Chapter 31: Confession

26 0 0
                                    

The Princess Secret Love 31






***

Savanna's POV






Katapos kong marinig lahat ng pag uusap nila Clayara at ng kuya nya. Shit! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. All this time kapatid nya lang pala si Clayara? Pero kung makapag react ko ay over acting na.





Tinignan ko ang relo sa pulso ko, alas diyes pasado na, ang daming text messages ng pamilyar pati mga bestfriends ko, they have no idea where I am. Kaya lagot ako kauwi ko nito, I don't what to do.





Nakasakay nako ng kotse ngayon pauwi, actually ay malapit na samin, kinakabahan ako sigurado akong galit na sila mom and dad,pati na rin mga kapatid ko. Ang tagal kong nag stay sa garden nila almost five hours! Rinig na rinig ko lahat pati yung sinasabing princess ng kuya nya. Sino kaya 'yon? Narinig ko rin si Stan na sinabi nya na magco-confess na sya rito, masakit? Of course, hindi nga nya girlfriend si Clayara pero meron na palang ibang nagmamay-ari ng puso nya.





Namataan ko na ang mansion namin, huminga muna ako ng maluwag, lagot ako nito, bawal akong magdrive, gabi na ko nakauwi, and worst is ang dami kong sugat. Mahahapdi pa sila, gosh paano ako bukas? Paano ako papakita sa school ng ganito ako? Mga braso, balikat, tuhod, legs, kahit sa leeg ay meron konti.





Pinarada ko sa labas ang kotse sa labas at may susi naman ako ng gate namin kaya binuksan ko 'yon, nakita kong nakasindi pa ang ilaw sa sala namin kaya kinabahan na naman ako pero di naman ako natatakot, it's my fault.





"Naku senyorita! Ano pong nangyari sainyo?" Nakita ko si Manong Eddie na mukhang alalang alala sakin, "Muntik nakong malagot sa mga magulang mo, galit na galit ang daddy mo senyorita, saan ka ba galing? Ganyan pa ang itsura mo, naku po."





"Gising pa ba sila?" Tanong ko sa malumay na boses, bukod sa medyo nanghihina ako ay masakit din ang ulo ko, mahapdi pa ang mga sugat ko.





"Opo senyorita, hindi po sila nakatulog sa kakahanap sayo, sa totoo lang ay naghire na din sila ng mga pulis, akala nila ay nawawala ka na."





Nanliit ang mga mata ko, "Gising manong, papasok na ko. I'll accept my punishment."





Tumalikod nako at pinihit ang doorknob ng pintuan, huminga ako ng malalim, nawala na rin ang kaba ko, nung kabukas ko ay bumungad sakin sila mommy--na umiiyak, si Daddy na mukhang galit, ang mga kapatid ko na nag aalala.





Napatingin sila sa gawi ko, "Baby?!" Napatayo si mom, "What happened to you? Sinong may gawa nyan? Saan ka nanggaling?"





Ngumiti ako kay mom tumingin ako kay dad hindi sya nagsasalita, hindi sya nakatingin sakin batid ko ang galit nya.





Tumingin ulit ako kay mom and I wiped her tears keep falling from her eyes, "Sorry mom, dad, kuya and bunso, I will do, and I'll accept my punishment, but now I want to rest mom, I'm so tired." Tumulo ang mga luha ko at tumalikod na sakanila at umakyat sa kwarto ko.





Tumulo lang ng tumulo ang luha ko, hindi ako pinapansin ng mga kapatid ko pati ng Daddy ko, si mommy lang ang pumansin sakin, isa pa yung nagpapaiyak sakin ay yung narinig ko kay Stan. Her princess. Ang sakit. Kahiga ko ng kama ay hindi namalayan na nakatulog na pala ako.





Kagising ko ng umaga ay nakita kong iba na ang suot kong damit, nakalinis na rin ang mga sugat ko. Sinong may gawa nito? Panigurado ay si Mommy.





Tumayo ako ng kama at ginawa ang daily routine ko, kahit naman may mga sugat ako ay nakalinis na at hindi na ganoon kahapdi gaya kahapon, nag high-waisted pants nalang ako at crop-top blouse and rubber shoes. I curly my hair at the tip, hindi pa naman oras e, kaya I have time pa para mag ayos. Clinip ko ang side bangs ko, I used powder, lipstick and light blush-on.





Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, civilian kami ngayon friday e, and sa course din naman namin. Huminga ako ng malalim, galit sakin ang mga tao sa baba, gusto kong mag sorry sakanila atsaka na yung pag explain ko, hindi pa ako ready.





Kababa ko ay nakita ko na sila, hindi sila nagsasalita, nilapitan ko sila isa-isa at pinagkiss sa cheeks and greeted them a good morning but they didn't response.





"Good morning din baby, Amg ganda mo ngayon." Nakangiting sabi ni Mom kahit ganyan si mom ay alam kong masama loob nya.





Nasa school na kami all eyes on me, siguro ay nagtataka sila sa nangyari sa braso at balikat ko. Hindi ako ngumiti ngayon, ang hirap pala ng ganito.





Tumingin ako sa dalawa kong kapatid na nauuna sakin, "Una nako, bye." Sabi ko, hindi sila nagsalita at nagtuloy-tuloy lang sila sa paglalakad.





Napatingin ako sa may garden ng school nandun si Tres, mag isa at mukhang nag iisip, galit din kaya sya sakin? Huminga ako ng malalim at pinuntahan sya sa loob ng garden.





Umupo ako sa harap nya napatingin sya sakin at mukhang gulat na gulat pa, nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, "Fuck..." Bulong nya.





"T-tres?" Bumitaw sya ng pagkakayakap sakin at nakita kong namumula ang mga mata nya.





Napahilamos sya sa mukha, "Damn, pinag alala moko ng sobra, hindi ko alam nababaliw ako nung nalaman kong hindi kapa umuuwi at di mo sinasagor mga phone calls, I was.... I was crazy that time. Lahat na yata ng pwedeng puntahan ay pinuntahan ko na."





Naguguluhan ako kay tres, hindi ko alam ang gusto nyang sabihin. Alam kong nag aalala sya dahil kaibigan nya ako pero hindi, I saw his tears falling from his eyes but he wiped it.





"At makikita ko pa na ganyan ka, punong puno ka ng sugat, saan ka ba nagpunta? Tapatin moko, Savanna."





Sasabihin ko na ba? Kwinento ko sakanya ang nangyari, mula nung nasa school palang ako hanggang sa makapunta na ako sa bahay ng mga Lazarus, pati mga narinig ko ay nasabi ko na sakanya. I trust tres, so much.





Nakita kong umiyak na talaga sya, yumuko sya at doon umiyak, nagtataka na ako, hindi ko alam ang gagawin ko, "Tres... bat ka--"





Tumingin sya sakin ng lumuluha and it breaks my heart, "Princess, ang sakit..." Sambit nya. Napapahagulgol na rin sya.





"Naguguluhan nako sayo, Tres." Sabi ko habang nakatingin lang ako sakanya.





Ngayon ko lang nakitang ganito si Tres, mula pa non ay never na syang umiyak ng ganito. Hindi nya pinunasan mga luha nya dahil kahit punasan nya ay may papalit rin.





"Vanna, bat si Nyl pa? Bat si Nyl pa na dika mahal? Bat si Nyl pa na walang pakialam sayo? Bakit sya pa? Bakit sya pa ang minahal mo..." Humahagulgol na talaga sya.





"Mahal ko na si Stan when I was 7 years old," Kwinento ko na naman sakanya lahat ng nangyari.





"Vanna, ang sakit sakit." Umiwas sya ng tingin sakin hindi sya nagsalita at umiiyak lang sya. And last tumingin siya sakin, na may hinanakit ang mga mata.





"Vanna, mahal kita." Sambit nya, and I was shocked. "Mahal na mahal kita pero iba ang gusto mo and it's killing me... Vanna, ang sakit. Kung alam mo lang, sobrang sakit..."





Tumayo sya at nagsimulang maglakad palayo sakin, napatingin ako sa may gilid at nakita ko doon si Stan, nakatingin sakin, batid kong narinig nya lahat ng napag usapan namin.





I'm sorry tres, I can't love you back.

The Princess Secret Love(Roseller's Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon