sumbong ni manang loida kaya napanguso ako.


“Sige manang ako ng bahala dito.” Sabi ni Kuya Jayce kay manang kaya nagkakamot ng ulo na umalis si manang.


Hinarap ako ni kuya na seryoso akong tinignan, “Ang kulit mo aria, ang sabi naman nila mom sayo bawal pa ang magdrive hangga't dika pa nakakagraduate. May mga drivers naman tayo.”


Sumimangot ako, “Kuya Jayce, gusto ko lang naman mag drive, gusto ko ng subukan.”


Umiling si Kuya, “Dapat hindi ka ini'spoiled Aria, pag sinabing hindi. Dapat hindi.”


Nagpapadyak na ako dito akala ba nila one year old pa lang ako? Nakakainis naman eh. Oo, spoiled brat ako dahil ako lang ang nag iisang anak nilang babae kaya sobrang protective nila sakin.


“Kuya last lang please?” Nagpupuppy eyes pa ako sa harap nya pero inirapan lang ako.


“No.” Mas lalo akong napasimangot kahit kailan talaga si Kuya Jayce.


“Pleaseeeeee?” Tumalim na ang tingin sakin ni kuya. Umiling lang sya.


“Gusto mo bang ma'grounded, Aria?” Mabilis pa sa alas quatro akong umiling.


“Then wag mong ipilit ang gusto mo, kung gusto mo magpadrive ka na lang hindi ikaw ang magdri'drive.” Seryosong sabi ni kuya kaya wala na akong magagawa.


“Okay...” Nakasimangot na sabi ko at napayuko pero inangat ni kuya ang chin ko.


“Smile princess, I love you.” Katapos nun ay hinalikan nya ang noo ko kaya napangiti ako.


“I love you too kuya..” Nakangiti kong sabi. Ngumiti lang sya at umakyat na ulit.


Kaya ganyan mahal na mahal ko ang kuya dahil sobrang lambing, sweet, caring at protective. Siguro namana nila kuya at bunso ang pagiging protective sa mga villamars. Ayaw palang patawag nilang tawagin namin silang lolo at lola, pang matanda daw hindi kaya ng beauty at kagwapuhan nila kaya tita at tito na lang.



Lumabas ako ng bahay namin at tinignan ang mga kotse, dahil hindi pa umaalis si kuya at bunso ay may limang kotse pang natitira dito. Ano kayang gagamitin ko? Yung kulay, blue? Red? Pink with Violet? Maroon? Or Grey? Ang hirap naman halos lahat kasi maganda.



The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon