Chapter 11: Mommy

33 3 0
                                    

The Princess Secret Love 11

  

***

Savanna’s POV

 


“Teka lang stan ah? Kung magpra-practice tayo ngayon edi absent tayo ng pang fourth subject?” Tumango sya sakin.



“Hindi kaya tayo papagalitan, stan neto? Bakit di na lang sa'min kayo mag practice?” Kita kong natigilan sya.

 

 
Tinignan nya ako, “Dito na lang mas kumpleto ang instrument at mas komportable ang pagpra-practice dito.” Sagot nya habang ini-strum na ang gitara.


 


Pinalobo ko ang pisngi ko at tumango, “Okay, siguro nga mas komportable dito. Tara start na tayo.”





Tumabi ako sakanya. Habang prina-practice nya ang paggitara prina-practice ko ang pagkanta at ang tono nito pero mahina lang saktong dinig nya lang.





“Taasan mo ang boses mo, ako ang bahalang i-blend ang boses natin. Halos magkapareho ang boses natin version girl nga lang kita.”





Ngumiti naman ako, “Tapos version boy kita? Ngayon ko lang din narealized ang pagkakatunog ng boses natin. Maganda syang blending.”





Tumango sya sakin, “Game na. Nasan ba ang copies ng mga kakantahin natin?”





Kinuha ko sa bag ang King and Queen of hearts, “Yan lang ang meron akong lyrics, bukas na lang natin ang nothing's gonna stop us now. Payag ka?”

 



“Yeah. Practice na tayo.” Ngumiti lang ako sakanya hanggang sa narinig ko na ang pag strum nya ng gitara.

  



Habang nagpra-practice kami nakatingin lang ako sakanya sya naman ay sa gitara nakatingin pinilit kong itaas ang voice ko para gumanda ang blending masyado kasing buo ang boses nya at mababa pa kaya kailangan mataas ang akin.
 




Huninto muna kami sandali sa pagpra-practice, “Ang ganda ng boses mo.” Sabi ko sakanya.





Naghalf smile lang sya pero lumakas ang tibok ng puso ko, “Salamat. Ikaw din.”


 


Ngumiti din ako sakanya. Nasa iisang room lang kami magkasama kami ulit dahil sa practice, nagpapasalamat ako dahil kami ang magkapartner sa singing contest at nagkaroon ako ng chance na makasama sya.





“Kamusta pala kayo ng girlfriend mo?” Tumingin sya sakin ng seryoso. Teka? May mali ba sa tanong ko?





“Girlfriend ko? Okay lang naman kami.” Napalunok ako at umiwas ng tingin sakanya.





Meron nga talaga syang girlfriend kaya dapat wag kang umasa sakanya, hindi porket kinakausap ka nya ay gusto nya na rin ang kausapin ka. Baka napipilitan lang sya sakin dahil magkapartner kami.





“Maganda naman kung ganon... mahal mo talaga sya 'no?” Kinagat ko ang lower lip ko.





“Hmm...” Yun lang sinabi nya at nag strum sya ng guitar, “Wag ka ng magtanong,”





Tumango lang ako at nagulat ako nung kinantahan nya ako. Kinakanta nya ang dying inside to hold you. Ganda ng boses lalo akong nahuhulog sakanya.





‘Its turning out just another day. I took a shower and I went on my way, I stopped there as usual. Had a coffee and pie.. When I turned to leave, I couldn’t believe my eyes.’





‘Standing there I didn’t know what to say.. Without one touch. We stood there face to face.’





‘And I was dying inside to hold you, I couldn’t believe what I felt for you, dying inside I was dying inside... But I couldn’t bring myself to touch you.’





Nakauwi na ako ng bahay, halos tatlong oras din kaming magkasama ni stan sa music room. Practice lang kami ng practice.





Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit katapos maligo. Lumabas ako sa terrace. Ang lamig. Naaninag ko ang puno ng mangga kung saan kami unang nagkita masyado ng malaki ito hindi na katulad dati na mababa lang at kayang kaya pang akyatin ng seven years old na bata. Marupok na rin ang katawan nito hindi na kasing tibay katulad dati. Gusto ko bago magiba ang punong 'yan makapunta muna kami ni Stan pero alam kong malabo na lang yung mangyari.





Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya pumasok na ako sa kwarto at nakita ko si mommy. Ngumiti ako sakanya, “Hi mom.” At hinalikan ko sya sa pisngi.





“Bakit po kayo nandito mom? May kailangan po ba kayo?” Tanong ko.





Umupo si mom sa may kama kaya umupo rin ako. Tinignan lang ako ni mommy na parang may sinusuri. “Dalaga na talaga ang anak ko marunong ng magsikreto.”





Kumunot ang noo ko, “Mom naman... ano naman pong ise-sikreto ko?” Ngumuso pa ako sakanya.





“Baka akala mo baby nakakalimutan ko yung sinabi mo sa 'min nung dumating ang mga tito at tita nyo... Sino ang nagpapatibok ng puso ng baby ko?”





Feeling ko bigla akong namula kay mom, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin ine-expect ko na rin na tatanungin nya ako tungkol dito pero hindi ko alam na ngayon pala. “Mom,” Nahihiya kong sabi.





“Wag kang mahiya sakin anak, mommy moko, babae ako at napagdaanan ko rin yung ganyan. Kung sino man yan baka pwede mong ikwento kay mommy para malaman?”





Nagkamot pa ako ng ulo, “Natatandaan nyo po ba nung bata ako mga seven years old po ako? Niregaluhan ako ni daddy ng saranggola.” Tumango sakin si mom.





“Diba po nagpaalam ako na magpapalipad lang ako ng saranggola. Nakilala ko po sya nung nakita nya akong umiiyak dahil napunta ang saranggola ko sa puno, sya ang tumulong sakin para kunin iyon. Inakyat nya anf puno ng mangga. Doon ako unang nagkaroon ng crush sakanya mom at nung bumaba sya ang sabi nya aalis na daw po sya at pupunta na syang ibang bansa at doon na mag aaral pero may binitiwan po syang pangako...”





Naluluha ako habang nagkwe-kwento kay mom, “Ang sabi nya po sa pagbabalik nya liligawan nya ako pero ngayon po hindi na po nya ako maalala at masakit pa po ay may girlfriend na sya, ang sakit lang mom eh. Ilan taon akong umasa na kapag bumalik sya ipapakilala ko na sya sainyo pero ayaw na ayaw nya sakin. Ayaw nya ang pagiging spoiled brat ko, madaldal, laging sinusundan... Siguro nga mom, hindi lang talaga sya ang para sakin.”


 


Niyakap ako ni mom kaya tumulo ang mga luha ko, naging komportable ako sa pagshe-share ng kwento ko kay mommy. Babae sya at kamukha ko syang makakaintindi sa pinagdadaanan ko.





“Alam mo baby, seven years old pa lang kayo nun, wala pa kayong masyadong alam tungkol sa buhay pag ibig, bata pa lang kayo marami pa kayong pagdadaanan.. Hindi ko rin sya masisisi kung bakit hindi ka nya maalala biruin mo baby seven years old pa lang kayo nun... sa pag alis nya marami ang pwedeng magbago... Hindi rin kita masisisi anak kasi hinahawakan mo ang binitiwan nyang pangako...”





“Mahal mo ba talaga sya anak?” Tanong ni mom at hiniwalay ako sa yakap. Mabilis akong tumango at yumuko.





“Mom.. sobra...” Bulong ko, tumulo na naman ang mga luha ko pero inangat ni mommy ang chin ko at pinunasan ang mga luha ko.





“Darating din yung araw na magkakaroon ka ng fairytale story baby, hindi man gaya ng napapanuod mo sa CD's or TV's pero magkakaroon ka pa rin.. Hindi man ngayon pero darating din yan. Tandaan mo yan anak.” Ngumiti si mom at niyakap ako at hinalikan.





Tumayo na sya, “Sige na baby baka hinahanap na ako ng dad mo.”




 
Ngumiti ako kay mom, “Thank you po mom, I love you.”





“I love you too, baby.” Sagot nya at lumabas na ng kwarto ko.





Bata pa lang kami nun. Maraming pwedeng magbago. Magkakaroon rin ako ng fairytale story? Yan ang mga nag echo sa isip ko. Tama si mommy, sobrang bata pa lang namin hindi pa alam ang bawat binibitiwan namin salita, Oo nga ang daming nagbago, at ang pagkakaroon ko ng isang fairytale story? Hindi man ngayon pero alam ko someday.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon